3.

122 13 1
                                    

Princess Ace #3 : November 14

-Nash-

Chemistry class today. Nasa science lab ako at wala sa mga kaibigan ko ang nandito.

Ibabalik ko ba o hindi?

Babasahin ko o hindi?

Sabihin na nating, ITO NA ANG KASAGUTAN SA AKING MGA TANONG!, Pero bakit hindi ko matanggap?

"Mr. Aguas!" Sabi ng chem teacher namin.

"Ay, yes po?" Muntik nang matapon ang solution na hawak ko.

"I love the color of your solution, keep up the good work." Phew. Akala ko naman kung ano iyon, kung makasigaw naman kasi.

*Kriiiiiiiinnnnngggg*

Uwian na at naglabasan na ang mga kaklase ko, habang ako . nakatitig sa diary ni Ace.

Ibabalik ko ba o hindi?

Babasahin ko ba o hindi?

"AGUAS!" I know that voice, saktong naipalipad ko ang diary niya at saktong na-shoot sa bag.

"AISH! Ano ba ginagawa mo ditong pagong ka?" One thing's first, nakakairita ang boses niya. Sapat pa ba itong matawag na 'Mahal na princesa'? 'Your Highness'? EW.

"May nakita ka bang notebook diyan? Sort of, diary?" Naiba ang tono ng boses niya, kalmadong kalmado.

Hinahanap na niya ang diary, Patay kang Aguas ka.

"Diary? Ikaw? Nagdidiary? Aba matinde!"

"Seryoso ako Aguas." Tumingin na siya ng masama sa akin.

"Wala po pagong," Sabay sukbit ng bag ko "Alis na ako ha, ikaw na magsara ng lab kung maghahanap ka pa."

********************************************

"June 9, 2008

Dear Diary,

Hindi ko alam kung bakit magsasaya ako o hindi kasi pasukan na naman. Grabe ke-bata bata ko pa, specifically Grade 5 student palang ako, but I'm acting like a 15 year old teenager. Bukas facebook, twitter, snapchat. Ni hindi ko nga alam kung sino ang mga nakakausap ko eh kasi yung mga classmates ko, hanggang friendster lang.

Honestly, I hate first days ..

Why?

reason # 1. NEW CLASSMATES. - Hindi ko naging kaklase si Mavy ngayon, which is siya lang ang pinakaclose ko sa buong batch namin, out of 150 students ng Grade 5, isa lang ang kaibigan ko. Ang saya no? T.T

Well I think I should level up myself, makipagkaibigan kaya ako sa mga kaklase ko. I scanned the whole room, ahm .. meron ba?

Is your name Anastacia? May nagsalita sa likod ko.

Lumingon naman ang uto-uto. Bumungad sa akin ang mala-Zac Efron na mukha. Ito ba ang Philippine Version nito?

Uhm .. Hey Kinawayan niya ako. Natulala ba ako?

Oh .. ahm .. Yes .. I am ..

Okay, our teacher said that my seatmate's name is Anastacia.

Natahimik ako. Lumingon ako sa bakanteng upuan sa kanan ko.

Mind if I seat?

Oh sure .. sure .. sure ..

Umupo na siya, o em je .. ang bango teka teka papunta sa akin ang amoy, ang bango talaga staaahp staaahp.

Oh by the way .. I'm Francis ..

He lend his hand on me. Nice to meet you Francis .. then we shaked our hands .."

"PWEEEEEE! ANG LAKAS NG ASIM NI ACE GRABE NAMAN GRADE 5 PA LANG!" Kadiri mga pards. Akalain mo yon , Grade 5 palang! Jusmeyo ..

Inii-scan ko yung ibang page. Aba puro Francis ang laman .. Napahinto ako sa isang page ..

" November 14,2009

Dear Diary,

This is so creepy, tong araw na 'to .. nakakakilabot. Isa to sa pinaka-ayaw kong date sa isang taon eh, hindi ko alam .. bakit ba kasi na-exist ang tatay ko? Sabagay .. wala naman ako kung wala siya ..

Bakit ba niya ako iniwan? Kami ni mama? Hindi ba niya kayang magtaguyod ng pamilya? Eh bakit inasawahan niya nanay ko? Iniwan niya kaming umaasang babalik siya. Hanggang ngayon kami'y umaasa pa rin. Kahit na sukdulan ang galit ko, walang katapusang inis, gusto pa rin kita mahagkan, Ama.

Nasaan ka na nga ba Itay? Ikaw ba'y makikita ko pa? Ang araw na ito ang dahilan kung bakit ka nabubuhay .. at taon taon nagsasaya kasama namin ni mama .. ngunit nasaan ka na? Babalik ka pa ba? Hindi ko alam kung ano ang itsura mo. Basta ikaw ang tatay ko, at mahal na mahal kita.

Happy Birthday 'Tay."

Napaisip ako sa date na to .. November 14 ..? Parang pamilyar sa akin ang date na to .. Hindi kaya ..

Tama kaya ang aking hula?

.

.

.

.

.

.

OO NGA!

********************************************

-Ace-

"AADODNXDODMEODORCOEKX NASAAN BA YUNG DIARY KOOOOOOOOOOO." Kanina pa ako nagmamaktol dahil hanggang ngayon, Hindi ko pa rin makita ang diary ko, nasusura na ako! Sa lahat ba naman ng pwedeng kuhanin iyon pa!

"Nako, baka tinago lang ni Tita (Mommy ni Ace) yon sa bahay niyo." Pakalmang sinabi sa akin nk Mavy, maging siya ay hindi rin mapakali sa pagkawala ng diary ko.

"Paano mapupunta sa kanya yon? Alam natin lahat na walang sinuman ang pwedeng gumalaw at magnakaw ng gamit ko."

"Ayan din kase, bakit ba dinadala mo dito sa school , alam mo namang mas delikado pag dito hindi ba?"

Bago pa man ako sumagot, nakaramdam ako ng sakit sa braso ko at parang hinihila ako palayo kay Mavy. Naglalakad na pala ako ng paatras. Ay mali, kinakaladkad na ako.

"Hoy! Saan mo dadalin si Ace!"

Walang sumagot sa kanya. Di ko naman siya makilala kasi nakabonet yung likod. Ayaw niyang humarap! Teka malala na 'to ah. Sinusubukan kong tanggalin yung pagkakahawak niya sa braso ko pero ayaw eh. Ang higpit masyado.

Tumakbo siya. Syempre napatakbo rin ako. Sinusundan kami ni Mavy. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Napadpad kami sa isang madilim na hallway, sa wakas huminto na rin siya. At hinarap ako, nakayuko.

"Sino ka ba?" Tanong ko.

Princess Ace.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon