Prologue

612 22 6
                                    

Prologue

- Ace -

"Pards, Ace .. Gising na."

Uminat ako ng kaunti sabay sabing "Inaantok pa akooo."

Napabuntong hininga siya. "Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Bestfriend mo na tong nangigising sa iyo. Sumuko na si Tita My sa iyo."

"Pake mo ba eh inaantok pa nga ako." Sabi ko habang nakapikit.

"Alam mo bang isang oras ka ng late sa school?"

"Lul. Palusot mo dude" Nagkunwari akong humilik para di na niya ako istorbohin. Ang sarap kasi ng higa ko eh. Ang lambot ng kama, sasamantalahin ko muna.

"Ah. Ayaw mo ha." Bulong niya. Nagpatuloy pa rin ako sa paghihilik ng ..

"NENA! NENA!" SBay yugyog sa paa ko."NENA GISING NA! ANG KASEROLAA! ANG SINAING NENA! NE-NUUUUUH. Ah .. Araaay." Mukhang tinamaan ko ang ano niya .. eh nasa paanan ko siya at tinawag pa niya ang bwisit kong nickname.

"Maverick Legaspi, patayin mo na ako't lahat, wag mo lang sabihin ang pangalan na yan."

Sinikap niyang tumayo at nagsalita. "A-Ayan .. buti't gumising ka na. Kaya gumayak ka na ha. " Yun lang ang sinabi niya at umalis na sa kwarto ko.

Oy. Di niyo nga pala ako kilala no? Well ako nga pala si Anastacia Villarama Suarez, or Ace for short. Cool no? Wag niyong iconsider ang 'N' name na sinigaw ni Mavy kanina. Kukutusan ko iyun eh. Ako po ay fifteen years old at nag aaral sa AWCA or simply, Academy Without a Cool Acronym. XD de Joke. Clarisse Washington Academy lang naman. Fourth Year student at kasalukuyang naghihingalo sa physics. Honestly, wala akong kapatid kaya naman ang laki ng pasasalamat ko kay Mavy dahil siya na ang kambal ko simula pa noon. Pwede nang young father ko. Aish. Maikwento ko na nga.

Separated kasi ang family ko. I grew up with my mom and my Lola Mel. They said that my dad is sumakabilang bahay na since after ng first birthday ko. Well hindi pa confirmed yung 'Sumakabilang Bahay' na kasi nobody knows kung nasaan siya. Di rin alam ni mama, at wala na kaming balak alamin. Iniwanan niya si Mama sa ere na kailangan ko ng ama at asawa ni mama. Simula nung kinuwento niya sa akin yon, namuo na ang galit ko sa kanya. Kasi kahit wala pa ako sa isip non, alam kong itinakwil niya ako. Kasi kung iniwanan niya kami, malamang ginamit lang niya si mama para lang magkaron ng pabigat sa buhay. Sari saring kwento ng galit. Kaya ayokong nakukwento to eh! Kasi naman tong si Mavy tinawag ako na Nena.

*School*

"Ahm Ne-"

"Maverick."

"Ah eh , sorry naman! Ang cute naman kasi ng pangalan mo eh. Bakit ba ayaw mo non?" Napakamot siya ng ulo. Sabihin na nating three times a week niya kung sabihin ang N-name na iyon sa akin.

"Pang one millionth time mo nang tinatanong yan. Isa lang naman ang sasabihin ko. Secret, long story, wala kang mapupulot."

"Ganyan ka naman eh. Ace, sa tagal ng pagsasama natin. Ang simpleng nakaraan mo lang di mo na maikwento? Masikreto naman akong tao ah." Aba nangonginsensiya tong si Mavy sa akin. Ilang years na ba kaming magkaibigan? Seven.

"Sabagay .." Sabi ko at tumingin sa oras, "Maaga pa naman pala eh. Sige ikukwento ko sa yo." Pumunta kami sa garden at umupo sa may bench.

"Gora na pards." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim. "Okay. Kasi ganito yon .. Nung bata pa daw ako, iniisipan nila ako ng nickname na kakaiba. Ang haba kasi ng pangalan ko eh, ang kumplikado pa. Ang sabi ni lola, Nana daw. Talagang unique pero kadiri naman pag naparinggan ng iba. Umapela daw si daddy, para daw sosyal Nena daw tawag. Simula non Nena na ang tawag sa akin. Mostly talaga si daddy ang tumatawag sa akin nun. Kaya nung iniwanan ako nung first birthday ko, dun na nagbago ang lahat. Inabandona na ni mama ang pangalan na 'yon at Ace na daw ang pangalan ko. Minsan din kasi si Lola tinatawag pa akong Nena, dun mo nga narinig yun eh."

Napabungisngis si Mavy. "Pasensiya na pards, bat di mo sinabi na may koneksyon to sa tatay mo? Ikaw nga nagpromise na hindi mo babanggitin ni-anino niya eh."

"Kailangan ko naman din kasi magmature pards, tinaga ko yan sa bato almost half of my life. Kailangan ko naman ng change. Yung change na kaya ko maging independent na wala siya. Yung mapapatunayan kong hindi ko siya kailangan gaya ng pagtaboy niya sa akin. Para handa ako paghumarap siya sa akin one day."

"So parang sinasabi mo na rin na gusto mo siyang makita?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Oo nga no.

"Ay- haha hinde no. Baka lang naman, kahit alam kong hindi na niya ako babalikan. "

"Sus pards." Tinapik niya ang balikat ko. "Alam mo pards, part pa rin siya ng family niyo. Tatay mo pa rin siya, pagbaliktarin mo man ang langit at lupa, or pumunta ka pa sa Pluto, siya pa rin ang tatay mo. Kung wala siya, wala ka ngayon. At hindi mo pwedeng ipagkait yon dahil ang dugong dumadaloy sa iyo, mula sa tatay mo. Kaya kahit pinagtabuyan mo pa siya, kuhanin mo rin siya g tanggapin. Maraming naghahangad na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. Kahit hindi aminin sa iyo ni tita my at ni lola, gusto pa rin nilang bumalik ang tatay mo. At ikaw, may one percent diyan sa puso mo na gusto mo rin siyang bumalik."

Pumalakpak ako .. "Grabe pards." Sabi ko habang nagaacting na may pinupunasan akong luha. "Words of Wisdom."

Tinulak niya ako, pero hindi naman ako nalaglag sa inuupan namin. "Pards, seryosohin mo kasi tong sinasabi ko. Para naman din kasi sa iyo ito eh."

"Oh chill chill." Sakto naman nagbell na. Sabay na kaming pumasok sa gym dahil may assembly for the new semester.

'At ikaw, may one percent diyan sa puso mo na gusto mo rin siyang bumalik.'

Princess Ace.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon