Tipsy Girl.

80 3 0
                                    

Chapter 3

"Mukhang may problema po kayo Ma'am."

Inangat ko ang ulo ko, tumingin ako sa direksyon ni Joshua at tinuro ko sya.

"Nakikita mo ba yung lalaki na yon? Ay hindi! Yung beki pala na yon, yung nakapolo shirt na akala mo lalaking lalaki, sayang ano?? Ang pogi pogi, beki naman!!"

"Si Sir Joshua po ba yung tinutukoy nyo?" (Bartender)

"Kilala mo sya??"

"Isa po sya sa mga part owner ng Bar na 'to, sobrang bait po nya.. Yung kalahati ng kinikita ng Bar na 'to, dinodonate nila sa charity, pumupunta pa sila sa mga bundok para lang maabutan ng tulong ang mga tao doon."

Kanina pa nakakunot ang noo ko pero ngayon, sa mga sinabi ng bartender, inunat ko ang noo ko.

"Talaga?"

Pinakita ni Joshua sakin ang totoong pagkatao nya, hindi man lang sya nagdalawang isip na sabihin sakin lahat tapos ako maiinis lang ako sa kanya?? Dapat pala nagisip muna ako bago ko sya patagong hinusgahan.

Nararamdaman kong nahihilo na ko, nakaanim na pala akong bote. Lumamig ang pakiramdam ko pero nararamdaman kong pinagpapawisan na ko!

"Saan yung restroom nyo dito?"

"Diretsuhin nyo lang po yan.."

"Salamat.."

Gosh! Nasusuka na ko! Tinakpan ko ng isang kamay ang bibig ko at ang isa ko namang kamay nasa tyan ko.

"Oh my God!! Yung babae, natumba!!"

Naramdaman kong may bumuhat sakin, hindi ko na talaga kinaya! Sobrang nahihilo na ko!

"Ibaba mo nga ako!!"

Tinaas ko ang tingin ko, isang lalaking makisig, ang ganda ng mata, ang tangkad, di naman kaputian at ang tapang ng pabango.

Ayoko ng pabango nya! Wala na kong nagawa, inilabas ko na lahat ng kinain ko mula pa kaninang tanghalian, nasukahan ko ang pants nya..

"Ikaw na nga tong tinutulungan, sinukahan mo pa ko!"

"Sorry!"

Naramdaman kong binuhat nya ulit ako.

-Kinabukasan-

Pagkadilat ko ng mga mata ko, una kong nakita ang nakabukas na computer sa kwarto ko, teka! Umaga na?

Sinubukan kong umupo pero parang may humampas na matigas na bagay sa ulo ko, sobrang sakit! Nasa bar ako kagabi huh!! Pano ako nakauwi?

"Anak, kamusta ang pakiramdam mo?"

"Sobrang sakit po ng ulo ko.. Paano po ako nakauwi kagabi??"

"Inuwi ka ni Joshua, sabi nya marami ka raw nainom, ano bang nangyayari sayo anak? Hindi ka naman naglalasing diba?"

"Sorry Mama, may nalaman lang po kasi ako tungkol kay Joshua.."

Umupo ako at hinawakan ang noo ko..

"Bakit ano yon? May girlfriend na ba sya?"

"Wala po.. Kasi kagabi dinala nya ko sa isang bar, pagpasok namin sa loob, ang daming bakla mama.. Nakipagbeso beso sya"

Natigilan si Mama, palabas na ng pinto si Mama pero nagsalita ako..

"Walk out ka na naman Ma? Hanggang ngayon ba naalala mo parin si Papa?"

Kunot noo ko syang tinaasan ng tingin.. Humarap naman sakin si Mama.

"Oo Anak, pasensya ka na.."

"Masaya na si Papa sa piling ng lalaki nya.. Pabayaan na natin sya, ang tagal tagal na nyang wala sa buhay natin Ma, paulit ulit nalang ba tayo? Mag-aaway na naman tayo dahil sa kanya."

Bumuntong hininga si Mama bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Naalala na naman nya si Papa, kung bakit ba kasi kailangan pa kaming ipagpalit ni Papa dun sa lalaki nya? Yeah Right! Beki ang papa ko, iniwan nya kami dahil siguro mahal nya yung lalaking yon! Galit ako sa mga katulad nya!! "1 message received" Hinihingian na ko ng Prologue ng bagong story, actually marami na kong natatype dahil kay Joshua pero gusto kong burahin lahat. Sayang lang pagod ko!!

"DELETE!!"

Binura ko ang mga tinipa ko..

Napansin kong nakafacebook ang isang tab..

"CARLA!! Ginamit mo ang computer ko!! Hindi ka man lang nagpaalam.."

Umakyat si Carla sa kwarto ko na may nakasalpak na toothbrush sa bibig nya..

"Ano yon Ate?"

"Anong ano yon Ate? Nagfb ka na naman hindi ka nagpapaalam!!"

"Sorry Ate! Kasi kanina nagreresearch ako ng mga pwedeng pasukan na school sa college para makapag exam na ko for next school year, tapos nagfb muna ako saglit, hindi ko pala ba log-out sorry!"

Umupo ako sa harap ng computer, naka google pa ang isang tao, nang tingnan ko, mga school sa college.. Hmmm!

"Paano kaya kung pumasok ako sa isang college school tapos dun ako maghanap ng susulatan ko ng Novel."

"Magandang Idea yan Ate."

Nilingon ko si Carla!

"Hindi ka parin pala lumalabas? Bumaba ka na, tapusin mo muna yang pagtu-toothbrush mo! Kadiri ka! Kapag yan tumulo sa sahig, papadilaan ko yan sayo!"

Mabilis na nakabalik si Carla..

"Paano na nga pala si Joshua?"

"Dami mong tanong Carla, beki si Joshua, ok! Di sya pwedeng gawan ng Novel."

"Beki? Grabe sayang sya! Bakit naman bawal mo syang gawan? Kasi ayaw mo sa mga tulad nya? Tama ba ko ate?"

"Oo na! Oo na!"

"Ate, alam mo kung saang college school ka makakakita ng maraming poging estudyante?"

"Saan?"

"Ay! Anung oras na pala, hinihintay na ko ng mga kaibigan ko! Alis muna ako Ate, mamaya ko nalang sasabihin sayo kung saan pagkauwi ko."

Palabas na sya ng kwarto pero hinabol ko sya.. Hinila ko ang buhok nya..

"Ngayon mo na sabihin! Pa thrill ka pa ee!"

Tinype nya sa computer ang pangalan ng school.

"VILLAVICER STATE UNIVERSITY."

--

Author's Note:

Read my two stories.

•Mon Amour (On-Going pa po)

•Fallen [Short Story] (Complete na po)

Thank you! ;)

Mr. Unperfect meets Ms. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon