Chapter 2

37 0 0
                                    

PAT’S POV

“Kuya, bilisan mo na maligo! Male-late na tayo!” ang sabi ko sabay katok sa banyo ng kuya kong antagal maligo.

“Andyan na po!”

“Biliiiiis!”

Ganito kami araw-araw since nagstart kaming mag-aral. Ang bagal kumilos ng kuya ko. Well, hindi naman siya mabagal kumilos. Late lang siyang gumising – palagi! Ako tong palaging naghihintay sa kanya. What a shame! (Haha joke lang kuya, labyou!)

After 10 long years, nakarating din kami sa school. Ganun katagal si kuya. HA!    

“Kung gusto mo nang umuwi mamaya, mauna ka na ah. May tryouts pa eh.” Sabi ni kuya bago ako pumuntang classroom.

“Okay lang, sabay na tayo manonood kami ni Lissa eh.” Sagot ko with kindat and emphasis sa name ni Lissa.

“Kasama si Lissa?” he seemed uncomfortable. LOL, KUYA!

“Don’t worry, she’s harmless!”

“Promise?”

“Honesto, promise!” I raised my right hand.

“Bahala ka basta yun! Ingat ka ha? Wag papagutom.”

“Ikaw din, kuya!” and we went our separate ways.

May quiz ako sa first period kaya nagrereview ako ng notes ko habang naglalakad papunta sa classroom nang biglang may bumangga sakin. Tumilapon ang notes ko at syempre natumba ako.

“ANO BA?!” Galit kong sinabi sa kung sinumang nakabangga sakin. Pagkatapos kong tumayo eh pinulot ko ang mga notes kong scattered na sa daan.

“Sorry, miss. Hindi sinasadya.” Sabi niya sa akin. May bahid pa ng pagkainis ang tono niya. Langhiya ‘to ah.

“Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!”

“Sorry na nga eh. Ikaw nga ‘tong hindi tumitingin eh.”

“At ikaw pa ang galit?”

“Eh totoo naman miss eh. Kung hindi ka kasi nagbabasa habang naglalakad eh di sana nakita mo rin ako at hindi tayo nabangga.” Ah ganun ah? Ayos din ‘tong hayop na ‘to eh. Bago man ako makasagot sa kanya ang dumating ang kaibigan ni Kuya na I think kaibigan niya rin.

“Ian, dala mo ba laptop mo?” Ian pala pangalan ng jerk na ‘to…eh teka sino nga ba ‘tong friend ni kuya? M eh…Hmmm…

“Ui, Pat…uhm, magkakilala pala kayo nitong insan ko?” Masayang tanong ni Kuya Marc (naalala ko na rin name niya!)

“Hindi kami magkakilala niyan, kuya. Nabangga niya kasi ako eh…” The nerve?

“Excuse me? Ikaw kaya ‘tong nakabangga sakin!” Nakakainis na siya ha…

“Alam niyo…wala kayong mapapala sa pagtatalo niyo diyan kaya mabuti pa pumasok na kayo at baka ma-late tayong lahat. Okay?” Inakbayan kaming dalawa ni kuya Marc. Referee ang peg ah. Kumawala ako sa akbay niya.

“Sige, kuya…mauna na ko.” Umalis na ako at hindi na lumingon pa sa mokong na yun.

Naku naman. Kung hindi lang dumating si Kuya Marc (who turned out to be his cousin), baka nasapak ko na ang lalakeng yun. Ang yabang eh. Akala mo kung sino. Ako daw ang di nakatingin sa dinadaanan. Hmpf.

Pero, teka lang. Hindi nga naman ako nakatingin sa daan. Nagrereview nga ako diba? And hindi ko siya nakitang paparating kasi nga, nagbabasa ako ng notes. Eh basta! Nakita niya naman ako diba? Bakit hindi na lang siya ang umiwas? Ewan. Kainis!

Courtside LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon