Break Up

4.6K 172 35
                                    

Chapter 2

"Hello Ateng, nasaan ka na?" tanong ni Liza kay MM.

"Nandito pa sa sakyan ng pinsan ko pero don't worry malapit na may binili lang starbucks!" sabi nito.

"Bakit mo naman kasama yan maldita mong pinsan?"

"E nagmaganda na naman sa nanay niya yun ako na naman ang pinagdiskitahan!"

"Paano yan kanina ka pa hinihintay ni Sir Ed!"

"Bakit ako hinihintay? mag-start na kayo ng process!"

"Gusto niya nandito ka na raw para may mag-eexplain daw bawat process!" sabi nito.

"Pwede naman kayo mag-explain kaya nyo na yan!"

"E kasi..."

"Kasi ano"

"Hello Ms. Ybanes, just to inform you na ang oras ng pasok niyo ay six o clock PM pero bakit wala pa rin dito?"

"Sorry nagkaaberya lang po pero malapit na ako!"

"Okay bilisan mo at mag-ingat ka!" sabay end call.

"Wow huh ganun pa! minsan din itong si Edong ang wierdo. Nasaan na ba itong pinsan ko maligalig mapuntahan nga!" bumaba siya sa sasakyan.

Tumakbo siya dahil nag-uumpisa ng umulan. Pumasok siya sa loob ng SB. Nakita na niya ang pinsan niya at may ka-table ng lalaki.

"Kaya pala nakalimot nakakita ng gwapo!"

Linapitan niya ang kumikiring pinsan para makapagpaalam ng maayos.

"Excuse me Hershey, I have to go mukhang matatagalan ka pa ata dito. Late na kasi ako! " tumingin sa pati yung kausap niya.

"Ahh ganun ba, sige go ahead ingat!" plastic na ngiti ng pinsan niya.

"Hershey, who is she?" tanong ng lalaki.

"My cousin, MM!" nakangiti pero halata sa mukha na hindi nito gusto yung idea na makipagkilala yung guy.

"Hi MM, I'm Danny former classmate ni Hershey!" sabay lahad ng kamay nito.

"Nice meeting you, Danny. I better go!" paalam niya.

"Would you like ako na lang maghatid sayo. It's raining na kasi!" presinta ni Danny.

"No thanks malapit na ako dito!" tumingin siya sa pinsan at nakataas na kilay nito. "So enjoy your coffee, bye na!" At tuluyan nang siyang tumalikod sa kanila.

Paglabas ni MM sa SB bigla naman bumuhos ang ulan.

"Kung sususwertehan ka naman. Nagkapinsan na akong talande tapos hindi ko pa habit magdala ng payong. Bahala na total tanaw ko na ang office!"

---------

"Okay bilisan mo at mag-ingat ka!" sabay end call.

"Let's start na mukang matatagalan pa si MM!" sabay talikod ni Ed sa mga kasama.

Naiwan nagtataka sila Liza and Jenah sa tinuring ni Ed.

"Kanina lang hindi maimpinta ang mukha nun dahil wala pa si MM. Ngayon pa-ingat effect pa!" bulong ni Liza Kay Jenah.

"Are we not going to start Ms. Liza, Ms. Jenah?" Tanong ni Ed.

"Ahhh sir, nandyan na po!" Sabay tayo nilang dalawa.

"Ano ba ya umuulan pa ata?" Tanong Jenah.

"Oo nga ateng!" Sabay tingin rin ni Liza sa bintana.

"Si MM hindi pa naman niya hobby ang magdala ng payong!"

Two World Two Different People (C. O. M. P. L. E. T. E. D) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon