Chapter 02: Naliligaw ako!

52 2 0
                                    

Three weeks na ang nakaraan simula ng break up namin ni Migs. Ung babae na tinutukoy niya na mas mahal niya? Isa siya sa mga "royalties" ng school. Kaya naman pala pinagpalit ako. And mga royalties ng school, sila yung mga taong tinatawag ng lahat na "Perfect Beings." 

"Sky, paki tulungan mo naman akong magbitbit ng gamit." sabi ng isang boses sa malapit sa kalayuan. 

"Ah, sige! susunod na ako," sagot ko habang binubuhay ko yung box na puro sapatos and laman.  Tinutulungan ko lang sina Anya mag lipat ng gamit  sa bagong bahay nila. 

Si Arianna "Anya" Alaharr, ay bestfriend ko simula noong grade 4 palang kami. She got the beauty and the brains! Brunnette na may mahabang buhok, mukhang kasing kinis ng porcelain, height na pang model at mabuting kalooban. yan ang katangian ni Anya. Dati, sinubukan siyang isali ng Campus Queen sa mga "Royalties" pero tumanggi siya dahil ayaw niyang maging isang bruha tulad nila. 

"Hay, sawakas! natapos na din." Nag-inat ako ng katawan ko pagkatapos ko ng magbuhat ng napakaraming box . 

"Sky, halika dito share tayo sa Halo-halo." pag-aya ni Anya. 

"Sure!" Alam mo naman tayo,  basta handang mag share ang friends sugod agad kagad! 

Umupo ako dun sa tabi ni Anya na naka-upo sa hagdan. Kinuha ko yung kutcharang binigay niya ta sinimulan nang kumain.

"So, kamusta na? naghilom na ba ang sugat na iniwan ni M-"

"WAG MONG ITU-TULOY ANG PAG BANGGIT SA PANGALANG YAN!" Sigaw ko sakanya.

"So, Hindi pa  nga naghihilom."

"Hindi naman kasi ganun kadali na limutin yung taong minahal mo, lalo na kung pinagpalit ka  dun sa mga "Royaltes" na yun. Ang hindi ko lang matanggap yung sa mismong monthsary pa  namin siya nakipag break.  Kung maikikipag break din cya,  sana sa ibang araw na lang! Diba Anya?"

"Oo nga!" sabay itinaas niya yung kutsara niya.

"Anya?" 

"Hmm? ano yun?"

"Nasan na yung halo-halo?" 

"Wala na naubos ko na! nag papaka-senti ka si dyan e,hinayaan na lang kita." 

"Nawalan na nga siya...naubusan pa ako ng halo-halo". T^T.....Malas na buhay ito! 

--------------------------------------------Oo>o<oO-----------------------------------------------

 *Ring* *Ring*

"Sino kaya yung tumatawag." kinuha ko yung celllphone ko at pinindot ang accept butto. 

"Hello? Sky?" sabi ni Anya.

"Hello, bakit ka pala napatawag?"

"I need your help this instance! naaalalamo ba yung project natin sa MAPEH, ung string art?"

'Ah oo naman! ako nga pinaka-unang natapos dun. So what's the problem?" Hay naku ito nanaman cya. Pustahan magpapaturo ito.

"Pwede bang paturo...Nagkabuhol-buhol na kasi yung gawa ko. Ayun, ginupit ko tapos inulit ko ulit, pero ganun parin ang resulta, kaya nagde-sisyon na akong manghingi ng tulong.." 

"No problem! dadating dyan ang henyong si Sky Arjona para tulungan ka!" yan ang impluwensya sakin ni Hanamichi Sakuragi. Feeling henyo na din tuloy ako.. nyahhaaha! 

"Ok sige ha! bilisan mo!" 

Pinatay ko na yung tawag niya at nagsimulang magbihis....Ligo? kaylangan pa ba nun? hay naku..nakakatamad e.. KInuha ko yung pabango ko at ini-spray na lang sabuong katawan ko. tapos inamoy ko ang sarili ko...hmmmm!.... Amoy bagong ligo! Ok na ito!

"Ma! aalis muna ako,  tutulungan ko lang si Anya sa project namin sa MAPEH." sigaw ko habang tinatali ang buhok ko into a pony tail.

"Sige anak! wag ka lang papagabi ha!" Sigaw ni mama. 

"Opo!"  sagot ko.

Paglabas ko ng bahay, sumakay agad ako ng tricycle papunta sa Mondefarro Subdivision. Dun nakatira ngayon si Anya. Para-ngang maze ang subdivision nila dahil sa sobbrang laki nito. 

"Salamat po." nagbayad na ako dun sa tricycle drive. 

"Hmmmp!" sabi ng driver at tinaasan pa ako ng kilay tapso umalis na. Wow! taray ni ateng! nyahaha!

Naglakad na ako papasok ng gate, una kumaliwa ako tapso dumiretso tapos...? Ano nga ba sunod? Tumingin ako sa kaliwa.....tapos sa kanan.........San nga  ulit ang daan? May nakita akong lola na nagwawalis ng kalsada. Ayun! may pagtatanungan ana ako! 

"Lola, san po ba ang daan papuntang Cake street?" 

"ahhh.....iha,dun ka dumaan sa kaliwa... dun ang papuntang cake street."

"Salamat po!" 

Sinunod ko yung sinabi ng lola saakin, kumaliwa ako tapos kumanan the kaliwa tapos..!? Huh!? Chocolate Street ito e! naku mali ata yung pagkakarinig  ng lola sa sinabi ko! Naku, kaylangan kong bumalik! Bumalik ako dun sa pinanggalingan ko tapos kung saan saan na  ako dumaan.

"Nasan na kaya ako?" Umiling-iling ako. Nakita ko yung poste na nakalagay kung anong street... Ang street na ito ay....nasa Jelly Street na ako.. Hala! sa tingin ko...

"NALILIGAW NA AKO!!!"

to be continued....... 

INKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon