Chapter 2

10 3 0
                                    


Chapter 2: nosebleed

Nagising na lang ako bigla na nasa kwarto pa rin ako, panaginip lang iyon lahat?

Tinanggal ko na ang kumot at palakad na papuntang banyo nang mapatigil ako.

Parang di kumot 'yong tinanggal ko kanina a?

Kinakabahang lumingon ako sa aking kama at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko si mr. angel na payapang natutulog doon. Mabilis na nawala ang kaba ko nang dumako ang paningin ko sa malalambot na features ng mukha niya. Possible pala na may ganito kagwapong lalaki? Madalas akong makakita nga mga mahihitsurang lalaki sa agency pero ngayon lang ako nakakita at nakahawak ng malaanghel, no scratch that, maladiyos na lalaki. Walang panama ang mga artista at sikat na models sa kanya.

Marahan siyang umungol at gumalaw na nakapagpagising sa nahypnotized ko nang utak.

Anong ginagawa ko kanina?! Bakit anlapit ko na sa kanya? kanina nakatitig lang ako a! At bakit katabi ko siyang matulog? Teka, at bakit natulog din ako?

Pinilit kong alalahanin ang nangyari at naalala kong nawalan pala ako ng malay sa sobrang bigat niya...

Sinong naghatid sa amin?

"ma, sinong naghatid sa amin kanina?" bungad ko kay mama pagkababa pa lamang ng hagdan.

Lumingon siya sa'kin saglit bago nagpatuloy sa pagluluto. "kaibigan mo daw, Conrad ang pangalan"

Conrad?

Tumaas ng kusa ang kilay ko sa pagtataka, "ano pong hitsura?"

"Yung gwapo nak. Malaki yung katawan tsaka mahaba yung buhok."

Siya yung isa sa gangstah kanina?!

"sure, kayo ma?"

"oo, bakit? di mo ba yun kilala? Andumi dumi mo kanina binihisan pa kita. Kasama mo pa iyang nobyo mo. Di mo sa'kin sinabi na may nobyo ka na pala. Siguro palihim ka pang nakikipagkita diyan kaya puro putik ka kanina? Ano bang nangyari? Akala ko ba papunta ka sa internship mo?"

Paniguradong kapag nalaman ni mama ang buong kwento ay magaalala at magagalit lang iyon sa'kin.

"Kasi kanina ma nasiraan ako nang motor so tinawagan ko nalang si Conrad para magpaayos kaso yung lalaki kanina, di ko po siya boyfriend okay?" binigyang diin ko pa ang salitang boyfriend. "nagkataon lang po na ako iyong nakakita sa kanya na parang matutumba na so ang nangyari, dahil pinalaki niyo po akong sobrang matulungin, sinubukan ko po siyang saluhin kasi pabagsak na siya kaso as you see masyado siyang mabigat and then poof! Nadaganan niya ako at nahimatay. The end."

Nginitian ko siya ng matamis na matamis at mabilis na kumaripas paakyat bago pa makita ang reaksyon niya. OA kung makapagreact si mama sa mga ganitongbagay kaya takasan na! Masyadong makulay ang kulay ng bahay para sa drama. Hahahaha.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at sumilip. Buti tulog pa siya. Tatawagan ko nalang muna yung company para mag excuse.

"hi Mam." Malambing kong bati.

"helloAlvia Engineering Incorporation desk speaking, how can I help you?"

"uh... mam si Elkierra Elmo Estrella po ito yu-"

"ah yung bagong intern ba? Ayos lang naiintindihan ko. Matagal pa naman ang due ng mga nakaassign na gagawan mo ng draft, for now magconcentrate ka na lang sa kailangan mong gawin. bye!"

Napakurap-kurap ako sa nangyari. Ano yun? Wew.

Tinawagan ko nalang si Kale short for Karylle Leirielle Ventura masyado kasing bongga ang pangalan.

"yup?" bungad niya sa'kin, maingay ang background noise niya tulad ng dati puro tunog ng mga makina sa hospital at nagsasalitang nurse ang maririnig.

"akala ko ba masungit ang tiyahin mo?"

"Oo, sobra naku, baka di mo kayanin, bakit? Hala diba first day mo ngayon?Nakausap mo na? Pinapatawag ka ba?"

"sure ka talagang masungit siya? O baka badshot lang siya sayo? Kanina kinausap ko siya kasi di ako makakapasok ngayon, ambait naman kahit uh, medyo phony. Parang pakiramdam ko kasi may balak siyang masamasakin you know? Baka dinamay niya ako sa kabadshotan niya sayo." Panunuya ko. Si kale kasi ang nagpapasok sa akinsince tita niya naman ang executive doon, connections.

"Aba labas na ako diyanah. O baka good mood lang." Nangaasar niyang sabi. "bahala ka na diyan. goodluck!" tumawa pa siya ng malakas sabay baba. Bastos... di ko pa nakekwento ang experience ko eh.

Tatawagan ko na sana si Alice nang may marinig akong kalabog sa likod ko. Mabilis kong dinaluhan ang lalaking halos ipagsiksikan ang sarili sa kama kong sakto lang sa akin, pansin kong lagpas na ang paa niya sa kama nang tulungan ko siyang bumalik sa pagkakahiga.

Matamis na ngiti ang sinalubong ko kay Mr. Angel nang bumaling ako sa maamo niyang mukha, and as always naghang na naman ang system ng utak ko at hindi nakapagprocess nang maayos, nakakatulala ang ash gray eyes niya, parang nalalock yung mata ko oh my gosh Im stocked guys help me nalock na ako kailangan ng kiss I mean ng keys.

"uh miss?" Takang taka ang expresiyon niyang nakatitig din sa akin, "Is there a problem with my face?"

"ah wala! Wala! Ano pala yun?"

"I just wanna thank you for helping me," with thick accent niyang pagbigkas. Dayuhan ba siya? Sa sobrang kilig ko sa kaisipang iyon ay yumuko ako at pasimplengnilabas ang kilig. "You see I'm trapped in my own stupid stance and nadamay ka pa. I saw everything kahitnanghihina na ako, thanks for saving me." Pagangat ko nang tingin sa kanya ay nakangiti siya at punong-puno ng sinseridad ang kulay abo niyang mga mata.

"a-ah yea... wala yun tsaka napadaan lang din ako ng mga panahong iyon, e nakaharang iyong mga lalaki so..." nagkibitbalikat ako.

Pakiramdam ko di na ako makakapagsalita pa. Nakakaconsious siyang tumingin, masyadong malalim yung pagtitig niya sa akin pakiramdam ko kitang kita niya na malakas ang epekto niya sa akin.

Pansin kong masyado nang matagal ang katahimikan sa kwarto kaya hinarap ko siya at nahuli ko siyang nakatingin sa kisame,nakapatong ang kaliwangmatipunongbraso sa kanyangnoo,nakatulala, atmukhang malalim ang problema.

"um may problema ka ba? Baka may matulong ako." I tried to sound as friendly as possible.

Sumulyap siya sa akin at umiling ng bahagya at nagpatuloy sa pagtulala sa kisame.

Heartbroken ata?

Mataposihatid ni mama ang tanghalian niya sa kwarto ay bumaba na ako para sabayan si mama sa hapag.

Naalala kong hindi pa pala siya nagbibihis (nakacoat pa nga rin siya) at baka makasama iyon sa kanya lalona't may sakit siya kanina kaya kumuha ako ng damit ng kuya ko.

"ito oh magbihis ka muna. Kaya mo na ba?" kanina kasi halos di siya makatayo.

Nginitian niya lang ako at tumango. Pinanood ko siyang tumayo, nang makatayo na siya nang maayos ay gumaan ang pakiramdam ko. Buti at may lakas na siya di tulad kanina. Lumingalinga siya bago tanggalin ang kanyang coat at v-neck shirt na halos dumikit na sa malaadonis niyang katawan. Nang matapos siyang magbihis sa harapan ko ay bumaling siya sa akin.

"Miss where's your c- your nose is bleeding miss."

"h-ha?!" halos mapatakbo ako attarantang kumuha ng tissue sa cabinet at mabilis na pinunasan ang ilong kong parang gripo ng dugo.

"I think we need to call a doctor.Thebleeding isn't stopping." Puno ng pagaalala niyang sabi, pipigilan ko na sana siyang tumawag ng biglangpumasok si mama sa kwarto na nagpakaba sa akin.

Kainin na nawa ako ng lupa.

"ohkieranadugo na naman iyang ilong mo?! Diba sabi ko sayotigilan mo na iyong pagse-search search mo ng mga machong katawan ng lalaki sa laptop ayannadugo na naman yang ilong mo."

Umalingawngaw ang katahimikan sa kwarto paglabas ni mama. Kukuha daw siya ng maligamgam na tubig. At ako naman, napako lang sa kinatatayuan ko, nakayuko at hindi ko na maimagine kung gaano na kapula ang mukha ko ngayon sa sobrang kahihiyan.

Nasa kalagitnaan ako ng dasal ng pagpapakain sa lupa nang magitla ako sa paghakbang ni Mr. Angel papalapit sa akin.

Les Fauve (the beast)Where stories live. Discover now