Ayesha' Point of View
*I don't wanna close my eyes!!! I don't wanna fall asleep cause I miss you babe!!!*
Ay shete. Ano ba naman tong alarm clock na to. Nakakapangsira ng araw ha. Lunes na lunes. Ayysshhtt!
"Chae! Gumising ka na. Magrogrocery pa tayo." Sigaw ni Papa galing sa sala.
"Opo pa!" Sagot ko sa kanya.
Lunes kasi ang schedule ng pagrogrocery namin ni Papa eh.
Kaya no choice, tumayo na lang ako at nagligpit ng kama ko. Naligo,nagbihis,nagsuklay. Finisheu!
"Good morning pa!" Bati ko sa kanya.
"Aba! Maganda ang gising ng maganda kong anak ha."
"Syempre naman po. Eh sino naman po ba ang hindi nabibigyan ng inspirasyon ng mga asawa ko!"
"Ang pilya mo no. Alam mo tawagin mo na Mommy dito nang makapag-almusal na."
Pagkatapos nun sabihin ni Papa, eh tinawag ko na si Mommy.
"Mommy! Breakfast's ready! Tinining!" Sigaw ko dito galing sa baba.
"Pa! Si Mommy oh! Hindi talaga nakikinig! Suntukin ko kaya pa para naman magising." Joke kong sabi.
"Hala sige. Gawin mo ang gusto mo." Sabi ni Papa
"Waw! Talaga pa? Sure? Papayagan mo akong bugbugin si Mommy? Walang bawian ha?" Hindi ko makapaniwalang sabi
"Oo. Okay lang sakin. Pero wag mo akong sisihin ha kung marami kang pasa at blackeye pagkatapos. Hehe! Peace" childish na sabi ni Papa. Tsk. Hindi naman bagay.
Wala akong naggawa at hinayaan nalang na matulog si Mommy sa itaas.
Pupunta pa pala kami sa grocery para mamili ng makakain.
GROCERY
Hmm. Bakit parang special day ata ngayong araw na to para sakin? May birthday ba na nakalimutan ko? Ah ewan.
Mabuti pang ipa-counter ko na tong pinamili namin ni Papa. Dibale, ako na pala mag-isa ngayon , dumiretso na kasi si Papa sa hospital. Isa kasi syang doctor. Kaya nga idol ko yun eh, balang araw magiging doctor ako sa korea. Charot!
Pagkatapos kong maipacounter lahat ng pinamili namin, pumara ako ng taxi at nagpahatid papunta sa bahay namin.
Bahay
Bumungad sa akin ang haggardo na mukha ni Roberto na nakadungaw sakin habang nagwa-walling sa gate namin.
"Ate! Kay tagal na kitang hinihintay! Ang puso ko itong nagmamahal sayo!"
"Shatap nga Roberto. Pagkain lang naman kasi ang pinupunta mo dito sa bahay eh. Alam ba to ni Tita ha? Alam mo ang gwapo mo lang sana, bakit ka ba kasi naging bacla ha? Marami namang babaeng nagkakandarapa sayo sa eskwelahan nyo ha!"
"Yaks ka ate. Aanuhin ko ba naman kasi yung mga babaeng yun. Eh mas maganda pa ako sa mga yun eh!"
"Tsk. Mabuti pang tulungan mo akong ipasok tong ipinamili ko."
*noise noise noise*
"Roberto." Bulong ko sa kanya
*lubdub lubdub*
Para akong nininerbyos. Ewan ko ba!!!
"Ate," bulong ni Roberto na nakabukas ng malaki ang kanyang mata.
"Roberto, may magnanakaw!!!" Bulong ko sa kanya.
Eh may naririnig akong ingay galing sa loob eh!!! Buti na lang sa gate pa lang kami at hindi pa kami nakapasok.
"Roberto, pumasok ka!" Bulong ko
"Hah?? Baliw ka ba Ate? Bakit naman ako papasok aber? Mahal ko buhay ko ate! Mahal ko ito!" Sabi ni roberto
Aysst! Lagot ako dito kay Papa. Nilock ko naman ng maayos yung gate at pintuan nitong bahay kanina ha, lintik ako dito kay Mommy! Gising na kaya yun? Imposible namang may makapasok.
"Ate baka may palaboy paboy na pusa sa loob" sabi no Roberto.
May point naman rin si Roberto. Baka nga pusa lang yung nasa loob. Pero eihh! Naman! Paano kung magnanakaw? Ayaw ko pang mamatay no! Bata pa ako.
Dahan dahan naming binuksan ni Roberto ang gate at pasilip silip kami na parang spy.
Sinilip namin ang loob ng bahay at wala namang nakitang bakas ng pagnanakaw. Hala. Teka, saan ba galing yung ingay kanina? Hindi naman siguro nagkakamali ang tenga ko diba?
"Roberto libutin nga natin tong buong paligid ng bahay. Ikaw, dun ka sa garage. Ako naman, dun ako sa garden! Okie?"
"Okie Ate!"
Aminin ko ha. Kabado pa rin ako. Malay naman natin nandito lang pala sa labas ang magnanakaw nagtatago. Huhuhu. Oras na ba talagang mamatay ako?
Nagpatago-tago ako sa mga walls na parang isang police. Magaling ako sa mga ganito eh.
T-te-teka. Bakit may lalaking nakaputi na nakaupo sa garden bench namin? Hindi ko naman masyadong makita kasi nakatalikod sya sa direksyon ko.
AHA!!!
Huli kang magnanakaw ka!!! Patay ka sakin kang tsonggo ka!
Kumuha ako ng kahoy sa gilid at ready ko nang paluin sa ulo tong chimpanzee na to. How dare him na pumunta dito sa bahay namin ha!
Nagpatip-toe tip-toe ako sa paglalakad para hindi ako mahuli ng magnanakaw na to. Aba't may gana pang magsuot ng puti ha! Desenteng magnanakaw! Tsk!
1-2-3!!!
Papaluin ko na sana ng kahoy yung ulo nya nang bigla nya itong hinawakan. Bali napigilan nya ako sa paghampas sa kanya. Pero hindi pa rin sya humaharap sakin.
Astig tong magnanakaw na to ha! Paano nya nalamang may hahampas sa kanya? Magpapaturo nga ako sa isang to.
"Hoy! Magnanakaw ka! Bitawan mo nga tong kahoy na to para mablack-eye ko yang mata mo!"
"Why would I?" Sagot ng magnanakaw at nakatalikod pa rin sakin.
Biglang lumaki ang butas sa ilong ko nang marinig kong may pa-engles engles pa ang sosyal na to.
Wow lang ha! Nakaputi at nag-eenglish pa na magnanakaw? Saan bang planeta to nanggaling?
"Humarap ka nga sakin magnanakaw ka! Ahhh.. Ayaw mo siguro akong harapin dahil sa kapangitan mo no? Well, wag kang mag-alala hindi naman ako judgemental."
Pagkatapos kong sabihin yun, biglang humarap ang magnanakaw-----
O____________________________O
=======_____________________=======
Oooooo Mmmmmmm Gggggggg!!!!
As in OHHH MYYY GGHHADDD!!!!
DYOSS KE LERDDD!!!!
Hulog ng langit!
Isang anghel na bumaba sa lupa!
Hail praise the Lord Hallelujah!Bigyan mo ako ng background music ni Celine Dion yung My heart will go on! Bilis DJ!
Chorus:
You're here!!!
There's nothing to fear!!!
And I know that my heart will go on!!!Sinampal ko ang magkabila kong pisngi ng napakalas.
"Joskomaryosep." Ito lang ang tangi kong nasabi sabay tutok sa lalaking nasa harapan ko.
Nasa heaven na ba ako?
Bakit nandito sa bahay namin si Joshua ng Seventeen?!!~~~~~~~~
Mwuah mwuah. Thanks sa bumasa ng chapter na to. Abangan ang next chapter. Okie?