KH 3: Missing in Action

22 2 0
                                    

Jasper's Pov

Nandito ako ngayon sa aking tambayan. Hindi ako pumasok. Kaya kung nagtataka kayo kung bakit di ako nababanggit nila Trish at Jamie yun ay dahil hindi ako pumapasok. ^_^

Hindi naman ako bobo. Naiinis lang ako sa mga teachers namin na hindi alam magturo. -_-

Alam mo yun? Mas mabuting mag aral na lang ako mag isa kesa makinig sa kanila.

Ang kaso, kahit anong pag aaral ko nauungasan padin ako ni Robbie. Lintik na genius na yun!

Pero sorry na lang siya kasi mas pogi ako sa kanya bwahahaha..

Actually marami nagkakagusto saken pero di ko sila pinapatulan. Fling fling lang.

Haaay! Napabuntong hininga na lang ako.
How i love this place napaka peaceful ng paligid.

Hindi ko pinagsisisihan ang mapunta sa lugar na ito.

Napakaganda.

Malayo sa magulong mundo.

Walang pakialamero. At higit lalo walang istorbo.

Gusto ko lang laging mapag isa.

At dahil din sa eskuwelahan na ito nakahanap ako ng mga kaibigan.

Tunay na kaibigan? Well siguro..

Lahat naman ng pagkakaibigan hindi perpekto. May mga bagay na di mo nalalaman tungkol sa pagkatao nila.

Gaano man katagal ang inyong  samahan,  meron at meron silang itinatago.

Bagay na sila sila lang ang nakakaalam.

Parang ako. Matagal ko ng itinatago ang katotohanan.

..na ako ay POGI! hahaha

Napapangiti na lang ako mag isa.

Makalipas ang ilang minuto napagpasiyahan ko ng umalis.

Baka makita pa ako ni Lenie ang aming Section President.

Isumbong pa ako kay Ms. Faye ang aming guidance councilor.

Kailangan ko ng bumalik sa room dahil may quiz kami sa physics. Siyempre ayoko naman bumagsak.

Sayang kapogian dude. Dagdag points din pag matalino bwahahaha

"Hi Jasper"
"Oh my gee! anjan na si Japser mga girls!"
"Waahhh! Jasper pakiss!"

Dinig na dinig ko ang sigawan ng mga girls. Naaawa na ako sarili ko. Bakit ba ubod ako ng gwapo? Lord bakit? Hahahaha

Nagwink lang ako sa kanila at sila naman halos mahimatay na. Mga babae nga naman.

Nasa hallway  na ako nang  makita ko si Troy palabas ng room.

Nakangisi ang loko. Tipikal na ngayon ko lang siya nakita ng ganun.

Pagpasok ko nakita ko silang lahat umiiyak.

Nakita ko sila Robbie at Ash na inaalo si Jamie at Trish.

"Guys, bakit sila umiiyak?" takang tanong ko.

"Pre, si Teacher Fat.. patay na" nanlulumong sabi ni Ash.

Si Teacher Fat? Yung mataba at terror naming teacher?  Adviser namin?

Paano nangyari iyon?
Nakita ko siya kanina  na mukhang balisa. Hindi ko akalain na yun na pala yung huling beses ko siyang makikita.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Takot ang aking naramdaman. Bigla akong kinabahan.
Di ko alam kung anong mangingibabaw sa nararamdaman ko..

Naalala ko ang mukha ni Troy kanina.

Bigla akong kinilabutan.

Troy...

~~~~~~~~~

Kingstone HighWhere stories live. Discover now