CHAPTER 29-IS THIS MY END?

272 10 0
                                    

Walang sigla akong naglalakad sa hallway ng academy.

Sana hindi na lang ako pumasok ngayon..

"Cass!"nadinig ko na tawag sa akin ni Peach at Penny kaya awtomatiko akong tumigil sa paglakad.

Agad silang lumapit sa akin.

"Bakit hindi ka umattend ng first class natin?"Peach asked.

"Late ako nagising e."matamlay ko na sagot.

"Are you sick?"Peach said worriedly.

"Is there somethin bothering you?Nakita nga pala namin si Kiel na kasabay na kumakain si Margarette."Penny said with distaste.

Siguro dapat ko ng sabihin sa kanila.

"Wala na kami ni Kiel.."mahina ko na sabi sa kanila.

"ANO??!"

"He just broke me up yesterday.."

"Anong ginawa sa'yo ng Kiel na yun ha??"nakunot ang noo na tanong ni Peach.

"He hurt you!"inis din na sabi ni Penny.

Parehas silang nakatingin sa akin..i bet pugtong pugto ang mata ko.

"Lagot sa amin ang lalaking yun!"Penny.

"He can't get away with this!"Peach.

Akma silang aalis para siguro sugudin si Kiel pero parehas ko silang hinawakan sa kamay para pigilan.

"Hayaan nyo na.."

Nakakapanibago nawawala yata ang pagka-warfreak ko e dati-dati naman ako pa ang nauununugod.

Pagdating sa kanya nagiging malambot ako,tss.

Alam ko nag-aalala lang sila sa akin pero ayoko ng palakihin pa ang lahat.Isa pa wala na akong magagawa dahil ayaw na niya sa akin..

..hindi na niya ako mahal..

I want to cry at that thought but i controlled my tears to fall..

Buong maghapon kami na walang kibuan at imikan ni Kiel sa subject na magkaklase kaming dalawa.

Nakikita ko si Peach at Penny na nag-aalalang nakatingin sa akin habang paminsan ay matalas ang tingin kay Kiel.

Inaya nila ako sa mall..tinanggihan ko nga sila kasi naman tinatamad ako mas gusto ko pa na umuwi na lang at mahiga..matulog at walang maramdaman..

Pero knowing them masyado silang makulit kaya sa huli e napapayag nila ako alam ko naman na gusto lang nila akong aliwin.

Nag-ikot-ikot kami sa mall,kumain at nag-shopping ng kung ano-ano.

Papasok na sana kami sa isang stall ng mapako ako sa kinatatayuan ko,

Naiwan na tuloy ako nina Penny sa labas ng stall.

Nakakita kasi ako ng isang pamilyar na bulto sa di kalayuan.

Humarap sa direksyon ko ang lalaking nakita ko..

si Kiel..

Hindi niya ako kita dahil sa babaeng kaharap niya siya nakatingin na hindi ako maaaring magkamali na..

si Margarette..

Yumuko ang ulo ni Kiel ka Margarette..

PDA much?!

Bigla tuloy akong nag-iwas ng tingin.

Hanggang dito ba naman sa mall..!

Lumakad ako palayo.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Hanggang nasa labas na ako ng mall at patuloy na naglalakad.

Peeppp...!

Peepp...!

Nakabibinging tunog ang nadinig ko..

Nagulat na lang ako nang may maliwanag na ilaw na sumalubong sa akin na hindi ko napigilan na itaas ang isa kong kamay sa aking mukha upang hindi masilaw..

Hindi ko napansin na may palapit na pala na kotse sa akin at nasa gitna na ako ng daan.

Marahil ay nilipad na ang utak ko..

Masyado na itong malapit at hindi ko na maiiwasan pa..

Para din akong itinulos sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw..

Mamamatay na ba ako..??

Note:

Sensya na po maiksi lang..

Wala po munang POV si Kiel puro kay Cass muna..

Thanks po ng madami readers..

Sana po mabasa pa ng iba..

Read,Vote,Comment..:)

THE BRAT AND HER TAMAHOME(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon