Chapter 2

13 0 0
                                    

Ayesha's Point of View

"I don't wanna close my eyes!!!! I don't wanna fall asleep cause I miss you babe! And I don't wanna miss a thing!!! Cause even when I dream of you!!! The sweetest dream would never do I still miss you babe!!! And I don't wanna miss a thing!!!!"

Hahay. Ewan ko na lang ba. Baliw na talaga ako. Pati basag kong boses nirecord ko na para gawing alarm clock tuwing umaga. Summer kasi ngayon eh. Walang pasok.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako nag-aalarm kahit walang pasok, may matino naman akong rason. Nag K-kdrama kasi ako mga beshies.

Alam nyo naman, pag gumigising ng maaga marami kang magagawa. Trabaho kasi para sa'kin ang pag k-kdrama, nagcoconsume kasi ako ng blood, sweat and tears. Charot. Bts lang ang peg.

Ako pala si Ayesha Chaemin Tiu. Just call me ACT. Joke. Call me Chaeya.

For all your information, hindi po ako korean. Yang Chaemin kasing yan, gawa yan ng nurse na nagregister sakin.

Ayesha lang kasi daw dapat pangalan ko eh, eh dahil sa baka sobrang obsessed ang nurse sa mga koreans, ayan tuloy napagtripan pangalan ko. Wala naman rin akong angal eh.

Nagpapasalamat nga ako na yun ang nurse na nagregister sa pangalan ko. Akalain mo yun? Napakalaking coincident. Blessing in disguise.

21 years old na po pala ako. Pero feeling childish pa rin po. College pa po ako. And for all your information po pala, hindi po ako late grumadweyt, sadyang nagprep pa po kasi ako, atsaka umabot po ako ng nursery 1 hanggang nursery 3.

Ang tanda ko na masyado. At ang daldal ko pa.

And as you know, I am---- charott umeenglish rin ako once in a blue moon, sa pink moon lang kasi ako nag-eenglish eh. Pagpasensyaan nyo na lola nyo ha, bulol ang dila sa engles eh.

"Hoy ate Cheche!!! "

Talagang enemphasize nya talaga ang "CheChe" ano? Ano ba naman tong si Roberto! Panira ng moment. Hanggang kailan ko ba sya cocorrectionan palagi sa "Cheche" nya? Dapat kasi "Chae-Chae" hindi "Cheche".

Para naman kasing bumubugaw ng aso ang "Cheche". Grabe sya naman hindi naman ako aso.

"Ate!!!!" Sigaw ni Roberto galing dun sa labas.

"Oo! Bubuksan ka na!"

Tsk. Tong baclang to.

"Ano ba naman yan Roberto, ang aga-aga mong sirain ang mo------"

Sasapakin ko na sana si Roberto dahil sa paninira ng beauty rest ko nang meron syang ipinakita sakin.

Mark Mapangkulam officially in a relationship with Erika Manangal daw?!!! Hano raw???

Pigilan nyo ako!!! Sinasabi ko!!!

Akala ko ba ako ang crushforeverpatootie nya?!

Asan na ang mga salitang binitawan nya? T_T

Eh sira pala yang Mark Mapangkulam na yan eh! Iuntog ko yan sa pader ng banyo nila.

Pero infairness ha, napalitan nya ako nang mabilis. But it still hurts here in my heart. Charot.

"Hoy ate! Okay ka lang ba? Wag kang umiyak ha?" Nag-aalalang sabi ni Roberto.

"Ano ka ba Roberto. Wala yan noh. Yan? Yan? Yang mukhang yan? Iiyakan ko yang mukhang yan?" Defensive kong sabi.

"Eh nangingilid na nga yang luha mo ate." Sabi ni Roberto

What da ep! Lumuluha ako? Yak! In his dreams. Hindi ko kailanman iiyakan yang Mapangkulam na yan.

"Ano ka ba naman Roberto. Hindi mo ba alam ang tungkol sa tears of joy? Ano ka ba, tears of joy to noh. Sawakas wala na rin ang mukhang
Mangkukulam na yon. Tutal bagay naman sila sa isa't-isa, Mapangkulam at Manangal. HAHAHA! BWAHAHAHA!"

"Saan ba pinakamalapit na mental dito?" Bulong ni Roberto.

"Hoy Roberto. Rinig kita ha. Maghinay hinay ka sa pagsasalita mo. Naku. Sinasabi ko."

"Eh bakit mo ba kasi ako tinatawag na Roberto ate?! How many times do I have to tell you to call me Flower!"

Chumacharot tong Roberto na to ha! Nalamangan ako sa english skills ko.

"Heh tumahimik ka. Oo isa kang Flower at isa kang napakalaking Rose, andami mo kasing tinik." Pabalang kong sabi sa kanya. Andami kasing trip eh.

Si Roberto pala. Ang yaya ko este, pinsan ko. At may angkin rin syang kagandahan na minana nya sa one and only pinsan nya,which is ako ^_^

"Hoy Roberto e-este Flower pala. May music video na ako sa Don't Wanna Cry. Uwahhh!" Kilig na kilig kong tili sa loob ng kwarto.

"So? Tapos na naman ako manuod. Tapos na ako manuod pati sa Swimming Fool, Crazy In Love at Mansae. Ikaw lang siguro ang hindi pa nakapanood. Ano ba naman yan ate. Palitan mo na yang wifi mo."

"Wew! Neheye nemen eke seye Reberte! Ikaw na. Ikaw na may fast and furious na WiFi! Ikaw na. Pero luma na yung Mansae oy."

"Sus ate. For your own sake naman kasi yan. Palitan mo na kasi yan para updated ka na sa latest shows ng Seventeen. And para masolo mo na rin si Fafa Jisoo, Fafa Mingyu, And Moma Jeonghan!" Tili ni Roberto.

Wadapak! Hanu raw? Moma Jeonghan? Momahan ko yang mukha mo Roberto eh!

"How dare you call Jeonghan a Moma?" Sabi ko. Nag-eenglish kasi ako pag galit. Hehe.

"Wow Ate! Bigatin ang pag e-english ha! Anong bakain mo? Tae ba?" Pang-aasar nya sakin.

"Shatap Roberto! Gagawin talaga kitang palakang may maraming tagyawat at kulugo!" Asar kong sagot sa kanya. Sidekick ko kasi yan si Roberto sa pagfafangirl. Sina-sidekick ko kasi mukha nya. Hahaha.

"Ate, para kang baliw. Tumatawa mag-isa. Padala na kita sa Mental?" -Roberto

"ROBERTOOOO!!!!"

~~~~~~~~~
Please continue supporting You Are My Angel story. Hehe

Will  Joshua be sent on a mission? Find out in the next chapters of this story. Hehez.
Saranghae <3





You Are My AngelWhere stories live. Discover now