The Timing!

2.9K 120 19
                                    

Maraming nagtataka kung bakit biglang pinatigil ni MM ang pag-iimbestiga sa problema ng finance department. Naging bulong-bulungan din ang pag-alis bigla ni Hershey sa kompanya ng walang iniwang dahilan. Ngayon ay napapadalas ang pagbisita ni Moriones sa opisina ni MM.

"Ano naman ang sadya mo dito Moriones?" sabi ni MM nang tuluyan itong makapasok sa opisina.

"Ybanes, have a lunch with me. Baka isipin mo hindi ako marunong tumanaw ng utang na loob!" nkangiting sabi nito.

Napailing lang si MM sa sinabi nito.

"Alam mo na hindi tayo close para maglunch together. At wala akong balak magpagamit sayo. E kung gusto mong tumanaw ng utang na loob, bakit hindi mo kaya ipakiusap sa akin si Hershey!" tingin ni MM ng deretso sa mga mata nito.

"mautak ka huh, pero dahil masaya ako sige ipapakausap ko siya sayo. Reward ko na rin sayo!" kinuha nito ang cellphone saka may dinayal na numero.

"Yong, pakausap sa malditang babae na yan. May gusto lang mangamusta sa kanya!" nakangiting sabi ni Moriones.

Inabot sa kanya ang cellphone nito.

"Hello Shey!" pangbati niya rito.

"Ate, huwag kang magpapabibilog kay Christian. Huwag mo akong intindihin dahil hindi naman niya ako masasaktan hanggang hindi niya nakukuha ang posisyon mo!" sabi nito.

"Kamusta ka!?" pilit niyang pinatatag ang sarili.

"Masaya ako nakukuha mo na ang mga bagay dapat para sa inyo. Huwag mo basta-basta bibitawan yan!" nakarinig na ng dial tone.

Unti-unti niyang binaba ang cellphone at tumingin kay Moriones.

"Mukang okay naman ang kamustahan nyo. So alam mo na ang gagawin para magkareward ka ulit sa akin!" nakangiting sabi ni Christian.

"May mga kondisyon ako para mabigay ko sayo gusto mo!" mariing sabi ni MM.

Biglang tumalim ang tingin ni Moriones sa akin.

"Ikaw pa talaga ang may kondisyon!?" ngising sabi nito.

"alam mo, pwedeng naman hindi kitang pagbigyan. Dahil may ibang paraan para makuha ko ang pinsan ko sayo. Sabi mo nga masyado mo kaming na understatement magpinsan. Papunta ka palang napaghandaan na namin yan!" pinatapang at pina-angas ang mukha niya para hindi siya kabahan.

"anong ibig mong sabihin?"  naguguluhang tanong nito.

"Gusto mo bang isa - isahin ko pa. Well sige gumbling, drugs, palcification  documents and illegal trading of weapon. Ilan lang yan sa mga alam ko, pero dahil mukang nag-eenjoy ka sa sarili mong charade, e di sige makikipaglaro ako sayo!"

Kitang kita niya na nagbago ang itsura nito sa mga sinabi niya.

"Ibibigay ko ang gusto mo, kung aatend si Hershey ng thanks giving party, take it or leave it!" madiin na sabi niya.

Bigla siyang hinaklit nito sa braso.

"masyado kang seryoso e, hindi mo alam kung ano kaya kong gawin sa pinsan mo lalong-lalo na sayo!"

"at ano sasaktan mo rin ako kagaya ng ginawa mo sa pinsan ko. At bigla mo ako itutulak sa upuan! If I were you hindi ko gagawin yun dahil maari ka ng makasuhan! " nasasaktan siya pero tinitiis pa rin niya.

"paano mo nalaman yan!?" at bigla na lang siya napabitaw sa braso ni MM.

Naalala ni Moriones na may cctv cam nga pala nakainstall sa bawat kwarto.

"I have a copy of video kung paano mo siya sinasaktan. Sabi ko naman sayo diba papunta ka palang handa na kami!" sabi niya habang hinihimas nito ang brasong nasaktan.

Two World Two Different People (C. O. M. P. L. E. T. E. D) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon