CH. 2: Ang Unang Araw

2.8K 124 13
                                    

MISHAEL

SABI NILA, pag sa school, ang first day ang pinaka-relax moment mo. Wala kasing masyadong gagawin dahil puro introduction lang naman. Meet with the teachers at sa mga kaklase mo. Nung nag-aaral ako, may mga times na nangyari din ang mga ganoong moments.

But in my case right now, iba naman ang pangyayari. Hindi na kasi 'to school na puro introduction lang. This is a real adult shit.

"Welcome to Magiting-Puno law firm, Atty. Mishael Ayala. We are so pleased to have you here. Thank you for joining our firm," sabi ng boss kong si Atty. Dorothy Aquino. Isa sa mga Senior Associates sa firm na 'to. Nakipagkamay ito na agad ko namang inabot.

"Pleasure is mine, Attorney. Thank you as well for accepting me here," nakangiting sabi ko.

"Thank your good records, Attorney. You really are actually beautiful in person. I thought you were just photogenic." Sanay na ako sa mga papuri kaya wala na sa akin ang sinabi ni Atty. Aquino.

"Thank you po," magalang na sagot ko. Maganda din naman si Atty. Aquino at kung hindi ako nagkakamali, magkasing-edad lang ata kami.

"Oh no, don't po me. We are just in the same age." Sinasabi ko na nga ba. Ngumiti lang ako. Nakakahanga din, kasi ang bata pa nya para maging Senior Associate. Siguro magaling nga itong abogado. Pero infairness, ang kamay ko, hindi pa nya binibitawan. "Know what, since you're new here in the Philippines, have a dinner with me tonight."

She's not asking, she's commanding me to do so. Naku, medyo may attitude yata itong new boss ko.

"Ah, I'm not really new here in the country. We just migrated ten years in ago in Brazil due to some personal reasons," I informed. If she really read my portfolio, alam nya sanang hindi ako dayuhan sa bansa. Pasimple kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nya. "Tsaka I'm sorry, Attorney. I have plans already with my old friends tonight."

Hindi sa tumatanggi ako pero totoo talaga, magkikita kami ni Marcris "Ici" Lopez mamayang gabi.

"Oh, is that so?" Mukhang hindi naman sya disappointed. Nakahinga ako ng maluwag. "Tomorrow night then. I'm sure wala ka ng lakad nun," nakangiting sabi nito.

Well, wala nga. Paano kaya nya nalaman? May pagkamanghuhula ba ito? Medyo mapilit din sya 'no?

"Okay," sagot ko na lamang.

"Good. I'll remind you tomorrow para hindi mo makalimutan," sabi nito at umupo na sa upuan nya.

Tumango na lang ako at ngumiti. Hilaw na ngiti. Boss ko 'to eh kaya kung kaya lang naman, bawal muna tumanggi.

"I'll go back to my office," sabi ko at tumango naman ito. Paalis na ako ng marinig kong tinawag nya ulit ako.

"Ah, Atty. Ayala?"

"Yes?"

"Ahm... nevermind. You can go back now," sabi nya. Nagtataka man, umalis na lang ako sa opisina nya.

Ito ang isa sa mga rason kung bakit mahirap maging isang adult. Dapat meron kang trabaho or business. Kailangan mong maging responsible. Kung nagtatrabaho ka at may boss, kailangang maging masunurin kahit pa nga minsan hindi mo tipo ang ibang patakaran o attitude nito.

Hindi ko sinasabing naiinis na agad ako sa boss ko. Iyon nga lang, kung may mga weird kang nararamdaman, ipagsawalang bahala mo na lang kung wala namang concrete explanation. Lalo na evidence.

Tsaka wala akong reklamo sa bagong boss ko. Maganda, sexy, kaedad ko, kaso mukhang agresibo. Parang hindi naman ako nasanay, ano? Mas malala pa nga ang mga babae sa Brazil pero yun nga siguro dahil nasa Pinas ako, mas ini-expect kong demure ang mga pinay kaso hanggang akala lang yata ako.

Gabriela Silang (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon