Chapter Four : First Date ( Valentine's Day Part III )

166 5 1
                                    

* Rosella Afable's POV *

Nandito pa rin kami ngayon sa baligarden. Tapos nang mag sweet dance, magbigayan ng gifts, at kumain. At ngayon, oras na para magkwentuhan at maglaro.

" Guys, spin the bottle tayo! Ano? Game? " sabi ni Chelsea.

" Sige. Truth or Consequence lang naman diba? " sabi ni Camille.

" Yup. Ano? Game na? " sabi ni Chelsea. Ano na namang pakulo 'to bestie? :3

Kumuha na ng bote si Grae.

" Ano? Sinong unang mag-iikot ng bottle? Ikaw nalang bestie. " sabi ni Chelsea.

" Sige. Ako na. Ako din yung unang mag-uutos sa kung sinong mapatapat dito diba? " sabi ko.

" Yup. " sabi ni Chelsea.

Inikot ko na ang bote. At unang napatapat kay Joaquin.

" Wooooooaaaaahhhh! " sabay-sabay na sabi ni Nash, Brace, Grae at John.

" Uh oh. Hahaha! " sabi ko na para bang nang-aasar. " Ano? Truth or Consequence? "

" Truth. " sagot ni Joaquin. Ano kayang magandang itanong dito? Hahaha!

" Hmm.. Gaano mo kamahal ang bestfriend ko at ano-ano ang gagawin mo para makuha ang matamis niyang OO? " tanong ko. Ano kayang isasagot nito? Hahaha!

Tumingin siya kay Chelsea.

" Kung gaano ko kamahal ang best friend mo? " sabi niya sa 'kin habang nakatitig pa rin siya kay Chelsea.

" Yup. " sagot ko.

" Ang pagmamahal ko sa kanya, kasing lalim ng pinakamalalim na dagat sa buong mundo, ang pagmamahal ko sa kanya, simula sun hanggang pluto. Ang pagmamahal ko sa kanya, hinding-hindi magbabago kahit pumuti man ang uwak, magka-snow sa pilipinas, at kahit mag-end of the world pa. At hanggang sa malagas na ang mga ngipin ko, kahit pumuti na ang mga buhok ko at kahit hanggang sa huling hininga ko. Mamahalin ko siya. At lahat gagawin ko para sa kanya. Kahit ang impossible, gagawin kong possible para lang sa kanya. At papatunayan ko na karapat-dapat niya akong mahalin. At papatunayan ko din na hindi ako katulad ng ibang lalaking dumaan at sumira sa buhay niya noon. Kaya lahat gagawin ko makuha lang ang pinaka-inaasam kong matamis niyang OO. " sagot ni Joaquin. Sinasabi niya yan habang nakatitig sa mga mata ni Chelsea. Awwww. How SWEET! :">

" Yes naman bestie! Haba ng hair mo ah. Naapakan ko na ba? Sorry ah? Hahaha! " sabi ko. FABULOUS PAK! Talaga ang sagot ni Joaquin sa tanong ko.

" Bestie talaga! " sabi ni Chelsea habang nangangamatis ang kanyang mga pisngi! Hahaha!

" Wait! Bestie, may kamatis oh! " pagbibiro ko.

" Ha? Saan? " sabi niya habang hinahanap kung saan talaga yung kamatis! Hahaha!

" Ayan oh! Sa pisngi mo! Nangangamatis na naman yang pisngi mo. At dinamay mo pa yang ilong mo! Hahaha! Peace bestie! " sabi ko sa kanya habang naka-peace sign.

" Loko ka talaga! " sabi niya habang tinatakpan ang pisngi niya.

" Osha. Joaquin, ikaw na ang mag-spin sa bottle. " sabi ko.

" Sige. " sabi ni Joaquin at inikot na niya yung bote. At napa-tapat naman kay Brace.

" Nako Brace! Hahaha! " sabi ni Grae.

" Bro, truth or consequence? " tanong ni Joaquin kay Brace.

" Aaaaaa..... " sabi ni Brace.

" Eeeee... Iiiii.. Ooooo.. Uuuu.. " sabi naman ni Nash. Loko din 'to si Nash e.

You Are My Destiny ( Gimme 5 Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon