Mr. Angel
I yawned as I stretch my arms flamboyantly.
"Good morning sunshine! And good morning to the ever beautiful Elkiera Estrellana!" I winked at myself in the mirror before I fix myself at nang masatisfy na ako sa ayos ko ay kinuha ko na ang bagpack at bag ng laptop ko bago derederetsong bumaba ng hagdan.
Naabutan ko si mama'ng nakatalikod at busy sa pagwawalis sa sala.
"Good Morning mama!" Bahagya pa siyang nagulat at saka binati rin ako pabalik at nagpatuloy sa ginagawa.
"Nasa lamesa na ang almusal mo."
"Opo!" Nakangiti naman akong tumango at kumuha na ng plato at kutsara't tinidor. Isang sunny-side up egg at luncheon meat ang nakahain kaya mabilis pa sa alas kwatro akong naglagay ng sapat sa plato at umupo sa upuang nakaharap sa sala.
Tama lang ang laki ng bahay namin,mas malaki ang 2nd floor kaysa sa ground floor na halos 1/3 lang nito, kaya halos magkadikit na ang sala at dining.
"Tama na ang paglilinis ma, yan ka na naman e. Halos kuminang na nga yung bahay oh." Matamang titig ko sa kanya pero parang di manlang siya natinag sa disappointed kong tono at patuloy pa rin sa paglilinis.
Napailing na lang ako at itinuon na lang sa pagkain ang atensyon ko. Matanda na ang nanay ko at masasabi kong di man siya kasing hina na ng mga kaedaran niya ay nagiging malala naman ang pagiging pasaway niya. Oras-oras siyang naglilinis ng bahay at nakaadikan niya na rin iyon tulad ng pagkaadik niya sa kape at wala naman akong kayang gawin doon dahil marahil ay iyon ang ginagawa niyang paglilibang sa sarili niya dahil si papa na lang ang lagi niyang kinakausap na isa ring pasaway.
Tatlo kaming magkakapatid, at ako ang bunso at natitirang anak sa bahay dahil lahat sila'y may sari-sarili nang pamilya.
Busy rin ako dahil katatapos ko lang magcollege at dahil sinwerte akong naging scholar sa isang prestihiyosong unibersidad ay mabilis akong nakatanggap ng maraming offers pagkagraduate, sa pagiinternship na lang muna ako nakatuon dahil wala pa naman akong lisensya at balak ko magmasteral.
"Ang baon mo nakaayos na!"
"Opo!" Si mama ang nagluluto, nagaayos ng mga damit ko at ng baon ko kaya siguro di ko rin maiiwanan si mama dito dahil maliban sa nakadepende ako sa kanya ay hindi ko pa nababayaran ang napakalaking utang na loob ko sa kanya, alam kong kahit gaano man ito kalaki ay di nito kayang tumbasan ang ginawa niya sa akin pero alam kong masuklian ko lang ng kaunti ang mga ginawa niya ay masisiyahan na siya doon. Because mom is always been selfless and I don't want it to be forever.
Naka v-neck shirt ako na natatakpan ng isang semi-formal coat at nakainsert ito sa pencil skirt kong- "Aish!"
Inis kong inayos paulit-ulit na binababa ito dahil tumataas ito kapag pinoposisyon ko ang upo ko sa motor, may tumatawag kaya no choice ako kundi hayaan na lang ito at takpan na lang ng isang jacket.
Tinignan ko muna ang tumatawag at nakita kong si Brianne iyon kaya mabilis ko itong sinagot.
"Hello?"
"Hello Kiera namiss kita Haha"
"Ako din! Haha, bakit anong balita?"
"Naayos na daw yung issue ng agency, kaya baka sa sabado may shoot na daw agad."
"Oh? Di kaya ng sched ko." Unti-unting lumiit ang boses ko.
"Bakit?"
"Nagsisimula na ako ng internship kaya every sunday lang ako free."
