--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hey guys...Sana magustuhan nyo to...
Kung hindi man, ayos lang...
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Zy's POV
Today's the BIG DAY!
Hindi po ako excited...Sa totoo lang, kinakabahan...
Paano naman kasi-
"Zy!"sigaw ng isa mula sa likod...Agad ko namang nilingon at kinilabutan ako sa nakita ko...
Nakita ko lang naman si Ivan na tumatakbo papalapit sa akin...Tila ba at slow motion ang nagaganap at habang tumatagal, nasusuka na ako sa nakikita ko...Tumatakbo si Ivan na nakagown habang ngumingiti...Yung para bang nakalimutan nyang nakasuot sya ng pambabae ngayon...Pero aaminin ko, bagay sa kanya...Pfft!
Nung malapit na sya sa akin ay sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap kasabay ng pagbagsak ko sa napakalamig na sahig...
"Wow Zy! Ang cute mo~"sabi sa akin ni Ivan habang ngumingiti...At kung inaakala nyang gusto ko ang narinig ko, nagkakamali sya...Isa sa mga ayaw kong naririnig ay yung sinasabihan akong cute! Dapat, MAGANDA! Tama! Yun yung right word!
"Salamat"sabi ko sa kanya kahit ayaw kong sabihin yun..."Ikaw rin, ang ganda ganda mo dyan sa suot mo!"sabi ko at mukhang sobrang laki ng epekto nung sinabi ko sa kanya...Ang itsura nya kasi ngayon ay yung parang tinamaan ng maraming pana ng sabay sabay...Mukhang ayaw nya na sinasabihan syang maganda...haha...Kung sabagay, lalake sya eh...Dapat, gwapo...Pero sa suot nya ngayon, bagay sa kanya na sabihan syang maganda...Kung hindi ko lang talaga alam na lalake sya, pagkakamalan ko talaga syang babae eh...At kung lalake siguro ako, naging crush ko na sya...
"Oo nga Ivan, bagay sa 'yo...Kahit ilang beses ka pa man magsuot ng ganyan, hindi ako magsasawang tingnan ka..."ang narinig namin mula sa likod ko...
"Sinong nagsalita, e mas bagay yang iyo kung ikukumpara mo sa akin....J-James"sagot naman ni Ivan at tumawa pa talaga sa bandang dulo...
Tiningnan ko naman kung ano ba talaga ang suot ni James...
.
.
.
.
Waah! Ang cute nya!
Pero di ko pwedeng sabihin yun...Paniguradong magagalit yun~
So isa pala sya sa mga katulong ko...sa play
"Ano pa ba ang ginagawa nyo dyan? Malapit na magsimula yung play..." sabi na lang ni James at hindi na pinatulan pa si Ivan...
So bakit nga ba ako kinakabahan? Dahil lamang-
"Guys! Galingan nyo ah! Alam kong kayang kaya nyo yan!"ang sabi ni ma'am na pinalalakas ang loob namin...Pero kahit ilang beses pa nya yun sabihin sa akin, nag-aalala pa rin ako...
Paano namna kasi, WALA KAMING PRACTICE na magkakasama!!! Mi hindi nga namin alam kung sino si sino...Binigay na lang sa amin yung lines namin at yun na! Wala mang practice na kasama ang lahat...Hindi naman daw kasi mapilit ang iba dahil may kanya kanya daw na lakad...
Ang alam ko lang ay ako ang Juliet at si Ivan si Rosaline - ang First Love ni Romeo...Yung dapat na Romeo naman ay may stage fright daw kaya binigay na lang sa iba yung role na iyon =_= at dahil daw yung lalakeng yun ay may experience na sa pag aarte, pinaubaya na sa kanya ang role na Romeo...
BINABASA MO ANG
First Love Academy
RomanceDito sa First Love Academy ko sya unang nakilala Ang First Love ko