Chapter 2 - The Call

424 15 8
                                    

Elizabeth Ross' POV

"Hon, masyado ka atang hard kanina kay Alia ah" sabi ni Vicente, ang husband ko.

"hindi ko parin kasi maalis ang galit sa kanya sa tuwing nakikita ko siya." aminado naman ako na masama nga ang trato ko sa sarili kong anak pero hindi ko parin kasi siya magawang patawarin sa mga nangyari.

"I know that feeling hon. Kahit ako, hindi ko parin maiwasan na hindi magalit sa kanya lalo na't siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik si Nathaniel sa atin." malungkot na sabi niya "Pero kahit papano wag mo nalang siya ipahiya sa harap ng maraming tao. I've heard what happened earlier this morning. Kahit na anung galit natin sa kanya, anak parin natin siya." 

"pero masakit parin para sa akin lalo na pag naaalala ko si Natasha, ang kawawang bunso ko." naluluha parin ako sa tuwing maalala ko siya. Masakit para sa isang ina na mawalan ng anak. "Bunso ko rin si Natasha, at lagi lang sya mananatili sa puso natin."

"Hon" hinawakan ni Vicente ang aking muka at hinaplos ito. "Ayoko na pati ikaw ay mawala rin sa akin. Hindi ko na kakayanin yon. Kaya iwasan mo nalang na magalit o uminit ang ulo mo, ako na ang bahala sa kanya."

Ipinatong ko rin ang aking kamay sa palad niyang nakahawak parin sa aking muka. "Susubukan ko." at saka ako ngumiti sa kanya.

"Maiba ako, sa totoo lang napahanga ako ni Alia sa ginawa niyang presentation kanina. To think na wala siyang katulong na gumawa non at under time pressure pa."

Hahahaha, tawa ko nang may kalakasan. Nagkunot naman ng noo si Vic.

"Actually pareho lang pala ang opinyon natin sa gawa niya. Ayoko man aminin pero I'm impressed with her work. Though may konting flaws na madali na naman ayusin. Gusto ko lang naman siya ipahiya kanina dahil alam kong may gusto sya sa isa sa mga yon." 

Hahahaha, si Vic naman ang tumatawa ngaun. Ako naman ang nangunot ng noo. "Bakit ka tumatawa hon?"

"Pareho talaga tayo magisip. Kaya nga hindi ko muna talaga pinaalis sila dahil pakiramdam ko ay may gagawin ka. tsk tsk, Ikaw talaga!" pero nakangiti naman siya sa akin habang sinasabi niya ito. 

"Kaya rin tinatakot ko lahat ng mga lalaking nagtatangka na manligaw kay Alia ay dahil gusto ko  magfocus muna siya sa companya natin ng walang sagabal. Nung maramdaman ko na may pinaplano ka, hindi narin ako nagdalawang isip na tulungan kang huwag paalisin yung dalawa." sabi pa ni Vic.

Kring Kring...

sabay naman kami napalingon ni Vic sa cellphone niyang ngrring.

"Mauna kana lumabas hon. Susunod na ako. Intayin mo nalang ako sa Le Cafe Restaurant, nagpa-reserve na ako dun."

Kring Kring..

"Kaylangan ko lang sagutin to."

"Ocge, mauuna na ako." at hinalikan na niya ako sa aking noo.

____________________

(Third Person's POV)

Nakatingin lang sa malayo ang isang lalaki habang nakatayo sa harap ng glass wall ng kanyang opisina. Bakas sa muka niya ang galit at kalungkutan.

~I can't feel the way I did before

Don't turn your back on me I won't be ignored

Time won't heal this damage anymore

Don't turn your back on me I won't be ignored~

My Unforgettable Deal with Mr.Devil |On-going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon