1.

421 18 3
                                    

Princess Ace # 1 : Meeting the Karma

-His POV-

Naglalakad ako ngayon sa isang sidewalk papunta sa isang eskwelahan. Yup. Imma transferee and it sucks. Kung hindi lang dahil sa trabaho ko,hindi ako pupunta dito.

Ako nga pala si Aeign Zackrey Nash Aguas. Or simply, Nash. 😁 First year college na ako sa Western Pacific University sa kursong, European Languages. Hindi naman halata sa pangalan ng univ no? XD. Dahil sa dolyar ang tuition fee dito, dahil na rin sa average na sahod ng pamilya ko, nagapply ako for internship. So parang, working student. Ang trabaho dapat related sa course ko para may dagdag grade ako kahit absent ako sa school. Kaso isang malaking BWISET ang inapplyan ko. Pinadala ba naman ako sa Genovia. sa may Europe yan, para sa isang hunting case. Yung bansa lang related sa course ko. Ang Genovia ay tahanan ng mga royal blood. Monarchy kasi ang government doon. At namatay ang prinsipe. Sinasabing nandito lang sa Pilipinas ang susunod na tagapagmana kaya sinakto sa akin ang trabaho. Pinabalik ako dito at hahanapin ko ang taong iyon, for five months, kailangan mai-train ko na siya sa kanyang posisyon sa palasyo. Medyo masaya kasi walang pasok at makakapunta ako sa Europe ng libre at wala sa oras. Mahirap .. dahil .. BABAE ang taong ito. Na nakatago sa pangalan na ..

*KRIIIIIIIIIIING*

"Tarages na bell to oh." Nasa loob na pala ako ng campus at nasa itaas ko lang ang bell. Nagsipuntahan na ang mga students sa gym para sa isag assembly. Sunod na lang ako.

Lakad na lang ako ng lakad hanggang sa di ko na namalayan kung nasaan na ako. Napadpad ako sa isang garden. Kung saan wala na halos na tao. Naghahanap ako ng daan at the same time ng tao kung paano ba ako makapupunta sa gym.

"Nawawala ka?" May boses na umaligid sa likod ko. "Assembly na ha Bakit wala ka pa sa gym?"

Lumingon ako. Isang babae, mahaba ang buhok at kulot ang dulo, maputi, at may salamin. "Transferee kasi ako eh. Hindi kung alam kung saan yung gym."

Ngumiti siya. "Tara, sabay na tayo, dun din ako pupunta."

Tahimik akong tumabi sa kanya at naglalakad. "Ano pala pangalan mo?"

"Ahm .. Nash. Ikaw?"

"Alex. Haha. Halata naman sa itsura mong wala ka pang kaibigan kaya, eto ako! Pasensiya ka na ha, hindi ako gaanong entertainer at mostly ang mga jokes ko puro corny baka maboringan ka sa akin. Btw, Nice to meet you." Ang daldal naman nito. Ano nga ulit pangalan nito? Alex di ba?

"Ay hinde, okay lang sa akin." Pasimple kong sagot at baka magdaldal na naman to.

"Oy. Eto na pala yung gym. Tara tabi tayo dun kina pards." Hinatak niya ang braso ko papunta sa pila ng sinasabi niyang 'Pards'

"Huuuyyy Pards!" Lumingon naman ang taong sinabihan niya at nakipag apir sa kanya. Lalaki ang taong yon.

"Oooy, sino naman yang kasama mo?" Tanong ng lalaki sa kanya.

"Ay. Si Nash nga pala. Transferee. Walang kaibigan eh. Magpakilala ka!"

Ngumiti ako.

"Mavy nga pala dude." Sabi niya at nakipag bro fist sa akin. Close agad?

"Nasaan si Pards?" Bulong ni Alex sa kanya pero narinig ko.

"Restroom yata." Napailing na lang si Mavy at nanahimik na lang ako.

"Pssst, enjoy your first flag ceremony here!" Siko sa akin ni Alex.

Ang corny.

*Fast Forward to P.E time.*

"Sht. Late na ako!" Pagmamadali ko sa CR dahil nagpalit ako ng uniform. Tumakbo naman ako papalabas sa pagkakaalam kong strikto ang pe instructor namin. Kanino ko nalaman? Aba edi kay Alex Daldal. XD

Ang layo pala ng gym sa cr na pinagpalitan ko. Ano ba magagawa ko, transferee ako eh. Maya maya'y napalakas ang tama ko sa isang tao. Nagkabungguan kami at sabay na napaupo sa sahig.

Naku babae pala to. Tinulungan ko siyang tumayo at "Aba hindi pwede dito ang marathon. Dun ka dapat sa labas." Pasungit niya.

"Sorry naman. Nagmamadali e."

"Anong nagmamadali? Mali yata ang tingin mo sa orasan mo. Ayusin mo nga! " Sabay turo sa wrist watch ko. Nakakangilo naman ang pagkasungit nito. Nakakairita.

"Pasensiya ka na ha. Late na kasi ako." Pagtitimpi ko. Ayaw ko sa lahat ng taong kakausapin ko ay ang masungit. Tas babae, parang hinahamon ako ng away.

"May mata ka naman siguro no?" Satsat pa niya. Napuno na ako.

"Hoy ikaw, Nagsorry na nga ako't lahat ang sungit mo pa rin! Badtrip." At sa di inaasahan, nagulo ko ang buhok niya. Medyo nakakagulat pero haha nakaganti.

"Aba bwiset ka!" Hinahabol niya ako. Habang ako, takbo lang ng takbo. "Hoy tara dito walang modo ka!"

"Ang sama mong magdada diyan! Buti nga sa iyo! Bwiset!" Sigaw ko at nagtago sa isang janitor's closet.

Ilang minuto rin ako don at napaisip, "Haha. Ang tapang ng babaeng yun infairness." Nakahanap ako ng magandang tiyempo at lumabas na sa closet na yun. Mabaho rin kaya.

-Ace-

"Tarages na lalaking yun." Bulong ko sa kanya. Nawala na lang siya na parang bula. Bwiset nga eh. As in B W I S E T, binunggo na nga ako, sinabunutan pa ako! Panira ng araw.

"Oh. Nakakunot noo mo diyan." Nagulat ako sa boses na ito. His sexy soothing voice. Parang pantasya nung lumingon ako sa kanya.

Haay Kiko. "H-Hi Francis .. Anyare?"

BOOM VANESS ACE SUAREZ!!!Tamaan ka sana ng foundation ng kahihiyan sa sinabi mo.

"Ha?" He chuckled. Stahp it. Damn this Kiko.

"What? Ano ba sinabi ko? Sorry, haha Nevermind." Ugh. Ang clumsy ko talaga.

"I gotta go. I have my practice. So, See you around. " Omg Ano daw?See You Around. Pedeng sumigaw ng isang shit lang.

Umalis na siya nang hindi naririnig ang reply ko sa kanya. Kinawayan ko na lang siya. "Bye Loves."

Francis Magundayao. My Guardian Angel. My Knight in Shining Armor. My Stereo Soldier. My One and Only. Kinikilabitutan din kasi ako dahil ako lagi kinakausap non. Ewan ko ba. Sa sobrang sikat dine sa Academy ay malabong mapansin ako pero tingnan mo naman ako ngayon. Siguro dahil na rin sa tagal na magkaklase kami. Since grade 3 siya na ang kaklase ko. At malabong hindi ako magkagusto.

Pero may nagmamayari na ng puso niya. Si Ella Cruz. Isa pa siyang sikat dito. Well, sila nga ang pinupuring couples dito eh, pero pantasya lang yon. Ang problema dine, si Ella. Hindi niya maapreciate ang pagmamahal ni Francis. Ang ganda niya, ang gwapo ni Kiko. Its very impossible.

"Alex, ang saya saya na ni Nenaaaaaaaaaaa."

"ANONG SINABI MONG DEMONYO KANG MAVERICK!"

Naginit ang ulo ko dun ah. Mula sa pagkabwiset na nakabunggo ko, then kay Kiko Mylabs, ngayon naman ang bitter kong pangalan. Bakit ba kasi naexist ang 'N' word na to eh.

"Alex, tago lang ako sa likod mo ha. Ayan na si Nena." Dagdag pa ni Mavy at nagkunwarin nakatago sa likod ni Alex.

"Iiiiih. Ang daya niyo naman eh. Mga bwiset. Lalo ka na Maverick! Minsan na ngang kiligin ang tao eh." Pagtatampo ko.

Tinawanan nila ako at nilapitan ni Alex. "Oo nga naman Mavy," Tinapik niya ang balikat ko, "I feel you soooooooo much. "

"Kanino naman Pards?" Diniretsa ko naman. Understood na eh.

"Pakikilala ko sa inyo maybe bukas? Hindi ko siya makita eh."

Nakakacurious lang, minsan lang tamaan ang babaeng ito. Ang wierd kasi nito yung tipong kami lang ni Mavy ang makakaintindi sa kanya. So tinaggap na lang namin siya bilang co-pards. Mabait naman eh.

"Sabay sabay na tayo sa klase natin pards!" Aya ni Mavy at sabay sabay pumasok sa klase.

-----------------------------------------

Hey, this isn't Can't Hold Us anymore, enjooy! Naiba plot ko eh. 😂

Princess Ace.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon