The Explorer

71 1 0
                                    

Sorry ngayon lang nakapag UD. Sobrang busy lang talaga. Sana maintindihan nyo. :)

Chapter 4

Abala ako sa paghahanda ng mga gamit ko, pupuntahan ko yung school na nirekomenda sakin ng kapatid ko, kahit papaano naman pala ay may maitutulog ang kapatid ko sakin.

"Anak, desidido ka na bang pumasok sa school na yon?"

"Kung ito ang makakaganda sa career ko? Oo mama, desidido ako.."

"Pero malayo yon Anak. Paano ka doon? Malalayo ka samin."

"Maghahanap po ako ng malapit na pwedeng tirahan dun Mama, wag nyo kong alalahanin, malaki na ko noh! Kaya kong mag-isa, may mga naipon naman ako, magpapadala na lang ako ng pera dito sa inyo."

Niyakap ako ni Mama, iyak sya ng iyak sa balikat ko..

"Tama na ang drama! Wag ka ng umiyak Mama, alam mo namang ayaw na ayaw ko yung may umiiyak diba? At isa pa.. Wag na wag ka ng maging sensitive pagdating kay papa!"

Ayoko talagang may umiiyak, dahil ang pag-iyak ay sign ng kahinaan, kung iiyak ako ibig sabihin mahina ako, kahit kailan hindi ako magiging mahina kagaya ng iba, kung kayang lumaban, lumaban ka!!

Gusto kong patunayan kay Papa na mali sya sa pag-iwan nya samin, pagsisisihan nya ang ginawa nya samin!!

Nagpapasalamat na rin ako dun sa ginawa nya, kasi natuto akong lumaban sa buhay, natuto akong magsipag, natuto akong maging manhid sa lahat ng sakit..

Pagkalabas ko ng gate namin, bitbit ko ang malaking maleta ko, isang malaking bag at ang laptop ko.

Sa kanto na nga lang makapaghintay ng taxi, nilakad ko hanggang sa entrance ng village namin.

Pero habang naglalakad ako, may kanina pang nakabuntot saking sasakyan pamilyar sakin ang sasakyan kaya kinatok ko ang bintana!

"Hoy!! Kanina ka pa nasunod huh, tirik na tirik ang araw naghahanap ka ng prostitute! Para sabihin ko sayo hindi ako prostitute kaya wag mo kong sundan!!"

Bumukas yung bintana..

"Joshua???"

"Kamusta ka na Grace? Bakit ang dami mong dala? Maglalayas ka ba?"

"Wala ka ng pake dun!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko pero, nakabuntot pa rin sya sa likod ko.

"Ang init-init ng panahon Grace, saan ka ba pupunta? Ihahatid na kita."

"Ikaw ang kulit mo! Ilan beses ka bang inire huh? Wag ka ng sumunod!"

Naglakad na ulit ako..

Nagulat ako ng may umaagaw na sa maleta ko..

"Bitawan mo nga yan! Umuwi ka na sa inyo Joshua.."

"Kausapin mo muna ako Grace.."

"Kung about yon sa nalaman ko tungkol sayo, don't worry hindi naman ako madaldal, kaya hindi yon makakalabas."

"Hindi naman tungkol dun Grace.."

"Eh! Tungkol saan?"

"Tungkol sa friendship natin, feeling ko kasi nagbago ka simula nung nalaman mo kung ano talaga ako.."

"Hindi ahh! Ako pa rin naman to ano! Wala namang nagbago sakin."

"Umiiwas ka sakin yun ang ibig kong sabihin, saan ka ba pupunta? Bakit parang lalayas ka na?"

"Oo lalayas na ko! Kasi nagsasawa na ko sa view ng lugar ng village natin, gusto ko naman ng bagong atmosphere.."

"Galit ka ba sakin? Bakit nagalit ka sakin nung malaman mo kung ano ako?"

Kinuha ko mula sa kanya ang maleta.

"Ang dami mong tanong! Sayang ang oras ko, padaanin mo na ko para naman makaalis na ko diba?"

"Hindi ka aalis Grace, mag-uusap muna tayo, kausapin mo muna ako please."

Nakahawak parin sya sa handle ng maleta ko, seryosong nakatitig sa mukha ko.

Napabuntong hininga ako.

"Ok fine! Makikipag-usap na.."

Binitawan ko ang maleta ko, kinuha nya kaagad saka nya nilagay sa likod ng kotse nya.

Sumakay ako sa passenger seat at nilagay ko ang malaking bag sa harapan ko.

Dyusko po! Daig ko pa ang sinuyong girlfriend na mahal na mahal ng Boyfriend nya.

Huminto ang sasakyan ni Joshua sa isang sosyal na restaurant.

Pagkababa ko ng sasakyan, tinanggal ni Joshua ang shades nya at nilagay sa ulo nya, napapatitig ako sa kagwapuhan nya.

Nakamaong na pantalon, nakawhite v-neck shirt na fit sa kanya at dahil fit, bakat na naman ang laki ng katawan nya, nang ngumiti lumabas ang malalalim na dimples, nagtataka ako, bakit kailangan nya pang magbrace eh parang pantay naman ang mga ngipin nya? Lahat lumalabas na babae mula sa restaurant nagpapacute sa kanya, naku ke lalandi nitong mga to!

"Kung alam nyo lang kung ano talaga sya!! Naku!!"

"May sinasabi ka ba Grace?"

"Wala! Siguraduhin mo lang na ililibre mo ko huh!"

"Oo naman."

Inakbayan ako ni Joshua hanggang sa makarating kami sa loob ng restaurant.

"Naku may girlfriend na pala sya."

"Hindi naman maganda yung girl."

"Ang gwapo nya talaga!!"

Matalim ang tingin sakin ng mga mukhang butiking babae sa kabilang table!

Nagbubulungan sila, actually hindi bulungan kasi naririnig ko, mga nagsasalita cashier at bumibili ng pagkain.

"Ano kayang nakita ni Boy sa girl na yan?"

"Baka naman ginayuma nya si Boy!"

Naikuyom ko ang mga kamao ka sa ibabaw ng lamesa, kapag ako hindi nakapagpigil, susugod ako sa mga 'to!! Konting konti nalang talaga!

Mga babaeng makakapal ang make up at mga kinapos sa tela dahil sa maiikli ang palda, mga babaeng hindi kuntento sa tangkad nila kaya nagheheels, punong puno ng gamot ang mga buhok dahil sa kulay ng blonde at mga babaeng inuubos ang pera para lang maging sosyal!! Ganun ang mga babaeng kanina pa nagkukwentuhan pa tungkol sakin!

Sa inis ko, humarap ako sa kanila pero napukaw ang atensyon nila sa isang babae na dumating, maikli rin ang palda, may kulay ang buhok, maganda at may hawak na libro.

"Scarlet, saan ka galing? At ano yang hawak mo?"

Mr. Unperfect meets Ms. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon