Prinsipe ng Kape♛ PART2!

34 1 0
                                    

"Hello?" sigaw ko sa malawak at madilim na lugar. Wala akong makita... Asan ba ko?

"Hello!?" sigaw ko uli. Wala padin akong makita sa sobrang dilim. Naglakad muna ko paderetcho. At unti unti may nakita kong nakatayo na lalaki. Sino yun? Lumapit pa ko ng konti hanggang sa nasa likod na nya ko. "Sir?" bigla syang humarap at tumingin sakin.

Si Dad.

Lumaki ang mata ko at nagkasalubong ang kilay ko "Ano to!? Ano ginagawa mo dito?!" sigaw ko sakanya. Hindi ko napigilan ang galit ko at hinampas hampas ko ang dibdib nya. Hindi sya nagsasalita o gumagalaw. Bakit pa sya bumalik!? Bat sya nagpakita!?

"Talk! goddamit!" sigaw ko ulit habang namumuo na ung luha uli sa mata ko. Tuloy padin ang pag hampas ko sa dibdib nya. Ibubuka na nya ang bibig nya para magsalita

"Magki---" may pumalit na boses

"Avrie! Hey!" naramdaman kong may yumuyugyog sakin. "Avrie!! Wake up!" sabi ng boses ng isang lalaki. "Hey open your eyes. Avrie" sabay tapik sa pisnge ko.

Minulat ko na ung mata ko at iniangat ang ulo ko mula sa braso ko, unti unting luminaw ung paningin ko. Si Kape Prince lang pala. Lumingon muna ko sa paligid at napansin ko na wala nang tao, kaming dalawa nalang. Tapos na pala ang klase. "Anong kailangan mo?" matigas kong sabi sakanya at tinignan sya ng deretcho.

Tinaas nya ung dalawang kamay nya hanggang shoulder "Nothing. Napansin ko lang na hindi ka pa tumatayo sa upuan mo, un pala you fell asleep and nagsasalita ka. Kaya chineck kita. I thought you were having a nightmare. And look..." binaba nya ung mga kamay nya at iniangat ung right. Iniabot nya ung kamay nya sa pisnge ko at pinahid ito "Lumuluha ka oh." pinakita nya sakin ung daliri nya na may tubig.

Meron nga. Shucks. Pinahid ko ng mabilis ang likod ng kamay ko sa pisnge ko at sa mga mata ko. Ano ba naman to. Ang sama ng panaginip ko, ang sama pa ng gising ko.

"Lalabas na ko." tumayo na ko at nagsimulang maglakad palabas ng room.

"TEKA." naramdaman kong may humawak sa kamay ko mula sa likod. Napalingon at napatingin ako sakanya. Nakatingin din sya sakin ng deretcho. Nagkatitigan kami at nagkaron ng "SLOW-MO" na moment.Nakatayo lang kami at nakatitig sa mata ng isat isa. Naramdaman ko ung kamay ko. Ang weird ng feeling... Parang uminit ung kamay ko. Parang... may mga patak ng acido? Di ko maintindihan... May heat. Napatingin ako sa kamay namin habang naka kunot ang noo. Ano to?

"Umm..." nadinig kong sabi nya. Napabalik ang tingin ko sakanya. "Ano? What?" sabi ko sakanya ng mababa ang boses at kunot padin ang noo. Hindi padin bumibitaw ang kamay nya.

"Ah- Um. I- Ano. You look bothered." tinignan nya ko ng nagtataka.Tinaasan ko sya ng kilay. "No I'm fine." sagot ko sakanya. "You should come and eat with me at the food court." sabi nya ng nakasmile na. Nagulat ako sa imbita nya at napataas na pareho ang kilay ko. Bumalik na ung confidence. Tsk.

"Sorry pero sa cafe ulit ako pupunta." sabi ko sakanya na nakataas na ang kilay. Tinanggal ko na ung kamay ko sa pagkakahawak nya at bumalik na sa pag lalakad ko.

"Edi sa cafe!" hinawakan nya uli ung kamay ko at kinaladkad ako palabas. Aba! BALIW.

"Hoy! Stop it! What are you doing!?" sabi ko sakanya habang tumatakbo/ kinakaladkad nya ko sa hallway. Nagtitinginan na ung nga tao samin. Malamang nagtataka sila kung bat kinakaladkad ang isang AVRIE FRANCISCO ng isang KEITH AIDEN VILLANUEVA at kung bakit magkasamang tumatakbo ang dalawa with flying colors and pixie dust sa hallway ng Graybrich. Buti nalang hindi ako nakaheels, naka combat boots ako. Kahit papano pwedeng ipangtakbo. Ano ba naman tong lalaking to

"Hahaha!" tumawa lang sya. Nasa labas na kami, "Ano ba!" sabi ko at hinatak ung kamay ko pabalik. Pero hindi padin ako tumigil sa pagtakbo dahil ayaw bumitaw ng kamay nya. Pagod na ko. Ang bilis nya tumakbo! Pag tumigil ako panigurado nagmumuka syang motor na may watawat na wumawagayway sa likod. At ako ung watawat!

"Tigil na!" sabi ko habang hinihingal na. Maya maya tumigil na din sya. "Haaauuuha huuuaahhh. haaaauuuahhhaah. ehe ehe" hingal na hingal ako. Tsk. Ano ba kase problema neto.

Tumayo uli ako ng deretcho ay hinampas sya sa braso "What do you think your doing!?" tas huminga na ulit ako. Hay. Tumawa sya "Hahahaha! What? Sabi mo sa cafe diba? Oh andito na tayo!" sabay tingin at presenta sa pinto ng cafe. "Hindi mo naman ako kailangan kaladkarin! Are you crazy!?" dinuro ko ung dibdib nya. Kainis.

"Crazy for you that is." sabi nya sabay wink. Ano!? This is crazy! Ang kapal ng mukha nya! Nakakaasar!

Bubuka ko na sana ung bibig ko para sigawan sya pero naunahan nya ko at hinatak ULIT ako papasok ng cafe "Just shut up. Come on. I'll order" sabi nya habang nakangiti sakin na ng maayos. That innocent smile of his...Its... Its just soo...Its... soo...

Eww.

Inirapan ko nalang sya at hinanap na ung usual kong pwesto sa cafe. Umupo ako at inintay sya bumalik.  Second for the day and another meal with the coffee prince. Joy...

~~~~~

Aftee. Just published now :) bukas ulit pag napagtripan at pag nasa mood! :D May new book kasi akong babasahin kaya nasa mood. hihi. Critical by Robin Cook! :) Sa susunod muliiiiiiii!

~Kapow! ↖(^▽^)↗

Bubble & IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon