Joshua Monville

82 1 0
                                    

Chapter 2

Computer na naman ang kaharap ko, busy sa pagtipa ng bagong story..

"Joshua Monville was a cute guy, lalaking may brace, matagos ang ilong at sobrang bango.."

Medyo bumaba ang salamin ko sa ilong ko kaya tinataas ko.

"Anak, eto na yung kape mo."

"Salamat Mama.."

Pagkalapag ni Mama ng kape, tumayo sya sa tabi ko at tumitig sa computer.

"Sino si Joshua Monville?"

"Yung kapitbahay po natin."

"Ang swerte nya, sisikat sya.."

Pagkatingin ko kay Mama, nakangiti syang nakatingin sakin..

"Salamat sa suporta Mama.."

"Wala yon Anak, Mama moko ee.."

"Goodnight Mama.."

"Goodnight din Anak, basta magpahinga ka pagkatapos mo dyan huh.."

"Opo.."

**

Araw ng sabado, dinadala ko ang laptop sa playground ng villege namin, umupo ako sa may swing para doon magtipa ng story, with matching earphone, narerelax ako.

Busy ako sa pagtitipa ng may tumulak sa swing na inuupuan ko, napatukod ako ng paa, at naisara ko ang laptop!

"Anak naman ng ..."

Kunot noo kong nilingon yung pesteng gumagambala sa concentration ko..

"Abogado.."

"Sorry Grace, napalakas ata yung tulak ko, kamusta ka?"

"Joshua.. Anong ginagawa mo dito?'

"Wala kasi akong pasok, nagjo-jogging ako kapag saturday.. Ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Nagawa ng project.."

Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa.. Napalunok ako ng laway, nakasando sya na white, jersey short, nakacap, naka rubber shoes at tagaktak ang pawis.. ANG HOT! Napakagat labi ako!

"Parang biglang uminit noh?"

"Hindi naman ah!" (Joshua)

"Pawis na pawis kana.."

Sa sobrang pawis nya at sa sobrang nipis ng sando nya, nabakat yung mga abs nya..

"Nakakagutom naman yang mga abs mo! Parang pandesal.."

Natawa sya sa sinabi ko..

"Nakakatawa ka talaga Grace, nagugutom ka ba? Tara magbreakfast tayo sa bahay.."

"Sa bahay nyo?"

"Oo. Sa bahay.."

Pagkapasok ko ng gate nila, ngayon ko lang nakita ang labas ng bahay nila, ang laki!

"Manang Lorna, magprepare ka ng breakfast, may bisita ako."

Pagpasok namin sa loob ng bahay. Hanep! Halatang mayaman talaga! Tumungo kami sa dining room, merong lalaki na may edad na at nagbabasa ng newspaper, napansin kong nakatuxedo sya, nakasalamin at may kape sa gilid nya. Naku! Sya ata yung abugado!

"Magandang umaga po Mr. Monville."

"Goodmorning din.. Joshua, sino sya?"

"Dad sya po si Grace bago ko pong friend dito sa village, kapitbahay lang natin."

Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa, nahiya tuloy ako!

"Ngayon lang nagdala si Joshua ng babae dito sa bahay, akala ko girlfriend ka nya, matutuwa na sana ako."

"Daddy naman.."

"Totoo naman ngayon ka lang nagdala ng babae dito, ikaw hija, kapag niligawan ka ni Joshua sagutin mo kaagad! 18 years old na wala pa ring pinapakilala sakin, tandaan mo Joshua walang mahina at torpe sa Monville.."

Tumayo na si Mr. Monville at kinuha ang bag nya tsaka lumabas ng pintuan.

Naglabas ng pagkain ang mga katulong umupo kami pareho ni Joshua.

"Grace, pasensya ka na sa Daddy ko."

"Ok lang yon. Hindi ka pa ba nagkakagirlfriend? Bakit wala ka pang pinapakilala sa Daddy mo? Torpe ka ba talaga?"

"Bago mo ko tanungin, kumain muna tayo, diba nagugutom ka na?"

Bakit nga kaya? Sa gwapo nyang to, natotorpe parin ba sya? Baka naman nababasted!

Pagkatapos naming kumain..

"Pwede ko na bang malaman yung sagot mo dun sa tanong ko kanina?"

"Gusto mo ba talagang malaman? Kapag nalaman mo, wag kang maingay huh."

"Siguro, natotorpe ka nga noh? O nababasted ka lagi?"

"Hindi pa kasi ako nagkakagirlfriend.."

"Bakit nga?"

Ramdam kong natakot si Joshua.

"Ok ka lang ba, Joshua?

"Sumama ka sakin mamayang gabi.."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya..

"Mamayang gabi? Saan?

"Pupunta tayo sa ..."

**

Sumakay ako sa sasakyan nya.. Bumalik ako..

"Ayokong pumasok dyan.."

"Gusto mo malaman kung bakit hindi pa ko nagkakagirlfriend diba?"

"Oo.. Pero, bakit tayo nandito sa bar?"

"Meron lang akong mga ipapakilala sayo.."

Hinila ako ni Joshua papasok sa bar kahit labag sa loob ko.

Pagpasok namin sa loob, binitawan ako ni Joshua, may mga beki sa stage, mga stand up comedian, nakita ko si Joshua na sinalubong ng mga todo make-up na mga beki, nakipagbeso beso sya..

"Kamusta ka na bakla ka!!" (Beki 1)

Bakla? Tinawag syang bakla? Lumingon sakin si Joshua, maingay sa paligid, nang mapansin naming natapos na ang mga stand up comedian, umakyat na sa stage ang mga macho na lalaki, mga tatlo.. Nagulat ako ng sumayaw sila, mga macho dancer!!

"Joshua, sino sya?" (Beki 2)

"Wag mong sabihing tomboy ka na ngayon?! Tuluyan ka ng natakot kay pudra mo?" (Beki 1)

"Mga bakla mamaya na ang chikahan! Nagsasayaw na ang mga Boylet! Ang mga papa! Super yummy! Gora na!!" (Beki 3)

Nilingon ulit ako ni Joshua pero hinila na sya nung mga beki..

Napako ako sa kinatatayuan ko! May mga nakakabangga sakin pero di ko sila pinapansin. Napatulala ako, nanghina ang mga tuhod ko. Nakahanap ako ng upuan, sa harap ng bartender.

"Ladies Drink Ma'am?" (Bartender)

"Sige bigyan mo ko, 1 glass.."

Pagkabigay ng ladies drink, tinungga ko hanggang maubos..

"Naku, malakas po pala kayong uminom.."

"Bigyan mo ko ng inuming malakas ang tama, yung malalasing ako agad.."

Binigyan naman ako ng Bartender..

Nakatatlong bote na ko pero wala pa rin..

--

Author's Note:

Facebook Group:

•TerrifyingGirl's Stories

Sali po kayooooooo. Thank you! :*

Mr. Unperfect meets Ms. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon