I HATE Daniel Padilla. - 6 (DJ)

3.2K 58 2
                                    


"Bakla ka pala eh! Tignan mo 'to, sobrang torpe! Hahahahaha! May gusto naman pala kay Cheska, hindi man lang masabi-sabi! Hahahaha. Bakla! Duwag! Hahahaha! Bakla!"

"SHIT!" napa-palo ako sa manubela ng kotse ni Kath.


Bumabalik na naman lahat ng ala-ala. Bumabalik na lahat ng sakit na nararamdaman ko.


"Pare oh! Yung nerd, may lihim pala na pagkakagusto kay Cheska! Hahahaha! Parang naman papatulan ka nung babaeng yun! Hahahahaha! Baklaaaa! Hahahaha! Baklaaaa! Napaka-duwag mo talaga! Hahahahaha!"

"Bakla pala ha?!"

Kinuha ko nun ang collar ng kaklase ko saka ko sinuntok.

"Padilla! Bitawan mo si John!"

Hindi ko alam kung anong nangyari sa 'kin. Nainis lang ako, kasi tinawagan ako ng ganun. Kasalanan ko ba kung ganun ako ka-torpe? Kasalanan ko ba, kung ikino-consider ko pa ang nararamdaman ng kapatid ko?

Pinag-punta nila ako sa principal's office at na-suspend ako for 1 week. Napagalitan ako sa mama ko, nagulat pa nga siya kasi never daw akong nanuntok ng kaklase.

Palibhasa kasi, iniisip nila na dahil lampa ako hindi ko kayang manuntok.

Oo, lampa ako dati. Nerd ako dati. Pero nagbago ako...

Dahil sa kanya.

Nagbago ako, PARA sa kanya.

Pero wala parin eh. Wa-epek.

Mag-best friend sila nung kapatid ko nun. Close din kami nun eh, sinabi niya sa 'kin... na may gusto pala siya sa kanya.

Kung kailan naging handa ako na makausap siya, he always comes in the picture.

Si JC ang tinutukoy ko, obviously.

Alam niyo bang, naging top 2 ako dahil sa kanya?

Nainggit ako sa kanya nun. Kasi siya, nagagawa niyang maging pinakamatalino at varsity player. Habang ako, hanggang top 2 lang ako. Lagi akong pangalawa sa tingin ng mga magulang ko. Hindi nila napapansin ang mga nagagawa ko para sa kanila.

Kasi lagi nalang mas magaling si JC.

Siya na laging bida, siya na lang laging magaling. Kaya siya na ang paborito.

Pero kahit papano, mahal ko parin yun.

Kaya na-consider ko na rin ang nararamdaman niya sa kanya.

Sa tingin niyo ba, kanino pa ba ako mapapamahal?

Kay Cheska.

Eh, ewan.

Nung araw, napansin ko na, lagi na pala silang magkasama. Ako, malayo na nga ako, iniiwasan ko pa. Kasi nasasaktan ako eh.

Alam mo yung masakit?

Yung hindi ka mahal ng taong mahal mo.

Pero may mas masakit pa dun.

Ang makita ang taong mahal mo na nagmamahal ng iba.

Iniisip ko nun, sila na kaya? MU na ba?parang totoo na kasi eh.

By the looks of it, parang nagkakamabutihan na sila eh.

Magkaklase kaming tatlo noong 2004... Lagi ko siyang tinitignan ng palihim... Lagi ko siyang pinagma-masdan... Ewan ko eh. Kahit lagi siyang naka-tirintas, kahit puro shorts at tack-in shirt ang sinusuot niya, maganda parin siya. Siguro kahit sako nalang suotin niya maganda parin eh. Ginayuma yata ako nun. Hay, ewan ko! -________-

Na-alala ko naman ang kanina...

Meron akong isang notebook, kung saan sinusulat ko yung mga gusto kong sabihin sa kanya. Hanggang ngayon kasi duwag ako eh. Hindi ko masabi-sabi.

Pero nasabi ko na sa kanya kanina eh. Paano ba yun? Diba dapat, masaya ako ngayon? Pero bakit parang may kulang?

Pagkatapos ng pitong taon... Nasabi ko na sa kanya.

Nagbago na ako, para sa kanya.

Naging matapang ako, para sa kanya.

Pero bakit kulang parin ang ginawa ko kanina?

I HATE Daniel Padilla. (weh?!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon