MISHAEL
"HALE..." Hindi ako maaring magkamali. She called my name. Pipi na sya, 'di ba?
"Hoy, parang natuklaw ka na dyan?" sita sa akin ng kasama nya. Doon ako natauhan.
"Yash," sabi ko at lumapit dito. Hindi ko inalis ang pagkakatitig sa kanya. Nakatingin din ito sa akin pero ni wala akong makitang reaksyon sa mukha nya.
"Anong kailangan mo, Hale? Bumalik ka pa? Kapal mo din, ano?" Si Paula ang nagsasalita pero hindi ko ito pinapansin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay kung anong sasabihin sa akin ni Yaci.
"Yash." Wala pa ring reaksyon kahit na nasa harapan na nya ako. Kinakabahan ako ng sobra. Baka sampalin ako ni Yaci pero bahala na. Pwede nyang gawin sa akin lahat ng gusto nyang gawin. Maiintindihan ko naman.
"Stop calling her name. Hindi nya naman nakakalimutan yun. Duh." Si Paula pa din.
"Yash, can we talk?" mahinahon pa rin na sabi ko kahit naiinis ako kay Paula. I need to relax kasi nasa harapan ko si Yaci.
"Talk now. Ano pang hinihintay mo?" sabad ni Paula.
Am I fucking talking to you? Iyan ang gustong kong sabihin kay Paula but I chose to ignore her. Yaci's reaction is more important.
"Can we talk, Yash? Privately," ulit ko.
"Aba, sumusobra naman si ateng," hirit ulit ni Paula. "Biglang mag-a-appear tapos gusto pa ng private chitchat. Aba'y magaling. Ano, Yash? Sapakin ko na 'to? Sabihin mo lang!" Akma nga akong susugurin ni Paula pero pinigilan ito ng isang kamay ni Yaci.
"Where's your car?" tanong ni Yaci. It's refreshing to hear her voice kaya hindi ako agad nakasagot.
"Hoy! Tinatanong ka!" Sa boses ni Paula ako napukaw.
"There." Turo ko sa aking sasakyan.
"I'll see you later, Pau," muling sabi nito at naglakad papunta sa akin. "Let's go." At nagpatiunang naglakad papunta sa kotse ko.
Narinig ko pa ang pag-disagree ni Paula pero diri-diretso na Yaci at wala na akong nagawa kundi sumunod. I immediately unlock the doors of the car at pumasok na si Yaci. Agad na rin akong pumasok at nag-seatbelt. Naka-seatbelt na din si Yaci nang makapasok ako.
"S-saan tayo pupunta?" I'm stuttering, I know. Kinakabahan ako, eh.
"You said you wanted to talk to me, privately," nakatingin lang sa harap na sabi nya at naka-poker face pa din.
"Yes."
"Think," maikling sabi nya pero mas nakadagdag pa yun sa kaba ko dahil napaka-authoritative ng pagkakasabi nito.
"O-okay." At pinaandar ko ang sasakyan papunta sa coffee shop na pinagkitaan namin kanina ni Mrs. Pineda. I saw some area there that we could talk privately.
At tama nga ako. Pagdating namin dun ay meron ngang area na pwede kaming makapag-usap ng masinsinan. After we ordered coffee, unang nagsalita si Yaci.
"Anong sasabihin mo? I don't really have much time." Nataranta ako bigla sa sinabi nya. Kanina kabadong-kabado ako kaya heto nga't hindi ko alam kung saan ako magsisimula. "Are you just going to stare at me?" sita nya sa akin ng nakatingin lang ako sa kanya.
How can I not stare at her? She's so gorgeous at mas nakaka-plus points pa yung medyo strict image nya ngayon.
"You know what, I'm going. You are wasting my time." Akto syang tatayo pero mabilis kong nahawakan ang kamay nya. Naramdaman ko na naman yung familiar na feeling sa tuwing nahahawakan ko sya. That tingling comfortable feeling. How I missed her.
BINABASA MO ANG
Gabriela Silang (GirlXGirl)
ActionMatatag o Marupok? Tatanggapin mo pa ba ang taong basta na lang nang-iwan sa'yo sa ere? Babalikan mo pa ba ang taong bigla na lang nawala sa mga oras na kailangan mo sya? Handa mo bang isugal ang buhay mo alang-alang sa taong hindi naman nagpahalag...