Cassey Pov
(Flif flif,,, flif flif)
She got a txt message.Galing iyon sa bestfriend niya, Si Lea.
To: Beshey Cassey
Oh bess, here's the location,
El Favorito Restaurant, sa may timog. Bess behave ok!!!!.Naiinis talaga sya sa ginagawa sa kanya ng kaibigan.
Pakiramdam niya ay ibinubugaw na siya nito sa mga kalalakihan.
Ang dating tuloy ngayon, parang walang nagkakagusto sa kanya.She dialled the number.
Ilang sandali nagring, at may sumagot sa kabilang linya.
"Oh bess, on the way kana ba???" Kaagad na tanong sa kanya ni Lea.
"No!!," maikli niyang sagot.
"Ano???, bess naman anong petsa na!!, baka inaamag na yung kadate mo dun!!!"
"Eh!, shongga ka din pala eh,, bakit di mo sinabi kung anong oras??, at saka hayaan mo syang maghintay dun, kung sino man sya!!!""Bess, i told you, iba toh sa mga nauna mong nakilala!!, very gentleman toh!!, at balita ko kakukuha lang nya ng lisenya sa pagdo-doktor!!!"
"Lea naman!!, kahit pa lawyer yan o nurse, o ki anak yan ng presidente, kung wala naman syang dating para sa akin!!, wala din!!!" May kasamang pagtataray niyang sinabi.
"Wag ka ngang nega!!, kaya di ka nagkakalove life eh!!!, oh basta pumunta kana dun sa lugar na sinabi ko!!!, at kanina pa naghihintay ang prince charming mo!!"
"Che!!!!" Huli niyang turan bago tuluyang putulin ang tawag.
7:45 of the evening.
Lumabas siya ng kanilang bahay at sumakay ng kotse.
Napaka kaswal ng kanyang pananamit.
Kung tutuusin ay pambahay niya iyon.Sinadya niya na ganun ang kanyang outfit.
Total, huling beses na din naman niya itong gagawin.
Ang makipag-blind date...Dahil sa hindi naman kalayuan sa bahay nila ang timog.
Madali niyang narating ang restaurant.Isang mamahaling restaurant ang El Favorito.
Karaniwang mga negosyante ang mga kustomer dito.
Pag pasok niya, kukunti pa ang tao sa loob.Mula sa intrada ang restaurant, agaw pansin kaagad sa kanya ang isang lalaking naka upo sa gilid na bahagi.
Nakatalikod ito mula sa kinatatayuan niya.
Kaya hindi niya makita ang mukha nito.
Dahil ito lamang ang lalaking sasakto sa ibinigay na pagkakakilanlan ng kaibigan.
Lumakad siya patungo sa direksyon ng lalaki.
Habang papalapit siya, napansin niya ang pagiging makisig ng lalaki."Excuse me sir!!, are you waiting for someone???" Tanong niya.
"At last, Ms. Cassey Bustamante!!!" Tugon ng lalaki.
Nagulat siya pagkarinig sa pangalan niya.
Paanong kilala siya ng lalaking ito.Tumayo ang lalaki at hinarap sya.
"Exactly 1hour and 35minutes akong naghintay bago ka dumating!!!" Habang nakatingin ito sa suot na wrist watch.
"I though you never come!!!" Dagdag pa ng lalaki.She was shocked ng makita ang pagmumukha ng lalaking kaharap niya.
Bahagya pang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Hey!!, relax!!, ako lang toh!!, you dont need to be shocked!!!!"
"OMG!!, for real???, ikaw ba talaga yan???" Hindi parin siya makapaniwala.
"ssshhhhhh!!!!" Pag awat sa kanya ng lalaki.
"Im sorry, di lang talaga ako makapaniwala!!!, Jared Gathercoal here infront of me???, Wow!!!"Si Jared Dale Gathercoal.
22 years old, isang sikat at tinitiliang artista.
Halos lahat ng mga kababaihan ay pinapantasya siya.
Isang German ang daddy niya at purong Pilipino naman ang ina.Makapal na kilay, nagniningning na mga mata, matangos na ilong, at mapupulang labi na pinapangarap ng madami na mahalikan. Inshort Gwapo!!!!.
Idagdag pa ang mala adonis nitong pangangatawan, at ang angkin nitong tangkad.
Na syang nagdagdag sa kanyang kagwapuhan.
Wala ka nang hahanapin pa sa isang Jared Dale Gathercoal.
BINABASA MO ANG
Rise Of The Royalty
General FictionBook 2 of The Royale Inheritor Ikalawang yugto sa buhay ng mga Dorchner. Si Zeke, ang taga pagmana ng mga Dorschner. Namuhay ng sagana, pero sa kabila noon ang lungkot at pangungulila niya sa kanyang mahal sa buhay. Pilit na tinatakasan ang nakaraan...