CHAPTER 1: The Fall of The Chump

27 2 0
                                    

(August 7, 2017; first week of school year, 3 days before the end)

"T@#g i#ng batang yan, kanina ka pa tinititigan." Tinuro sa akin ni Plato yung batang nasa 7-9 taong gulang, nakajacket na itim, may hood, nakasandal sa pader habang nakatingin sa akin.

" 'Yaan mo na dude, baka may crush sa akin." Nakangiti kong sinasabi habang nginunguya ang mga salitang binabanggit.

"Lakas mo talaga sa bakla dude." Tinapik ako ni Pandora sa balikat, sabay bumalik siya sa pagbabasa ng isang investigative report tungkol sa Diyos.

"I know right." Pilit kong iniintindi ang ibig binabasa ni Pandora.

At nakangiwi kaming binabad sa katahimikan habang pinagpapatuloy ang kanya-kanya naming trip sa buhay; ang pagbabasa.

Hello! Ako nga pala si Chump. At ito ang simple kong kwento. Nabubuhay ako sa mga bagay na ayaw ng nakararami. I am an idealist, and my ideas creates a portal of imagination. At buti na lang, may iba pang ipinanganak para makasama ko sa ganito.

19 years old na ako. At sanay na akong iniiwasan ng marami. Ikaw ba naman mapatabi sa isang lalaking nakasalamin, hindi mababaw mag-isip, mahilig magliwaliw sa mga librong kakaiba ang tema, at kadalasan ay nagsasalita kapag nadadala ng emosyon sa binabasa. Well anyways, andyan naman ang tropa kong napakasupportive.

There is Solomon the king of debate, 19 years old din, single and away to be taken. Naniniwala siya sa living single forever battling against oppressors of our society.

Ayaw ding magpahuli ni Plato, the boy of alternative strategies. 20 years old. Marami siyang paraan para iwasan at magustuhan siya ng tao. Ayaw niya sa nangangarap. Gusto niyang gumawa ng gumawa ng mga bagay na alam niyang hindi niya ikapapahamak.

And lastly, we have Pandora, the girl of unfaithfulness. In terms of faith, beliefs, traditions, religions, politics, and philosophies, siya ang tatanungin mo. Labing siyam na taon na siyang nag-aabang na may makakaintindi sa mga pilosopiya niya. At good news! Hindi pa ito natutupad.

Dahil ganito kami ka-espesyal, tinawag kaming League of Sheet of Traffickers. (L.O.S.T.) ng mga kaklase namin and the rest of our academic environment, dahilan daw na nagdudulot kami ng heavy traffic sa mga discussion namin sa klase, lalo na kung kailangan ng brainstorming and when our professors asked us if we have questions. And sad to say, we have unlimited clarifications in life.

At sa gitna ng aming paglalakbay diwa sa kanya-kanya naming mundo, muntik na akong mapabitaw sa librong hawak ko, 'The Goodness of Bad People', nung biglang may dumaang anghel sa gitna ng aming grupo. Napalunok ako ng laway, dalawang beses magkasunod. At hindi lang pala ako ang nakapansin sa isang napakagandang dilag sa aming tanawin.

"PIA!" Sumigaw si Plato, na halos marinig ng buong Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa. Tinakpan ko ng libro yung mukha ko nung biglang tumingin yung babae.

Iba na to. Sobrang. Bilis. Ng. Tibok. Ng. Puso. Ko.

At lumapit ang nagba-blush na anghel sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon