Chapter 03: Gift from Heaven

48 2 0
                                    

"NALILIGAW NA AKO!!"

"Hala, pano na to!? Ah teka, tatawagan ko na  lang si Anya". Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at sinimulang tawagan si Anya...

"Sorry, but you don't have the sufficient load to make a call. Your balance as of now is. P0.00 pesos. Please re-load immediately."

Wahhh!! Bakit pa ngayon sumusumpong ang sumpa ko sa kamalasan! Pano na ito! wala akong communication! Naku lagot baka nainip na kakahintay si Anya!!

-------------------------------------Oo>o<oO---------------------------------------

Anya's POV:

Umupo ako sa kama ko habang inip na inip na naghihintay kay Sky. Gusto ko na kasing matapos yung nakakainis na project sa MAPEH. 

"Nasan na ba kasi si Sky? Kanina pa wala yun ah... Matawagan nga." KInuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa table at humiga sa kama,  tinawagan  ko ang number ni Sky.

"The subscriber can not be reach, please try again later." 

Napa-facepalm ako, nasanan na ba kasi yung babaeng yun!? hay naku, hahanapin ko na nga lang siya siguro nandito na sa Subdivision yun...

------------------------------------------Oo>o<oO----------------------------------

Back to Sky...

"I'm all alone there's no one here beside me..." Ginaya ko yung kanta ni Donkey sa Shrek para pampalipas oras lang habang naglalakad ako at hinahanap ang bahay nina Anya. 

"Arrgh.... Ang sakin na ng paa ko. Bakit ba ang hina ko sa directions? Bakit ba ganun ha! Sumagot ka!" Nakatingin ako dun sa pusang dumaaan, mukhang natakot yung pusa sa sigaw ko at biglanag kumaripas ng takbo. 

"Hay naku........ Pati pusa takot na sakin. Siguro kamukha ko na ngayon si Fiona dahil depress na depress na ako kakahanaap ng Cake street no?" Nakatingin naman ako ngayon dun sa puno na na gumagalaw ang dahon dahil sa hangin. 

"hehe...Nababaliw na ata siguro ako." Napatingin ako dun sa isang dahon na nahulog galing sa puno. Sinundan ko ng tingin. At hanggang sa...Bingo! Nakakita ako ng bench na pwede kong upuan ng pansamantala. Umupo ako dun sa bench para ma-pahinga ko yung mga paa ko. Thank you po Lord at binigyan niyo po ako ng mauupuan sa gitna ng mga pinagdaan ko. Ipinikit ako ang mga mata ko para makarelax ng konti.

"Hay thank you po Lord, sala--!"

"ARAY! " Napahawa ako sa ulo ko nung may isang matigas na bagay na humapas dito. 

"Awww....Ang saket nun....huh?" May nakita akong box na nasa lapag, malamang ito yung humampas sa ulo ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumingin tingin sa paligid. Dinampot ko yung maliit na box at itinaas.

"HOY! KUNG SINO MAN ANG BUMATO NITO SAAKIN LUMABAS NA!" Sigaw ko. 

May nakita akong gumalaw banda dun sa mga halaman sa likuran ko. Hmm... Baka iyon yung taong bumato sakin ng box !  Dahan-dahan akong lumapit dun sa may halaman. Ok Sky kaya mo ito... Mag dahan-dahan ka lang. Alalahanin mo na  isa kang henyo kaya, kaya mo ito.  Kaya mo i--! 

"WAHH!!"

nadulas ako nung napa-apak ako dun sa putik. Napahiga ako  dun sa  putikan ,para tuloy akong baboy na nagtatampisaw sa napakaduming tubig na hinaluan ng lupa. Naku, puro putik na tuloy ako! tumingin ako sa paligid at nakita ko yung pusa na natakot saakin kanina. Malamang siya yung gumalaw sa likod ng mga halaman. Tumayo na ako mula sa putik pool na pinagtampisawan ko. Hawak ko parin yung box na ibinato sakin ng kung sino man. 

Bumalik na ako dun sa bench na kina-uupuan ko. Grabe naman sa  street na ito, wala manlang ka tao-tao ang tahimik pa nag lugar. Siguro mukha na akong pulibi dahil sa madumi kong damit. hay... Makapag pahinga nga muna. KInuha ko yung phone ko sa bulsa, buti na lang hindi siya nabasa. Nagpose ako ng peace sign sa kamay ko at nag picture ng whole body. 

"This is my OOTD! #PutikGirl." Sinave ko sa images ko yung picture kong mukhang taong putik. Atleast happy  ako. Nyahaha!

Napatingin ako dun sa box na nasa kamay ko, tapos inalog ko. Hmm,mukhanag may laman! mabuksan nga. Bubusan ko na dapat yung box pero may tuawag bigla sa pangalan ko. 

"SKY!??" Si Anya iyon! 

Napatingin ako sa direksyon kung saan ko narinig ang boses niya. 

"ANYA!" kinuha ko yung box at cellphone ko at tumakbo papunta sa kanya.

"SKY!" tumakbo din  siya papunta saakin. 

"ANYA!" 

"SKY!" 

"ANYA!" 

"HOY! TUMAHIMIK NGA KAYO! NAKAKAISTORBO KAYO NG TULOG! KUNG AYAW NIYONG MATULOG MAGPATULOG KAYO!" 

Napatahimik kami nun. Kaya tumakbo nalang ako ng mabilis papunta kay Anya. 

"OH!? Anong nagyari sayo?" Mukha kang taong pulubi! Ano bang nangyari?"  

" Well, Its a very long istorya kaya, pumunta muna tayo sa bahay niyo."

"OK." sagot ni Anya. 

To Be Continued:.....

Author's note: Salamat po sa lahat ng nagbabasa ng Story ko pong ito! Sa next chapter the magic Happens! So stay in tuned with Sky and her adventures! ^^ 

INKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon