--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hey guys! Pasensya po kung ngayon lang ako nakapag update...
Di rin po ako ganun kasigurado kung maganda tong ginawa ko sa chapter na to...
Kasi naman eh...Simula nung nawala yung ibang chapter na ginawa ko sa ibang storya ko, nawalan ako ng gana na mag update...
Pero eto nga po ako...Nag-update ulit ako...
Pagpasensyahan kung hindi magustuhan~
Anyway, salamat na lang po sa mga nagbabasa at naghintay para dito...
Pasensya na rin kung madidisappoint kayo o ano man...
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Zy's POV
Lumipas din ang ilang linggo at nasanay na rin ako sa kakulitan ng apat(Ivan, James, Terrence, at Joshua)...Sa tingin ko naman ay kaya ko nang balewaliin ang mga walang kwenta nilang pag-aaway...Puro walang kwenta lang naman kasi talag...
Atsaka, ano man ang gawin nila ay walang mawawala sa akin...Hindi ako madadamay...
.
.
.
or so I thought...
"So class, may gagawin tayong play...May suggestions ba kayo? Kailangan manalo ang class natin! Nakasalalay dito ang sweldo ko!"sabi ni ma'am na parang sobrang excited para sa magiging play namin...
Nalaman ko na may prize daw na matatanggap ang mananalong section...
Sabi pa nga, may dagdag-sweldo daw para sa adviser nung mananalong section...Kaya naman excited si ma'am para dito...
Syempre, may prize din para sa mga estudyante....Ang manalo daw na section ay makakakain ng libre sa canteen for 1 month! kaya excited din ang mga kaklase ko...
"Ma'am try natin ang sleeping beauty!"
"Di ma'am! Dapat Romeo & Juliet!"
"Ma'am! Mas maganda kung ang gagawin natin ay Cinderella!"
"Wag ma'am! Mas maganda kung self-made na storya! Para may point na kaagad tayo sa originality!"
At kung ano ano pang suggestions ang binigay nila...
In the end, mas nagustuhan ni ma'am yung Romeo & Juliet...Hindi naman ako against dun...Ang problema ko lang naman ay-
"So sino ang aarte sa atin bilang Juliet?"tanong ni ma'am...
"Ma'am!"sabay sabay na sinabi nina Ivan, James, Terrence, at Joshua na may matching pag tayo pa at pagpalo dun sa table na parang nagproprotesta...
Sinasabi ko na nga ba eh...
"AYOKO!!!"sabi ko na pinangunahan na sila...
.
.
.
.
.
.
(few minutes later)
"So ang aarte bilang Juliet ay si Zyrill!"sabi ni ma'am sabay palakpak ng mga kaklase ko at may nalalaman pang; "yehey! yehey!"
BINABASA MO ANG
First Love Academy
RomantizmDito sa First Love Academy ko sya unang nakilala Ang First Love ko