Chapter 1: Where We Started

7 0 0
                                    

Michelle's POV

Papunta ako ngayon sa parang meet-up ng clan namen. Actually meet-up talaga siya at hindi lang parang. XD So ayun, pag college kase, uso samen yung mga clans. Hindi sya fraternity ah. More on bonding kase pag sinabing clan. Minsan may mga activities na pinapagawa yung founder kaya mas nagiging interesting at nanaka-enjoy para sa mga members. :)

"Andyan ka na pala Chim! May bago pala tayong members.. Sina Ivy, Kyle, John at... Ano nga pala ulit name mo?" sabi ni Ericka dun sa isang lalake. Si Ericka or Eca na lang for short ay yung founder ng clan namen. Kung itatanong niyo kung anong pangalan namen.. SAD po.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Samahan ng mga Adonis at Dyosa. 

Wag po kayong tumawa, alam kong corny. -____-

"Gabriel Louis Tolentino. Gab for short." sabi nung lalake na tinanong ni Eca. Grabe, ang manly ng boses niya. Ang gwa--

"Ehem. So dahil malapit nang lumuwa yang mga mata mo, ikaw muna ang magpakilala."

Arrrrrgh! kahit kelan talaga to si Eca! Masama bang magwap-- NEVERMIND!

"Hi guys! Uhm.. My name is Michelle Ireen Reyes. I'm 17 years old. Studying at St. Benilde University. I am a AB Psychologist student. Btw, tawagin nyo na lang akong Chim. Baliktad po yun ng first 4 letters ng name ko."

Nakita kong nagsmile yung Gab kaya nagsmile na lang din ako sa kanya. Weird. Pagkatapos nun, naupo na lang ako sa isang tabi kase yung ibva naman daw ang magpapakilala.

"Hello guys. I'm Ivey Morales. 17 years old. Same school kay Chim. Uhm, favorite color is pink! Hehehe."

Hay. May baliw nanaman na kasapi ang SAD. Grabe, kumakalat na ata ang virus ko. XD

"Hi. I'm Kyle Luke Mendoza. Call me Luke." 

Ayy? Yun lang? Masyado atang mahiyain si kuya! Yun lang sinabi eh. Batukan ko kaya to? :D

"Helloooo! I'm david John Crisostomo! I am 18 years of age. Sorry ah? Medyo isip bata kase talaga ko eh. Hehehe."

Isip bata o bakla? Hahaha. Jowk. Ang energetic naman kase. -____- Pero ganun ang gusto ko! I mean yung gusto na maging kabarkada, hindi yung like na as in like! WAG KAYONG ANOOOO! :P

"Ehem. I already introduce myself to you guys a while ago. Hmm. but let me introduce myself to you guys again. My name is Gabriel Louis Tolentino. But call me Gab. 17 years old. Studying Architecture in SBU (St. Benilde University). I think that's all?"

"Kyaaaah! ang gwapo nyaaaa!"

"Tse! Akin sya!"

"Gabbbbb! Akin ka na lang!"

"Gabbbbb! ang cute moo!"

Yeah, cute sya. Pero ang yabang tas parang suplado. -_____- Akala ko pa naman friendly. Psh.

After nung 'pagpapakilala' session, umuwi na ko. Wala ako sa mood para maki-join sa mga pakulo ni Eca.

Wanna know a fact about me? I am a bipolar person. Kapag masaya ako, bigla na lang ako mawawala sa mood. Kapag wala naman ako sa mood, bigla na lang akong tatawa. Inshort, baliw ako. I am also a big fan of Girls Generation. And my bias is Kim taeyeon! Kyaaaah! She's so adorable!

See? I am bipolar. ^____^

So ayun, pag-uwi ko sa bahay, humiga agad ako sa kama ko. Pagod ako kase marami kaming ginawa sa school kanina tapos nagpunta pa ko sa meet-up kaya pagod talaga. Di ko namalayan na nakatulog pala ko. Paggising ko, 8 PM na. Bumaba ako para kumaen. Nadatnan ko yung kapatid ko na kumakaen tapos si mama naman naguhuhugas sa may kusina.

"Oh anak, gising ka na pala. Kumain ka na dyan."

"Opo." sagot ko.

Pagkatapos ko kumain, umakyat na ko sa kwarto ko. Kinuha ko yung cp ko kase panigurado na andami nanamang text dun from SAD members. At hindi nga ako nagkamali...

21 messages. -____-

Yung 5, from my classmates. Yung 12, from members ng SAD, yung 3 from Ivy, Kyle at John na i-save daw yung number nila. And yung last message.. From Gab.

From Gab: Hi Chim! =)

Nye? PM? Mareplayan nga. :)

To Gab: Hello =) Pinasave mo na sa iba yung number mo? :)

From Gab: Hindi pa. Hehe. Kukulitin lang ako ng mga yun. -___-

Wow! Ambilis magreply!

To Gab: Nye? Mabit naman sila ah? :)

From Gab: Kahit na. -____-

**

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagulat na lang din ako. Haha. Tapos na kong maligo at kumain so I decided to go to school kahit maaga pa. Maglalakad na lang ako. Exercise din yun. :)

Nagvibrate yung phone ko kaya huminto muna ako sa paglalakad. Ang hassle kaseng tingnan yung cp ko habang naglalakad eh may dala akong 2 makapal na books. So I stopped. 

Nung binasa ko yung message, GM lang naman pala. Maglalakad na sana ko kaso--

*boogsh*

"Aww." ansakit naman nun! Sino ba tong nilalang na to?! Ready na sana akong sigawan sya nung--

"Sorry miss. Chim?" 

"Woah. Ikaw pala yan Gab! Anong ginagawa mo dito?" 

"Napadaan lang. Btw, di mo na ko nireplayan kagabi! Andaya mo." 

Sabay pout nya. Di he just... Pout? Kyaaaaaaaah! Ang cute nya! Hahaha. Ansarap nyang kurutin! 

"Nyahaha. Sorry na! Nakatulog na kase ako eh. Hehe."

Nung gabing yun, siya lang talaga yung katext ko. Hindi naman pala sya ganun ka-suplado. Pa-cool effect lang pala. Haha. Actually, mabait nga siya eh. hindi ka mabobore kapag siya ang kausap mo. Kaya lang, minsan talaga snobber sya.

Madami din akong nalaman tungkol sa kanya. Like favorite nya ang color blue. Tapos ayaw nya ng shrimp. And nalaman ko din na nakatira sya sa tita nya kase parang hindi ata sya tanggap ng parents nya. Something like that. May kapatid syang babae at mahal na mahal nya ang kapatid nya. :) Nagkaron na sya ng 3 girlfriend. At lahat yun nagtagal. Yung una, 1 year & 8 months. Yung 2nd, 11 months. At yung pangatlo, 1 year & 3 months. Kung bakit sila naghihiwalay? Isa lang ang dahilan..

PINAGPALIT SYA SA IBA.

"Gab.. Can I ask you something?"

"Sure. What is it?"

"Totoo ba yung sinabi mo kagabe na lahat ng ex-girlfriend mo ay pinagpalit ka sa iba?"

"Mahirap tanggapin pero oo eh. Why?"

"For real?! Hahahahaha. Ang gwapo mo na nga, pinagpapalit ka pa." sabi ko sa kanya habang tumatawa. Pero at the same time naawa ako sa kanya. 

Nakarating na pala kame ngayon sa school. Hindi naging boring yung paglalakad namen kase ansaya ng usapan namen. Masaya palang kasama ang isang Gabriel Louis Tolentino :)

"Oo nga eh. Ang gwapo ko na nga, pinagpapalit pa ko." 

"Inulit mo lang yung sinabi ko." -____-

Pagkasabi ko nun, tawa lang sya nang tawa dun. Baliw talaga to. -____- Pero masaya ako kase nakakita ako ng kaibigang tulad nya. Ewan kung pano kami naging close. Basta close kame! Tapos! XD

ClanmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon