PAT’S POV
Ang buhay parang Math problem, napakahirap sa una pero kapag ginamitan mo ng tamang formula, makikita mo ang solusyon. Ito ay parang Chemistry, walang reaction na mangyayari kung mali ang mga chemicals na paghalu-haluin. Kung minsan din naman, pwedeng mauwi sa disaster ang experiment. At higit sa lahat, History, hindi ka makakausad sa future kung hindi mo tatanawin ang iyong past. Learn from the past, ika nga nila. Ganunpaman, I believe that everything happens for a reason – wala na tayong magagawa dun. Kagaya nitong ginagawa kong essay sa English – wala akong magawa kundi gawin ‘to. Ang sakit na ng ulo ko. Naubusan na ako ng words. Saklap naman ng life ko!
“Pat! Kain na!” sigaw ng nanay kong nasa kusina.
“Opo!” sagot ko naman.
Hi, I’m Patricia – Pat for short. 17 years of age. First year Business Administration Major in Business Management student sa SSC-R. I have an older brother, PJ, who’s 2 years older than me. Same school kami nag-aaral. My mom is a housewife and my dad works abroad. As a kid, I always got what I wanted, but growing up, natuto akong magpahalaga sa mga bagay na meron ako.
“Anong oras bang uuwi yung kuya mo? Mag-a-alas otso na ah?” tanong ni Mama.
“Nagtext ho kanina baka malate daw ng uwi. May tatapusin pa raw na project sa bahay ng classmate niya.”
“O siya sige, kumain na tayo. Magtira na lang tayo para sa kanya.” At kumain na kami. Wow, gutom na gutom pala ako, di ko man lang namalayan! Tutok na tutok kasi ako sa essay ko eh.
“Ma, ang sarap nito ah?” sabi ko sa kanya sabay subo ng kanin. Ngumiti lang si Mama.
Almost 10pm na nang umuwi si Kuya.
“Kuya, sino yang katext mo?” tanong ko sa kuya kong busy sa pagte-text.
“Wala. Friend ko lang.”
“Weh? Patingin nga?”
“Ayoko nga!” sabay hablot ko sa cellphone niya.
“2loy ba tau bukas? Tryouts daw sa gym 2pm. Game ka?...ano ‘to? San kayo magtatryout?”
“May tryouts ng basketball sa school bukas eh. Try lang namin ni Marc.” Paliwanag niya.
“Ah…can I watch?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“I think so…pero wag mo munang ipaalam kina mama and papa. Baka hindi naman ako makapasok eh.”
“Ang nega nito! Of course makakapasok ka! Ikaw pa! Simula pagkabata eh ang galing mo nang magbasketball!”
“Wag mo na ‘kong bolahin! ‘tong batang ‘to eh…”
“FYI, kuya! I’m not a kid anymore! I’m 17 na kaya!” sabay pout ko sa kanya.
Umiling sya,”Nope. To me, you’ll always be my little sister…kasi ako, will forever be your kuya.” Then he lightly pinched my cheek.
“Waaah kuya PJ ang corny mo!”
“Ewan ko sayo, Pat! Matulog ka na nga!”
“But seriously, I know you’ll make it to the team.” Sabay ngiti ko sa kanya.
“Thanks, Pat.” He smiled back.
“Night, kuya!”
“Night, Patty!”
Close talaga kami ng Kuya PJ ko. Sabi nga ni Mama, nung nalaman ni kuya na ipinagbubuntis niya ako, natuwa sya kasi may kalaro na daw sya. Gusto niya kasi ng baby brother, but then my mom said na girl ako, bigla daw naging seryoso mukha ni kuya at sinabi, “I’ll protect her. I’ll protect my baby sister.” And so far, he’s doing a great job of protecting me especially dahil nasa malayo si Papa. Mahal na mahal ko si kuya, and I know that he loves me too. Kaya nga nung may nanligaw sakin nung 3rd year high school ako, bantay-sarado ako sa kanya. Hatid-sundo sa school at sinasamahan niya ako palagi pag lunch. Hindi nagtagal, natakot din yung manliligaw kong yun at hindi na muling nagpakita sakin! Lahat ng guys takot sa kanya. Kaya naman siguro ay hanggang ngayon, single pa rin ako. Takot kay kuya eh. Hahaha! Kung gaano ka-overprotective si kuya sakin, super supportive naman ako pagdating sa mga nililigawan niya. Pero of course, hindi naman sa lahat. There was this one girl lang nung senior year niya sa high school na super like ko. Maganda, matalino, mabait…all-in-one na talaga. Classmate siya ni kuya at sa pagkakaalam ko, since first year high school pa siya crush ng kuya ko. Nagligawan sila for 3 months tapos naputol rin kasi ayaw ni girl ng commitment dahil aalis raw sya ng bansa at dun mag-aaral ng college. So, ngayon, single si kuya. O, girls apply na!
BINABASA MO ANG
Courtside Love
FanfictionLove is the greatest game that you'll ever play in your life. Kapag na sa'yo na ang bola, huwag mo nang pakawalan pa. Ganyan din sa love; kapag natagpuan mo na ang taong mamahalin mo, huwag mo nang pakawalan pa. Huwag mong hayaang ma-steal ng iba...