Chapter 3

16 0 0
                                    

PAT’S POV

Lunch time. My second favorite time of a school day (dismissal yung first). So far, so good naman ang araw na ito. Hindi ko na masyadong naiisip yung nangyari kaninang umaga with that Ian dude. Nakakabad vibes lang yun eh. Nakakapangit ang mastress noh! I was waiting in line for my food when I saw him. Naku naman o. At mukhang papunta pa siya sakin. Wag naman sana please. Please, please, plea---

“Hey.” Sabi niya. Diniretso ko ang aking tingin para hindi ko siya makita. I pretended na pumipili ng food ko.

“Hey!” Medyo tinaasan na niya boses niya. Hindi ko pa rin siya pinansin. I kept looking at the food. Ang layo ko pa sa cashier eh.

“Hey, Pat!” Hindi ko pa rin pinansin. Manigas ka diyan! I can sense na naiirita na rin siya.

“Ano ba? Hindi ka ba mamamansin?” Tinapik niya ako sa balikat. He’s growing more impatient now. Lumingon ako sa kanya pero umandar na naman ang katarayan ko. Tiningnan ko lang siya at tsaka tumalikod ulit.

“You now what? Just forget that I even talked to you. O, eto!” Dun ko lang napansin ang bagay na hinahawakan niya. Inabot niya ito sa akin at mabilis na umalis.

Nung tiningnan ko ang ibinigay niya, medyo nahiya ako sa inasta ko towards him. He just wanted to return my notebook. At dahil sa inasta ko, he must be thinking na wala akong utang na loob. Tsk. I shouldn’t have treated him that way. Hindi naman pala siya nanggugulo eh. Nakakahiya naman yun. Nag-inarte pa ako. Di bale, sa susunod na makita ko siya, I’ll thank him. At magsosorry na din.

 --------------------------

IAN’S POV

Lunch time na. I’m sure nasa foodcourt ngayon si Pat. Maisasauli ko na rin ang notebook niya. Ayoko na sana siyang makita eh. Nakakabadtrip siya. Pero kailangan eh. This is the right thing to do. Papasok pa lang ako sa foodcourt, nakita ko na siya – nakapila. Lumapit ako sa kanya, hawak-hawak ang kanyang notebook.

“Hey.” Sabi ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa front ng linya. Baka hindi niya lang ako narinig.

“Hey!” Medyo nilakasan ko na boses ko para marinig niya talaga. Hindi pa rin lumilingon eh.

“Hey, Pat!” Wala pa rin.

“Ano ba? Hindi ka ba mamamansin?” Hindi na talaga ako nakatiis, tinapik ko na siya sa balikat niya. Lumingon na siya. Pero tinitigan niya ako nang mabilis at tumalikod ulit. Aba matindi to ah! Napakataray naman talaga niya!

“You know what? Just forget that I even talked to you. O, eto!” Sa inis ko inabot ko na sa kanya ang notebook niya at umalis.

 Ako na nga ‘tong nagmalasakit, ako pa ang tinarayan. Sana iniwan ko na lang kasi yun sa daan kanina. Bakit pa kasi pinulot-pulot ko pa yun. Kung alam ko lang sana kung gaano kasungit ang babaeng yun, eh di sana hindi na ako nakonsensya kahit mawala pa yun at hindi siya makapag-aral. I’m sure naman kung siya yung nakapulot ng gamit ko, hindi niya yun isusuli. Argh! Nakakabadtrip siya. Kung hindi lang siya babae eh…baka nasapak ko na yun.

-------------------------------

PAT’S POV

“Pat!” Nakangiting sambit ni Lissa sa akin nang magkita kami sa labas ng gym.

“Mukhang masaya ka ah!” Sabi ko sa kanya. Halata namang masayang-masaya siya at excited pa.

“Kasi…” She’s starting to blush. “…nakasalubong ko kuya mo papunta dito. Tapos sabi ko na manunuod tayo…then…he smiled at me…OMG, PAT!” At hinampas-hampas na niya ako. Malakas na talaga tama nitong best friend ko sa kuya ko ah. I would have teased her more pero biglang napalitan ang kasiyahan ko ng kaba, but more like hiya. Parating si Kuya PJ kasama sina Kuya Marc, ang pinsan niyang si Kuya James at si Ian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Courtside LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon