~0~ Chapter 2 ~0~

12 2 0
                                    

Isa-isa na ring umaalis ang mga bisita at umalis na yung bride. Pero ako? Nandito pa rin sa simbahan at hawak ng desperadong groom na ito. Huhu! Help!

“Ikaw!” sabi niya… Papatayin niya ba ako? Sasampalin? “Mayaman ka ba?”

“Ha?!”

“Ang sabi ko, mayaman ka ba?”

“Hindi nuh! Kaya pwede ba paalisin mo na ako!”

“No. You ruined my wedding MS. EWAN.”

“I have a name MR… mr…” MR. GWAPO?

“What?”

“Tss… Wala!”

Tahimik…

One minute…

Two minutes…

Five minutes…

Six minutes…

WAHHH! Gusto ko nang umalis! Bitawan mo na ako! Huhu…

*sob*

“Bakit ka naman umiiyak, aber?”

*sob*

“Hoy, EWAN! Anong iniiyak-iyak mo diyan?!”

“I-iniwan ko yung… WAAHHH!”

“Anong iniwan mo?”

*sob*

“Y-yung… WAAHHH!!!”

“PWEDE BA MAGSALITA KA NG MAAYOS!”

“Yung k-kapatid ko… wa-wala… k-kasi s-siyang pang-gatas k-kaya ko n-nagawa to…”

“Akala mo mahuhuthutan mo ako ng pera… Haay… Oh!”

Binitawan niya ang kamay sabay abot sa akin ng 500 pesos. WAHEHEHE! Galing kong umarte… Talo ko pa si Marian Rivera nito eh… REAL life actress ako!

“Huwag ka nang magpapakita sa akin… ALIS NA!”

HALA! Baka naman magpakamatay itong mokong na ito dito! What to do?!

“Pwede ba… Huwag mo na akong titigan… At baka ikaw pa ang pakasalan ko diyan!”

O///O

Sabi ko na nga ba eh! May tama ito sa akin kaya hindi mukhang miserable ngayon! PSHH… Buti nga at nilayasan ng bride!

****

“One… Two… Three… Four… Five thousand… two hundred fifty… EIGHT?!”

WAAHHH!!! Bakit ito na lang ang sukli sa akin ng sales lady! Magkano ba itong mga pinamili ko?! Ang tanga ko talaga!

Psshh… Kaartehan naman kasi ni Miss Bianca eh… Kailangan branded pa yung mga susuotin ko palagi… Paano na ang pangrenta ko? Pangbayad ng tubig, kuryente at ng pagkain?! WAAHH!!! Magko-construction na naman ba ako?! NoOOO!!!

“Don’t touch me! Don’t you dare! Ako ang may-ari ng MALL na ito! So back-off!”

Ay! May iskandalosang bratinella ang nagwawala sa mall… Uso ba yun?

Silip… silip…

O_O

SI LORRAINE GRACE MANTES!!??!!!

PATAY!!!

Isang salita na masasabi ko sa kanya ngayon. NAKAKA-AWA… 

Sumasakit ang puso ko… Ginawa ko sa kanya ito… Ako lang at wala ng iba… Ganoon din ba ang nararamdaman nung mga iba? Sinira ko ang buhay nila! Ang galing ko!

The Wedding Stopper *ON HOLD* (mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon