Chapter 01: Heart Break

88 4 8
                                    

"I'm breaking up with you." 

"Ha?"  Nanlaki ung mga mata ko sa sinabi niya.  

"Sabi ko break na tayo. Hindi na kasi ako nasisiyahan sa relasyon natin. Kaya mabuti pang maghiwalay na tayo. " 

 Second Monthsary  kasi namin ngayon. Diba dapat ito ang pinaka masayang araw ng buwan na to, pero bakit mukhang kabaligtaran ata ung nagyayari ngayon. Napaluha ako bigla sa sobrang sakit ng sinabi nya. 

Pinunasan niya ung luha na tumulo sa pinsngi ko gamit ang mga daliri nya. " You know, mag gusto pa akong sabihin sayo.."

Tumingin ako sa mukhang niyang walang expression. Ayoko na... Tama na. Sapat na yung sinabi mong break na tayo. Wag mo nangdagdagan...Masyadong masakit na...

"Happy April's Fools day!" sinabi nya habang nakangiti.

"Eh?" nanalaki ung mga mata kosa sinabi niya. Teka, nag pro-process pa ung utak ko... April's Fools day? Ay oo nga pala! nakalimutan kong April 1 pala ngayon! 

"Hahahhaa! naloko nanamna kita!" niyakap niya ako ng mahigpit. 

"Loko ka talaga! kala ko totoo na yung sinabi mo  kanina. Kala k o iiwan mo na talaga ako. " Niyakap ko din cya ng mahigpit. Hinalikan niya yung noo ko at sinigaw ang...

"TO INFINITY AND BEYOND!!" 

"SKY!!! GUMISING KA NA! MALE-LATE KA NA SA SCHOOL!!!" 

"WAHHHHH!!" nahulog ako sa kama dahil sa malakas na sigaw ni mama saakin. Napakamot ako ng ulo ko. Panaginip lang  pala yun. Sayang naman! ang ganda na ng pangyayari e. Sana magka totoo yung panaginip ko! 

Ako nga pala si Sky Arjona.  Isa akong teenager na isip bata pa rin hanggang ngayon. Siguro iniisip niyo kung maganda ako ? Well unfortunately... May itsura naman ako. Mahilig din ako sa anime pati na rin sa rock music. I LOVE  PARAMORE! yan ang pinaka favorite rock band ko kahit medyo nagiging pop na sila. At inlove din ako sa boyfriend kong si Migs.

"SKY!!!!!!!!!" sigaw ulit ni mama.Nagmadali na akong tumayo sa sahig. Halatang malapit na ma reach ni mama ang "Rampage Mode" niya 

"Opo! bababa na po ako!" 

---------------------------------------------------------=OoOoO=---------------------------------------------------------- 

"This is gonna be the best day of my life!" kasi, April 1 ngayon. Ibig-sabihin Second Monthsary na namin ngayon! sana katulad nang sa panaginip ko yung nagyari.

"Sky!! Hintay!" Pamilyar ung boses na yun ... Ah! Si MIGS MY LOVE!!

Humarap ako sa kanya "Hi Migs." Tapos ngumiti ako.

"Umm... Sky, wag kang magagalit sa sasabihin ko," Napakamot siya sa batok niya.

"Ah sige oo! ano ba yun?" Baka gawin niya ung sa panaginip ko. kinikilig na ako!

"Um...I'm breaking up with you..." tumungo siya pagkatapos niyang magsalita.

OK! katulad ito sa panaginip ko.

" Ha?" Nilakihan ko ung mga mata ko  gay ang ginawa ko sa panaginip ko. Kapareho talaga ito!! 

"Sabi ko I'm breaking up with you. Hindi na kasi ako nasisiyahan sa relasyon natin. Kaya mabuti pang mag hiwalay na tayo...." bigla siyang tumigin sakin. "Sky, Sorry pero hindi na kita mahal. Kasi...."

"Kasi ano?" Wow ha, lalo pa ata niyang pina-drama. kinilig. lalo ako.  

 Tinignan niya ako sa mga mata "Kasi... May mahal na ako ng iba." 

Nabigla ako sa sinabi niya.... "Anong ibig mong sabihin?" parang hindi ata ito ung resultang inaabangan ko. 

" I do love you....pero dati pa yun. Sorry, pero, mas mahal ko siya kesa sayo." Bigla niyang pininatong ung kamay niya sa balikat ko. "Break na tayo." Tumalikod siya sakin at naglakad siya paalis. 

------------------------------------------------------------=OoOoO=----------------------------------------------------------

Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso kagad ako sa kwarto ko at pinakawalan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Humiga kagad ako sa kama ko at itinuoy ang pag iyak ko. 

"Oo nga.....nagkatotoo yung wish ko na sana mangyari yung sa panaginip ko... pero kabaliktaran yung resulta...." Napa pikit ako at lalo pang tumulo yung mga luha ko. 

" Ngayong April's fools day......Nagtagumpay siya.... He made a fool out of me." 

to be continued..........

INKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon