"NANDITO po tayo sa harapan ng DA Bank kung saan kasalukuyang nagaganap ang hostage taking ng umanong sampu o mahigit na bandidong lalake sa mahigit labing-limang sibilyan na nasa loob ng bangko," sabi ng isang reporter ng GBS Network. "Makakapanayam po natin ang isa sa mga hostages na maswerteng nakatakas sa mga bandido. Sir, ano po ang inyong pangalan?"
Nagkalat ang mga pulis at SWAT sa paligid. Ang Chief of police ay makikitang pilit nakikipag-negotiate sa mga bandidong nasa loob ng bangko. Nandoon din ang maraming reporter pero kasulukuyang ang GBS reporter ang nakikipag-usap sa nakaligtas na hostage.
"Harold po," sagot ng lalake.
"Harold, maari mo bang i-kwento ang nangyari sa loob ng DA Bank?" tanong ng reporter.
"Magde-deposit lang po sana ako kaya nandoon ako sa DA Bank, kaso nung nagpi-fill up pa lang po ako ng deposit slip ko ay biglang pumasok yung mga lalakeng naka-bonet ng itim sa mukha tapos sumigaw ng holdap. Pilit pa pong lumaban yung isang security guard pero naunahan na po syang nabaril nung isang lalakeng naka-bonet. Nagdapaan na lang po kami at sumunod sa kanila. Kung hindi po ako nagkakamali mga sampu o mahigit po yung mga holdaper," kwento ni Harold.
"Paano ka nakatakas sa mga holdaper, Harold?"
"Pinalabas po nila ako para mahatid po yung mensahe nilang gustong iparating sa mga kinauukulan," muli ay sabi ni Harold.
"Ano naman ang gustong iparating ng mga bandido? Sabihin mo, Harold. Narito ngayon sa tabi namin si Chief Maliksi," sabi ng reporter. Nakatabi naman agad ang sinabing chief ng mga pulis sa hostage.
"Sir, bigyan nyo lang po sila ng chopper, hindi na po daw sila manggugulo at hayaan lang silang makatakas para hindi sila papatay ng kahit sino sa hostages," sabi naman ni Harold.
"Sir, ano pong masasabi nyo?" baling ng reporter kay Chief Maliksi at itinuon dito ang microphone.
"We are actually working on it. We have negotiated with one of the robbers and we are going to give them what they want," sabi ni Chief Maliksi.
"Ayan mga kaibigan, napagpasyahan ng ating kapulisan na ibigay ang gusto ng mga holdaper. Sa ngayon ay 'yan lang po ang balita dito sa DA Bank. Ito po si Doreen Chu, nag-uulat," pagtatapos ng reporter sa report nya pero hindi pa rin tumitigil ang cameraman sa pag-video sa mga nangyayari doon.
Sa isang bahagi naman ay nagsusumikap ang mga kapulisang mapasok ang DA Bank nang hindi namamalayan ng mga holdaper sa loob. Maya't-maya may tumatawag naman kay Chief Maliksi, isa sa mga holdaper, na syang nakikipag-negotiate sa kanila.
"Wag kayong magkakamali, Chief. Iisa-isahin namin ang mga hostages dito kung hindi nyo susundin ang napagkasunduan natin. Isang pagkakamali lang, Chief. Katumbas nun ay isang buhay mula sa mga hostages," banta ng holdaper kay Chief Maliksi na ngayon nga ay kausap na nito sa telepono.
"Tutupad kami sa usapan. Basta hintayin nyo lang."
"Kanina ko pa ni-request 'yan, Chief. Pinagloloko nyo ata kami. Alam kong binabalak nyo kaming pasukin dito ng palihim."
"Hindi. Hindi. Medyo na-delay lang yung chopper." Actually, walang paparating na chopper. Ang plano lang ay hulihin ang mga holdaper at iligtas ang mga hostages. Paano kaya nila nalaman na pinagloloko lang sila ng pulis?
"Isang oras, Chief Maliksi. Isang oras. Pag wala pa ang chopper na hinihingi ko, itutumba ko ang dalawa sa mga hostages." At binabaan ng telepono ng holdaper si Chief Maliksi.
Hindi nila kakayanin ang isang oras. Hirap na hirap ang mga pulis at SWAT sa pagpasok. Mukhang may espiya pa ang mga holdaper mula sa sibilyang nagkalat ngayon at nanonood sa nagaganap sa paligid ng DA Bank.
BINABASA MO ANG
Gabriela Silang (GirlXGirl)
ActionMatatag o Marupok? Tatanggapin mo pa ba ang taong basta na lang nang-iwan sa'yo sa ere? Babalikan mo pa ba ang taong bigla na lang nawala sa mga oras na kailangan mo sya? Handa mo bang isugal ang buhay mo alang-alang sa taong hindi naman nagpahalag...