●Chapter 3●

5 1 0
                                    

Chapter 3

****

Nandito ako ngayon sa sulok at pinagmamasdan ang pagdagsa ng mga tao sa isang napakalaking simbahan. Ang daming bisita ng ikakasal. Paano kapag hindi ako nagtagumpay ngayon. Paano ang isang daang libong nagaabang?! Sayang! Kaya dapat ibigay ko na ang best ko dito.

Last na ito.

Suot ko ngayon ang isang simpleng black dress na may diamond strap. Nakakulot ang buhok ko at ang mahal ng gastos ko dahil dito. Tss. Dapat daw kasi ay magmukha ako sophisticated, sabi ni Bianca. Kaya naman napagastos tuloy ako para lang mag-standout ang beauty ko sa kasal na ito.

‘BOOM SHAKA LAKA SHAKA LAKA SHAKA LAKA’

Anak ng tokwang ringtone toh! Iskandalosa… wagas kung magpapansin. Buti na lang at busy-busyhan ang lahat kaya hindi pansin ang maganda kong ringtone…

“Hello… Miss Bianca?”

“Nasaan ka na ba? I keep looking on you everywhere.”

“Uhmm… nasa may stall po ako ng fishball… naghihintay ng timing… hehe”

“What?! Baka naman mangamoy ka dyan… papunta na ako diyan… Nakikita na kita”

Pinatay ko na yung phone ko nung nakalapit na siya sa akin. Hinatak niya ako sa isang black na van. Anubeyan! Para naman akong kikidnapin nito. Kakawapoise!

“I need to tell you some things before you go there”

Tumango lang ako.

“First of all… You need to stop this wedding successfully”

“Kailan ba ako pumalya?!”

“Kasi… may mga conflicts tulad ng-”

“Walang conflict-conflict sa akin! Yaka ko yan….”

“Tss… Ikaw ang bahala… Pero may isang bagay pa akong sasabihin.”

“Ano yun?” Ang lakas maka-suspense nitong si Miss Bianca!

“The wedding that you’ll stop is Big Boss’ Wedding”

“Asdfghkl! Y-yung pasimuno ni-nitong k-kabaliwan na toh?!” Ano bang klaseng lalaki yung Big Boss na iyon?!

“Baliw na talaga siya nuh… Eh bakit naman kailangan niya pa ako eh pwede namang umurong na lang siya basta di ba?”

“He can’t… Kaya kailangan ka niya… Just do your job, Patrisse.”

Bigla naman tuloy akong kinabahan… Ano ba ang nasa isip ng lalaki na yun at pati kasal niya gusto niyang sirain? Hobby na ba talaga niya ang manira ng buhay at pati yung sa kanya at sa mapapangasawa niya ay guguluhin niya?

Pero wala akong choice kundi ituloy ang kasal na ito. This is my job. At ito na ang huling gagawin ko ang nakakatawang bagay na ito.

Naglakad ako ng taas noo papunta sa bukas na pinto sa simbahan. Hindi ko alam ang mangyayari ngayon… tulad ng mga nauna, handa ako sa kahit anong pwedeng mangayari. Pero anuman iyon, iisa lang ang magiging ending ng kasal na ito. At iyon ay WALA. Matitigil ang kasal na ito anuman ang mangyari sa loob ng simbahan.

Afterall, what happens in the wedding stays there. Kaya pagkatapos nito ay magmomove-on na ako…

Dinig ko ang pagsasalita ng padre ng mga katagang ayaw ko nang marinig pa hangga’t hindi ko pa kasal… Mga katagang magiging mitsa ng pagkasira ng kasal na ito.

“ITIGIL ANG KASAL!!!” Haay… ngayon ko lang napagtanto na nakakasawa na palang sabihin iyon.

Gulat ang lahat ng tao. Sa lakas ba naman ng sabi ko ay walang hindi mapapatingin. Pero seryoso, ang sakit sa lalamunan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wedding Stopper *ON HOLD* (mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon