I HATE Daniel Padilla. - 5

3.7K 73 9
                                    


Nakauwi na kami ni Joseph pagkatapos ng ilang pasyal. Napansin ko lang, parang laging nagkakataon na magkasama kami sa lahat ng lugar na pinuntahan namin ang mag boyfriend-girlfriend na nakasalubong namin sa sinehan kanina. Nung una mukhang nagkataon lang kaso simula nun parang sinusundan nila kami. Pero pinabayaan ko na lang, siguro ang lakas lang ng trip ng dalawa eh. Pero ang weird doon, parang familiar talaga yung lalaki. Kamukha niya kasi si Dark Lord eh. Ayst, ewan! Baka guni-guni ko lang o... Eh basta. -___________________-


"Salamat sa pag-tour, Cha."

"Wag na ngang Cha diba? Ches-ka."

"Eh ikaw? Kanina ko pang sinasabi sa 'yo na JC na ngayon ang pangalan ko.."

"O sige na, J-C."

"Hahaha. Okay Ches-ka."

Umakyat nalang ako at tinignan ang dalawang bata.

Mahimbing pang natutulog kaya naisip kong ilabas ang dollhouse ko (wag niyo nang alamin kung paano ko nakuha yun hindi ko rin kasi alam eh) at inilagay ko sa floor saka ko sinulatan at nilagay dun ang sticky note.

"Ah-aray! Ssshhhhhhhhtt!!!" may narinig akong medyo sumigaw sa kwarto ko kaya't kumuha ako agad ng pampahampas at tumakbo papuntang veranda ko.

Nagulat nalang ako ng nakita ko si Dark Lord na halos nakahiga na sa sahig ng hinahawakan ang ulo niya.

"Anong ginagawa mo sa veranda ko?!" sigaw ko sa kanya.

Napa-tingin siya sa 'kin at mukhang nagulat siya sa presence ko.

"Ah-eh... M-may naghabol sa 'kin, t-tapos niligaw ko sila at hindi naman ako makasigaw kasi baka marinig nila ako, k-kaya nag akyat bahay nalang ako." sabi niya.

"Bakit ka nandiyan?!"

"Kasi nga hinahabol ako!"

"Hindi yun yung ibig kong sabihin! Bakit naganyan ang posisyon mo?!"

"Nagmamadali ako kasi baka mag-landian kayo--ESTE ANO!! AH... Nabagok ulo ko eh! Baka kasi ano! Baka ano! Baka makita ako! Tama, yun yun!"

Magpasalamat siya hindi ko maintindihan ang una kung hindi baka nahampas ko na sa kanya 'tong hawak ko.

"Hindi ko--ah-aray.." yumuko siya nun at napahawak sa gilid ng ulo niya.

"D-daniel!" napasigaw ako ng bigla siyang natumba at nasalo ko siya. Kaso nung pagkakuha ko sa balikat niya, tinignan niya lang ako.

"A-anong sabi mo...?"

"W-wala!" pareho kaming nauutal. Wattanays.

"May sinabi ka Cheska.. Sabihin mo ulit... Sabihin mo ulit pangalan ko, please..."

Nag hesitate ako ng konti pero nasabi ko na rin ang gusto niya. "Daniel."

"I love hearing your voice..." at bigla nalang siyang napapikit.


Eehh... Syet. Ang gwapo niya pala... Pag tulog. Eehh? Oo na, gwapo talaga siya. Pero, ewan ko eh. Okay na sana siya, mukha siyang mabait pero, ay grabe. Na-alala ko tuloy, yung nangyari kanina. Yung sinabihan ko siyang hindi lalaki. Kaso bakit kaya ganun siya kalala? Parang galit na galit siya nung sinabihan ko siya ng ganun?

Hay. Isang araw niya palang rito, ang dami nang nangyari.

Tinignan ko muna siya habang tulog. Hindi ko lang alam kung anong meron dito eh. Bakit kaya siya naging playboy? Gwapo na sana eh, pag nagkasama siguro kami, feeling ko siya na yung the one ko eh.

Ay teka.



"Brrrrr." nangilabot ako sa naisip ko.

Pero pag... Tinitignan ko siya, bakit ganun? Parang yung inis ko, nawawala na agad. Nung lumapit siya kanina sa mukha ko, sobrang ganda ng mata niya. Parang yun yung tipong.. sobrang sarap nalang tignan at titigan?

"Bakit kasi kailangan mo pang maging playboy?" bulong ko sa kanya habang unti-unting tinatanggal ko ang sapin sa ilong niya. Ayan, wala na.

"Sabagay... Gwapo ka naman eh. Pero di naman ibig sabihin nun may karapatan ka nang maglaro ng babae."

Mamaya nakatulog na rin ako.


*

7:00

Napaupo ako ng napansin kong nakaupo akong natutulog.


"Ay, madilim na pala." sabi ko ng tumingin ako sa bintana.

Sobrang lalim ng tulog ni Dark Lord, ah?

"Dark Lord--este ano..." ts, ayoko na sabihin ulit pangalan niya eh. Umikot yung tyan ko. Mehehehehe.

Niyugyog ko siya ng konti at nilapit ko yung labi ko sa tenga niya para...






Marinig niya ako. Mehehehehe.


"Magpalit ka ng damit, lalabas muna ako..." sabi ko sa kanya sabay tayo. Kaso nung pagkatalikod ko, nagulat nalang ako ng hinila niya ako pabalik at nakadagan ako sa kanya.

"O-oy anong--"

"Ikaw nalang..."

"A-anong ako nalang?!"

"Ikaw magbihis sa 'kin."

"T-TEKA, A-ANO?!"

"Lagi naman nakikita katawan ko sa Tv, natural nalang na may mambihis sa 'kin."

"Pero sa tingin mo, ako ba sanay na mambihis ng lalake?! Bihisan mo sarili mo!"

"Ts, sige na, kahit tshirt lang... Nanghihina ako eh."

"Ganyan talaga pag bagong gising!"

"Eh ako hindi eh..."

"Che!" tumayo na ako.

Halaaaaa! Bakit ganyan siya? Ayaw bumangon? "H-huy, magbihis ka na! Ambaho ng damit mo!"

Halaaaaaaaaaa! Di kumibo!

"Hey, Mr. Padilla?! What the heck are you doing?! Do you really want ME to put your clothes on you?! I'm 16 for Pete's sake! I'm not your personal assistant, as well! Get off your filthy clothes before I..." oh good Lord. What did I just say?

"Before you what? Take it off yourself? Cheska, may tinatago ka palang pagnanasa sa 'kin?" nakita kong nag-smirk siya.

>///////////////////////////<

"W-wala noh! Tsk, kukuha ako ng damit mo pero hindi kita bibihisan ah! Shirt lang kukunin ko, ikaw na bahala sa pambaba mo!"

"Sssuurreee..." sarcastic niyang sabi na may halong pag iinis. Urgh! Nakakairita talaga.

Pinuntahan ko yung cabinet kung saan niya nilagay ang mga gamit niya. Nagtaka nalang ako ng may nakita akong isang notebook.


"MFAA." anu raw?

September 13, 2004

Ngayong araw na 'to, nakita kita ulit. Ilang linggo na kitang tinitignan, pero bakit hindi pa kita malapitan? Siguro dahil natakot ako. Pero bakit? Ewan ko nga rin eh. Sa tuwing nakikita kita, gusto kitang lapitan pero hindi ko kaya eh. Sa tingin ko, kahit lapitan pa kita, hindi mo naman ako mapapansin... Sa itsura kong 'to? Hindi naman pwede yun no.

2004? Kailan ba yun... Mga, grade 5 pa ako nun ah. Heller? College na ako. First year college. Pareho siguro kami ngayon eh.

Iniwanan ko nalang yung notebook niya at inilagay dun sa loob ng cabinet ulit.

Pagkakuha ko ng shirt niya, binalikan ko siya sa kama.

"Alam mo, angelic at gwapo ka na sana pag tulog eh."

Hinaplos ko yung mukha niya. "Pag first time lang siguro kita nakita, pakiramdam ko mabait ka. Pero bakit ganun? Pinag-lalaruan mo yung mga babae. Bakit mo ginagawa yun?"

Bigla niyang binuksan ang mata niya at tumingin sa 'kin. "Gusto mo ba talagang malaman, ah?"

"H-ha?"

"Gusto mo bang malaman, kung bakit ko sila ginaganun?"

"A-ano..."

"Kung hindi lang dahil sa 'yo, hindi ako magkakaganito." nandilim yung mukha niya. Hindi ako maka-sagot kasi parang umurong yung dila ko. Biglang sumakit ang tyan ko. Tapos isabay mo pa ang pagtataas ng balahibo ko.

Bigla siyang umupo sa kama.

"Kung hindi lang dahil sa puso ko, hindi ako nagkakaganito. Dapat nga wala akong puso eh! Sana, wala akong nararamdaman. Sana, maging bato nalang ako. Sana maging manhid nalang ako. Pero wala eh, nangyari na. Tapos na. Ano pang magagawa ko? Ang tanga ko lang, diba? Kalahati ng buhay ko pinangarap kong mapansin ako ng taong mahal ko. Pero ano? Parang hangin lang naman ako. Ang galing, no? Kahit anong gawin ko pa sa sarili ko, kahit bumalik ako sa dati, hindi parin ako papansinin ng taong mahal ko! I always considered my brother's feelings, pero paano naman ako?! Paano naman ang nararamdaman ko?! Hindi niyo ba nararamdaman yun?!"

"A-anong.."

"Mahal kita, Cheska! Naiintindihan mo ba yun, ha?! Naiinis na ako eh! Ang sakit!" tumayo siya at lumabas ng kwarto.





Processing...

1 out of 100 complete.

Download crashed. Please try again.





























ANO RAW?!

I HATE Daniel Padilla. (weh?!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon