Sorry po kung maraming errors... Aayusin ko po siya sa next updates...
Thanks for voting by the way T^T
Sobrang grateful po ako kahit ilan lang kayo XD
Lovelots <3
××××××××××××××××××××××××××××××
He chuckled sexily. Kahit nakayuko ko ako naiimagine ko ang pilyo niyang ngiti at hindi ko maintindihan kung bakit imbes na mahiya ako lalo ay napalitan pa iyon ng kilig.
Tinap niya ang ulo ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Malaki ang ngiti niya sa akin pero kung hindi siya nakayuko ay siguro dibdib niya lang ang makakita ko at lalala lang ang pagdugo ng ilong ko. Noong highschool pa ako ganito, akala ko normal lang pero hindi pala, at nakakahiya ito sa maraming dahilan.
“where’s your CR miss elkie…erra? Elkierra right?” itinaas niya pa ang isa niyang kilay na tila masyado siyang masaya sa pilyong dahilan.
“d-doon sa dulo pagkalabas m-mo ng kwarto”
“okay” pinanood ko ang likod niya hanggang sa makalabas siya ng kwarto at nakahinga naman ako ng maluwag.“yeah,yeah”
“It’s fine”
“yeah we will”
“okay”
Nagmukhang maliit ang telepono ngayong siya ang may hawak. Nakakainip naman kasing panoorin siya kaya halos matuklap ko na ang may kapalang plastic cover sa couch na inuupuan ko kakahintay.
Matikas na humarap siya sa akin matapos ang ilang minutong pakikipagusap sa kabilang linya.“the car will arrive here soon.” Pormal at nagaassure niyang sabi.
Sinimangutan ko lang siya at tumingin sa orasan bago siya sagutin.
“kailangan ba talagang sunduin tayo? Kahit h’wag mo na akong isabay ayos na iyong motor ko doon. Late na ako oh!”
ngumiti ngiti lang siya habang nailing na parang may ginagawa akong katangahan. Di ko nalang iyon pinansin. Bahala siya.
“Sige ingat ka nalang ha!”
Kinuha ko na ang bag ko at pabukas na ng gate nang tumigil ang isang itim na BMW sa harap ko.
“Let’s go.” Hinaglit niya ang bag ko at pinagbuksan ako ng pinto.
“edi wow.” I murmured. “alis na kami ma!”
Tumabi siya sa akin at ang bodyguard na ang nagsara ng pinto.
“to the company.”
Napatingin ako sa kanya. Kanina ko pa napapansin na mabigat at tila napakataas ng posisyon niya kung magsalita di tulad kahapon na humble at parang anghel. His eyes are fierce and bold too kumpara noong maysakit pa siya. Bipolar siguro to.
Tinaasan niya lang ako ng kilay as if Im doing something ridiculous.
“what?” bulalas ko.
“you act foolish.” He chuckled making me straight faced. “Im sure they will like you.”
Akma niya pang kukurutin ang ilong ko kaya agad kong kinuha ang bag ko sa tabi at pinaghahampas sa kanya.
“gumaling ka lang ang yabang mo na. nasan ang utang na loob ha! Hindi purket pinasabay mo ako sa kotse mo nakabawi ka na.”
Napalingon ang bodyguard na nasa front seat sa akin kaya tumigil na ako at tinapunan na lang ng masamang tingin si Gil. Kung hindi lang nakakatakot iyang butler o bodyguard mong matanda di lang yan matatanggap mo.Kinagat niya lang ang mapupula niyang labi para magpigil ng tawa, hindi ko alam kung ano na namang espiritu ang sumapi sa akin at imbis na maasar ay natakam este natameme lang ako sa labi niya. Nang mapansin niya ang titig ko doon ay agad akong humarap sa bintana at niyakap nalang ang bag ko.
Oo, close na kami. Hindi ko alam kung advantage ko ba iyon o advantage niya lang. Nagkuwentuhan at nagasaran lang kami buong gabi at halos madaling araw na kami nakatulog. Nakuwento niyang tinakasan niya daw ang guards niya ng mga panahong iyon, planado ang lahat kaya kahit masama ang pakiramdam ay tumakas pa din siya.
Pagtigil ng kotse sa tapat ng building ay nabalot ako ng pinaghalong hiya at kaba. Paano ba naman? Ang bawat empleyadong papasok ay nalingon talaga sa amin at ang iba pa ay pumopormal. Sa kakaobserba sa labas hindi ko namalayang ako na lang pala ang hindi lumalabas ng kotse. Mabagal akong lumabas pero hinila ako bigla ni Gil at halos kurotin ko na siya sa inis dahil nauntog ako sa dibdib niya pero nang makita ang seryoso niyang mukha ay kumalma nalang ako.
