Utos Niya with Cruz

9.5K 228 110
  • Dedicated kay To My Number 1
                                    

II.

“CRUZ, maraming nagtatanong sakin, anu daw ang full name mo?” Yun ang pambungad kong tanong sa kanya. Nandito kami ngayon sa tabing dagat…

Nag-de date.

HAHA.

Joke lang yun syempre.

Nandito siya at katabi ko pa. Pero oo nga, sa tabing dagat ang setting namin para madrama, at syempre para maging romantic ang aming atmosphere. Pinatawag ko siya para makausap sandali. Alam kong busy siya sa trabaho pero syempre… hindi niya ako matatanggihan.

Tumingin siya sakin sandali, tapos muli niyang tiningnan yung dagat.

Nakita ko ang pag-iling niya.

At doon ko napagtanto... na ayaw nitong sabihin ang buong pangalan niya.

“Cruz please? Ano full name mo?”

 

“Wag kang makulit.” Yun lang ang sabi niya tapos sabay tawa ng mahina.

 

“Dali naaaaa…”

Huminga siya ng malalim, nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Anong merun sa pangalan niya at bakit kailangan napapalunok siya? Parang ninenerbyos na ewan?

“Kailangan ko ba talagang sabihin? Pwedeng hindi na?” Napangiti ako nung makita kong napakamot siya sa ulo.

 

“Bulong mo nalang sakin.” Pagpupumilit ko sa kanya. Nilapit ko ang sarili ko at naramdaman ko ang pagyuko niya sa gilid ko.

Then he whispered to me his full name.

Pagkatapos nun, mabilis siyang tumayo at naglakad papalayo sakin.

Tinawag ko siya sa buong pangalan niya. Nagpalinga linga siya sa paligid na parang natatakot at baka may nakarinig.

Mas malakas ko siyang tinawag ulit, at kinaway kawayan ko pa siya.

“Ano ba! Shhh Shhh! Wag ka maingay!” Lumapit uli siya sakin, at yung daliri niya nasa labi niya. Haha! para akong bata na pinapagalitan niya.

Ngumiti lang ako, “Wala namang mali sa pangalan mo a?” Naisip ko, di naman big deal. Parang yun lang? Ayos naman talaga. Maarte lang siguro siya.

 

“Ewan ko sa’yo.”

 

“Di nga. Promise.”

 

“Tss.”

Muli siyang naupo sa tabi ko,

 

“Ano pa ba gusto mong itanong ha? May gagawin pa ako.” Sabi niya. Kahit ganyan siya, alam ko sa totoo lang handa siyang maghintay para sakin. Kahit iwan niya pa ang trabaho, kita mo nga? May meeting siya ngayon.. pero heto siya… nasa tabi ko.. sinusunod ang gusto ko.

Kung Wala Kang MagawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon