Prologue

37 4 1
                                    

‘Maaninag ang kasiyahan sa lahat ng taong nakapaligid sa pasilyong puno ng bulaklak.’

‘Umaalingawngaw sa buong lugar ang musika ng pag-ibig na umaantig sa damdamin ng mga saksi sa pag-iibigan ng dalawang tao na hinubog ng panahon upang maging matatag ang pagsasamahan.’

‘At sa lahat ng babaeng naroroon ay may namumukod-tanging kagandahan.’

‘Isang babaeng may dalang bungkos ng rosas at may mahabang kasuotan tulad ng isang prinsesa ng isang kaharian.’

‘At higit sa lahat ay taglay niyang ang pinakamagandang ngiti dahil sa araw na iyon ay magiging isa na sila ng taong mahal niya.’

“ITIGIL ANG KASAL!”

Umaalingawngaw sa buong simbahan ang boses ng isang babaeng hindi kilala ng lahat.

Dinig ang bulong-bulungan ng mga tao habang naglalakad ang babaeng nakaitim na belo papunta sa altar kung saan gulat na gulat ang bride at groom.

“S-sino k-ka?! A-anong ibig s-sabihin n-nito?!” histerikal na sumisigaw ang bride dahil sa hindi inaasahang pagdating ng babae.

“AKO. ANG. MAHAL. NG. MAPAPANGASAWA. MO.” Sambit ng misteryosang babae sa bride habang ini-emphasize ang bawat salita.

Tikom ang bibig ng lahat. Mawawari sa kanilang mukha ang pagkagulo dahil sa mga nangyayari.

“Anong pinagsasasabi mo?! Hindi kita mahal! Hindi kita kilala!!” sigaw ng groom.

“ANO?! Pero may anak tayo! Kaya paanong hindi ako ang mahal mo?” pa-iyak na sabi ng misteryosang babae.

“Anak? L-luis, paanong nagawa mo ito sa akin?! AT SA KANYA?!,” tinuro niya ang babae, “Kaya ka lang ba magpapakasal sa akin para takasan ang responsibilidad mo sa kanya?!”

“Hindi totoo ang sinasabi niya! VIRGIN pa nga ako eh!”

Halos natawa ang lahat ng bisita sa ginawang pag-amin ng groom.

“Paano ka nakakapagsinungaling ng ganyan?! Tandang-tanda ko pa ang gabing iyon, hab-” tinakpan ng groom ang bibig ng babae habang hawak niya ang isang kamay nito.

Hindi na kinaya pa ng bride na marinig ang lahat-lahat kaya tumakbo siya. Palayo sa simbahan at palayo sa masayang-buhay may asawa.

“Serves her right.” Bulong ng isang lalaking pinapanuod ang pagkamiserable ng bride.

Nang nawala naman sa paningin ng lahat ang bride ay hinigpitan ng groom ang hawak sa babae sumira ng kaligayahan niya. 

“Humanda ka sa AKIN!!!” galit na sabi ng groom.

Ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na pangyayari… Kinagat ng misteryosang babae ang kamay niya dahilan upang mabitawan niya ang pagkakahawak dito.

“Kailangan ko nang umalis! Tapos na ang misyon ko dito!” sigaw ng babae habang tumatakbo palayo sa simbahan at palayo sa taong sinira niya ang kaligayahan.

Nang makalayo na ay tumunog ang kanyang cellphone kaya agad niyang sinagot ito.

“Good job, Patrisse… Not bad for your start”

“S-start?” tanong niya sa babae sa kabilang linya.

“Yeah… Big Boss is offering you ten thousand pesos for every wedding you’ll ruin”

“Ten thousand pesos!”

‘Tempting offer…’Hindi na masama para sa isang magandang mahirap na katulad niya. 

“Take it or leave it, Patrisse.”

Hindi niya maaring palampasin ang ganoong kagandang oportunidad sa buhay niya kaya…

“I’ll gratefully take it, MA’AM!”

>>>>This day, March 17, 2014, Patrisse Czarina Pelaez is officially the WEDDING STOPPER. So beware brides and grooms… because you’ll never know when she will come…<<<<

The Wedding Stopper *ON HOLD* (mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon