~0~ Chapter 1 ~0~

19 2 0
                                    

A/N: Hmmm... Gawa lang po ako ng gawa kahit walang nagbabasa... haha! Kanya-kanyang TRIP lang....

~~0~~

‘BOOM SHAKA LAKA SHAKA LAKA SHAKA LAKA!’

‘BOOM SHAKA LAKA SHAKA LAKA SHAKA LAKA!’

“WAHHHH! Sino ba ang tumatawag ng dis oras ng madaling araw!?!?!”

‘BOOM SHAKA LAKA SHAKA LAKA SHAKA LAKA!’

“Huminto ka na, please…”

BOOM SHAKA LAKA SHAKA LAKA SHAKA LAKA!’

“Ayaw kong bumangon!”

BOOM SHAKA LAKA SHAKA LAKA SHAKA LAKA!’

“MALOWBAT KA NA IPHONE 4s!!!”

BOOM SHAKA LAKA SHAKA LAKA SHAKA LAKA!’

“WAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!”

“HOY! Lukaret na babaeng kumakausap sa cellphone! Pwede bang wag kang istorbo!” sigaw ng kapitbahay ni Patrisse Czarina Pelaez. Ang hindi kasikatan ngunit sobra sa kagandahan na WEDDING STOPPER ng bayan.

Ipinanaganak sa babuyan ng kanyang ina dahil sa sobrang kahirapan at itinapon naman sa tae ng kalabaw na kanyang ama dahil sa sobrang kalasingan. Lumaki siya bilang isang gusgusing batang babae na nangii-snatch ng cellphone at alahas sa may simbahan.

At dahil hindi niya na nakilala ang mga magulang niya ay pinilit niyang mabuhay ng mag-isa. Nagtrabaho siya para sa sarili niya at nang nagdalaga na siya ay nagkaroon na rin siya ng sapat na pera para umupa ng isang CONDO.

Tama. Ang ating bida ay mas sosyal pa keysa sa author na ito na sa barong-barang lang nakatira, dahil siya ay nakatira sa isang marangyang CONDO sa isang iskwaters area sa Manila.

‘BOOM SHAKA LAKA SHAKA LAKA SHAKA LAKA!’

“Asdfghjkl!!! BABANGON NA!”

Nakabusangot siya na tumayo sa kanyang malambot na kama at papikit-pikit pang naglakad papunta sa kanyang IPHONE 4s para sagutin ang tawag niya.

“WHO IS THIS BULLFROG WHO IS CALLING ME IN THIS EARLY FREAKING MORNING?!”

“First of all, Englisherang taga-iskwaters area, I’m not a bullfrog and secondly, it’s not early in the morning because it’s FREAKING ten o’ clock am now!”

“Miss Bianca?” nahihiyang sabi ni Patrisse, “Sorry po… Akala ko po kasi manliligaw ko na naman eh…”

“Tss. Ang yabang mo ha! O sya, it’s perfectly fine… Pero you have another mission.”

“TALAGA?!” hyper na tanong niya… Malungkot kasi siya dahil wala siyang kasal na nasira nitong mga nakalipas na linggo. At ang ibig sabihin noon ay ‘No Wedding. No Money.’

“Oo… Be ready dahil mamaya na iyon”

“Ha?! Eh wala na ako time maghanap ng susuotin!”

“Don’t worry… Parating na iyong mga kailangan mo. I’ll just call after the wedding.” She hanged up.

-Ding Dong-

‘Tss. Tawag ng umagang-umaga tapos bisita rin?!’ sabi ni Patrisse sa isip niya

Nakangiti niya binuksan ang pinto ng CONDO niya. 

“Anong maipaglilingkod ko sa inyo?”

Napatanga naman ang LBC man na nangistorbo sa kanya. Malamang ay na love-at-first-sight na naman ito sa kanya katulad ng iba pa.

The Wedding Stopper *ON HOLD* (mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon