Chapter 6 - Memories

304 10 13
                                    

Natalia's POV

Sa sobrang pagod ko ngayong araw, naisipan ko na mas mabuting matulog nalang. Papunta na sana ako sa kwarto ng madaanan kong naka-bukas ung Study nila papa.

Aalis na sana ako ng marinig kong parang may pinagtatalunan sila. Alam ko masama makinig sa usapan ng iba pero hindi ko lang mapigilan.

"Magkano ba kasi ang utang natin kay Gustav?"

 

"......."

"Vic!"

 

"I'm so sorry Eliz."

 

"Magkano ba kasi Vic?"

 

"nasa 300 million na. I'm so sorry at pinaabot ko pa sa ganun kalaking halaga." Nagulat naman ako sa sinabi ni Papa, may corporation nga kami pero malaking halaga parin yun.

 

"P-ppaano natin mababayaran siya sa loob ng 2 linggo? pag binenta natin lahat ng ari-arian natin sasapat iyon at sobra pa para mabayaran ang utang pero Vic, wala ng matitira sa atin. Ayoko ng ganun. Marami nang nawala sa atin at ayoko ng mawalan pa ulit" narinig kong pag-mamakaawa ni mama.

 

"at lalong hinding hindi ko ititigil ang pagpapagamot kay Nathan, comatose lang siya kaya malaki ang pag-asa na magising siya."

"Naisip ko narin yan." sagot ni papa. "kaya nga may isa pang paraan para mabayaran natin siya."

 

"A-ano?" 

.

.

.

.

.

"Kaylangan lang daw natin ipakasal si Natalia kay Gustav. Yon ang hinihingi niyang kapalit."

Nanghina ang mga tuhod ko sa naririnig ko ngayon.Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang kasi baka marinig pa nila ako. Siguro hindi naman nila ako magagawang ipapakasal sa matandang yon. kalma lang Natalia~

Hintayin ko nalang sagot ni mama.

"Then go ahead, ipakasal natin siya kung yun lang naman pala ang hinihingi niyang kapalit."  walang pagaalinlangang sagot ni mama.

"Yeah, that's what I'm thinking."

Lalo ako nanghina sa mga naririnig ko ngayon. Tingin ko sa sarili ko ay para lang akong isang bagay na pwede nila ipamigay anu man oras.

Hindi na ako nakatiis kaya pumasok na ako sa silid.

My Unforgettable Deal with Mr.Devil |On-going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon