CHAPTER 8-PREPARATION2(Hotohori)

402 16 1
                                    

CHAPTER 8-PREPARATION2(Hotohori)

SATURDAY

Parang lumilindol yata.

Magugunaw na ba ang mundo?

Hindi na ba ako makakapag-asawa?

Magkaka-anak?

Magkaka-apo?

Mamamatay na ba ako sa lindol na ito??

"NOOO!!"napabalikwas ako ng bangon.Nakita ko si yaya na nakatayo sa tabi ng kama ko at sa hitsura ay mukhang nagulat sa pag-sigaw ko habang naka-lagay pa ang mga kamay sa tenga.

"Kanina pa akong kumakatok senyorita pero walang sumasagot kaya pumasok na po ako para gisingin kayo.."gisingin?yung lindol?ah..niyuyugyog lang pala ako ni yaya.Panaginip lang pala,pch.

"Bakit ya..?"

"May bisita po kasi kayo sa ibaba.."

Bisita?Sino naman kaya yun?Ang aga-aga naman siguradong hindi sina Penny yun dahil alam nila na pag week end e late akong gumugising.Pagtingin ko sa relo 9am pa lang.Oo maaga pa yun.I yawned.Inaantok pa ako.

Sino ba kasi..teka sandali si..

Waahhhhhh!

Susunduin niya ng pala ako ng 8am at 9am na ngayon!My goodness!Kanina pa kaya siya?Pero bakit hindi ako ginising agad ng mga maids kung kanina pa siya.

"Ya..tell him wait for at least fifteen minutes."

Dali-dali akong naligo tapos agad na nagbihis.Nakasuot ako ng black walking short,white na blouse,naka-converse ako na shoes.Nag-lagay lang ako ng kaunting pulbo at light na lipstick at presto okay na.Isinabit ko ang camera ko sa leeg ko at dali-dali na akong bumaba.

Nakita ko ang isang gwapong nilalang na nakaupo sa sofa.Naka-shorts din siya na kulay krema naman tapos naka-red siya na tshirt na bagy naman sa kanya dahil maputi siya.Ang ganda niya..di ba dapat kiligin ako dahil normal lang yun?

"Kanina ka pa ba dyan Hanz?"nahihiya ko na sabi.

"Uhum..exactly eight o'clock"he smiles at me..di ba dapat matunaw ako?

"Shemay.."nasapo ko ang noo ko"I'm sorry..si yaya naman kasi bakit hindi ako ginising agad.."mahina kong sabi.

"Sinabi ko kasi na hihintayin na lang kitang magising..kaso mukhang wala kang balak na magising.."naka-smile pa din siya sa akin.

Wahhh...kahiya hiya talaga.Nakatulog na lang kasi ako ng hindi ko namamalayan nakalimutan ko pa mag-alarm ang ganda pa naman ng tunog ng alarm nun Fushigi Yuugi theme song.

"Okay lang yun Cass.."sinuyod niya ako ng tingin."You look cute.."nakita ko ang pag-hanga sa kanyang mata.magagawa e sadyang maganda!

"I heard that many times over.."I rolled my eyes.

"Hahaha..your really awesome,shall we?"inilahad niya ang braso niya sa akin.

"Let's go."ngumiti ako at ikinawit ang kamay ko sa kanyang braso.

Alam niyo ba kung saan kami pumunta?sa Zoo.Maganda din kasing subject ang mga animals.

Nagsimula na kaming umikot ni Hanz sa zoo.Iba't ibang hayop ang nakikita namin.

Hindi ko napigilan na lumapit sa isang kulungan.Malaki,malawak,mataas na kulungan.Isang malaki at mapanganib na hayop ang aking nakita na nagwawala.Nakita ko ang isang care taker malapit sa kulungan na may hawak na maliit na mga sisiw sa kanyang mga kamay.Maaaring nagugutom na ang napakalaking phyton na ito.Mukhang hindi pa makakarating sa tyan niya yung mga sisiw.Kung ako nga baka isang lunukan lang niya e..geezz..parang biglang nanayo ang mga balahibo ko,nakakatakot!Nakita ko na inihagis na nung care taker yung mga sisiw sa loob  ng kulungan.Nagtatakbo ang mga ito sa loob na wari ay alam na ang mangyayari sa kanila.Nakakaawa naman yung sisiw iyak sila ng iyak.Nagmamadali naman itong hinabol ng phyton hangang nahuli niya ito.Hindi ko napigilan na iangat ang camera na nakasabit sa aking leeg.Itinapat ko ang lens sa ulo ng phyton at sa bibig niya na aktong kagat kagat ang sisiw.Then I click.I captured the sufferings of a little creature in the hands of a predator.

"Hey Cass.."tawag sa akin ni Hanz na nagpaalis ng atensyon ko sa sisiw at sa phyton.

Nakita ko siya na hawak ang renda ng isang makisig na kabayong puti.

"C'mon kuhanan mo ako ng picture habang nakasakay dito."

"Okay sige."

Sumampa siya sa saddle ng puting kabayo.The horse suits him nung makasakay na siya.Parang may naalala ako sa kanya.Para siyang royal highness na may magandang mukha..para siyang si..si.. Hotohori!Hotohori's name pop on my mind!Pinagmasdan ko siya kulang na lang sa kanya ay baluti at espada.Pagsuotin ko kaya siya ng baluti at espada bago ko siya kuhanan ng larawan..?bigla akong naamaze sa sarili ko sa naisip ko na yun,hehe.

Kinuhanan ko na siya ng larawan.It seems that I capture an emperor in a casual attire.Pagkatapos naman ay kinuhanan ko din ang mga elepante,zebra,gorilla at madami pang iba.Kumuha din siya ng madaming larawan.

Pagkatapos namin sa zoo e nagpunta kami sa mall.Nag-ikot kami at para kaming naging paninda sa mall dahil ang daming nakatingin sa amin o mas tamang sabihin na sa kanya lalo na ang mga babae  at ang sama pa ng tingin nila sa akin.Pagkatapos namin maglibot ay kumain na kami,inabot na kami ng gabi sa mall.

"Saan naman tayo pupunta ngayon,uuwi na ba tayo?"tanong ko sa kanya nung makalabas na kami ng mall.

"May isa pa tayong pupuntahan.."

"Ok.."

Sumakay kami muli sa kotse niya.Tumigil kami sa tapat ng isang mataas na building.Pumasok kami sa loob.Pagpasok pa lang namin e madami ng bumati na empleyado sa amin.Sumakay kami sa elevator hanggang tumigil ito sa floor na bababaan namin.Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa nasa tapat na kami ng isang pintuan.Binuksan niya ito hanggang sa sumalubong sa akin ang malamig na hangin.Nasa rooftop pala kami ngayon ng building.

Nililipad ang may kahabaan niyang buhok habang nakatanaw siya sa ibaba.

"This is my favorite place pag gusto kong mag-relax..pakiramdam ko para akong isang hari na nakatanaw sa kanyang mga nasasakupan kapag andito ako..it may sounds weird isn't it?"nilingon niya ako and he smile at me.

Totoo ang sinabi niya nakakarelax..ang ganda tingnan ng city mula sa itaas.Napakaganda at napakaliwanag.

"Kanino itong building?"

"Sa family namin.."

Kaya naman pala binati kami ng lahat ng empleyado na nadaanan namin.

"I have a surprise for you.."

Ano kaya yung sorpresa niya nasabi ko sa sarili ko.Sunod sunod na tunog na parang hinawi ang hangin ang nadinig ko.Napatingin ako sa langit.Sumabog ang makukulay na liwanag.Liwanag ng mga fireworks na may iba't ibang kulay.Incredibly beautiful.Parang katapat lang namin.

"Ang ganda.."di ko napigilan na maibulalas.

"But not as beautiful as you are.."

Napatingin ako sa kanya.Nagrereflect ang liwanag ng fireworks sa kanyang mga mata.Tama ba ang nadinig ko?Nabingi na yata ako sa lakas ng fireworksNakangiti siya sa akin nginitian ko din naman siya.Muli akong tumingin sa mga nagkikislapang liwanag sa kalangitan.Sana kasing ganda ng liwanag na yan ang lahat ng bagay.

Pero biglang nawala ang kagandahan nito ng makita ko ang mukha ni Kiel sa fireworks.Bakit ba bigla ko na lang naisip yung lalaki na yun pati naman sa fireworks nasulpot na lang bigla ang mushroom na yun tapos kasama ko pang nakita ang mukha ni Margarette!Sumingit ba naman epal talaga!Aish!Bahala nga sila!Alis!Alis!

Maya-maya inihatid na ako ni Hanz pauwi.

"Thanks Hanz I had a nice day.."

"Very much welcome..Ako din,sana may next time pa coz I like you Cass..bye."he wink at me then mabilis na nawala sa harapan ko ang kanyang sasakyan.

Not as beautiful as you are..

I like you Cass..

Hindi ako nabingi.He..he like  me.Ano ba ang dapat kong maramdaman?Waahhh!Seryoso ba siya??

************************* 

Note:

Sino ang may love dyan kay Hotohori namention ko sya here..

Siya lang naman yung ka-love triangle ni Tamahome kay Miaka..:)

Read,Vote,Comment!

Muchos Gracias!

THE BRAT AND HER TAMAHOME(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon