CH. 4: Ang Unang Karibal

2.2K 106 9
                                    

MISHAEL

AGAD KAMING BUMALIK ni Kit sa opisina dahil sa nangyari. Nagtanong pa ito kung anong nangyari sa akin pero hindi ko na sya sinagot.

All I know is I can't wait any longer. I need to see Yaci. ASAP.

Nagkulong muna ako sa aking opisina at tinignan ang files na binigay sa akin ni Kit. May mga information nga doon na hindi ko pa alam. Magaling na magaling si Kit sa trabaho nya.

Napaluha ako sa nabasa ko. It was an information ten years ago. Medical records ni Yaci nung natapos ang nangyaring pangingidnap sa kanila ni Ate Yuca.

Yaci suffered elective mutism after the incident. Oh, god. So, tama ang nakita ko kanina. Nagsa-sign language si Yaci kasama ng mga teenager kanina kasi she's one of them.

Other information ay nagtuturo si Yaci sa Tan Music School bilang instructor ng mga pipi at bingi na willing pa rin matuto about sa music. Mga estudyante siguro nito ang mga teenagers kanina.

Shit! Ang dami kong pagkukulang kay Yaci. Sorry, Yaci. Sorry.

At yun lang nga ang mga importanteng mga information na nakalkal pa ni Kit. Ang iba'y alam ko na. Katulad na lamang ng palaging nakikitang magkasama sila ni Paula. Mukhang mas naging super close pa sila sa nagdaang taon. Paano ako makikipag-compete dun? Bahala na.

Pupuntahan ko na si Yaci ngayon. Hindi na ako makakapaghintay pa. Pero bago ko ginawa yun ay nanood muna ako saglit ng tutorials kung paano mag-sign language. Pinag-aralan ko lang kung paano mag-sign ng I'm sorry at I love you.

Habang ginagawa ko yun ay nag-text si Ici at kinancel ang meet up namin mamaya kasi may night class daw ito. Nalaman kong isa ng teacher si Ici sa VBS.

Wala din pala akong ma-i-expect na information kay Ici kasi hindi naman kami magkikita mamaya. I immediately pack my things. Pupunta ako TMS baka naroon si Yaci. Mababaliw na ako kung hindi ko pa sya makikita at makakausap.

Paglabas ko ay dumaan muna ako kay Kit para pauwiin na din ito.

"Kit, I'll head out and I'm not going back here in the office. I suggest umuwi ka na din and I'll see you tomorrow." Tumango naman ito. Naglakad na ako para umalis.

"Ah, Hale," narinig kong tawag nya sa akin kaya napalingon ulit ako dito.

"Yes?"

"Wala. See you tomorrow," sabi ni Kit na parang nahihiya. Hanggang ngayon nahihiya pa din sya akin? Well, hindi pa nga siguro ito kumportable sa akin.

"You too. Bye." At umalis na ako.

Nagmamadali kong sinet ang GPS ko papuntang TMS nang makasakay na ako sa kotse. Kabadong-kabado ako pero kailangan ko ng gawin 'to. It's now or never.

Inip na inip ako habang nagda-drive lalo pa at medyo malayo ang TMS sa opisina ko. May traffic pang pang-forever ang peg.

Pagdating ko sa building ng TMS at tapos na mag-park, agad akong naglakad papuntang entrance. Pero natigilan na naman ako nang makita ko kung sino ang nasa harapan ng entrance.

Ramdam ko yung parang tinusok ng patalim ang puso ko habang tinitignan silang naghaharutan. Tawa nang tawa si Yaci habang kinikiliti sya ni Paula. Pagkatapos pa nilang magkilitian ay hinaplos pa ni Paula ang mukha ni Yaci. Nakatalikod si Yaci sa akin at ang mukha lang ni Paula ang nakikita ko.

Nakita ko kung gaano din kasaya si Paula na nakatingin kay Yaci habang nakahaplos pa din ito sa mukha ni Yaci.

May mga sinasabi sila sa isa't isa pero medyo malayo ako sa kanila kaya hindi ko masyadong naririnig. Ang alam ko lang, gutay na gutay ang puso ko ngayon. Sinabi ko sa sarili ko, bago ako bumalik sa Pinas, na asahan ko na dapat ang ganitong eksena at sakit dahil siguradong sa sampung taon na nawala ako ay marami na akong na-miss out na opportunity pagdating kay Yaci.

Gabriela Silang (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon