Chapter 1 - Meet Her

565 19 13
                                    

Loneliness

Who am I?

What I am?

Just a piece of jerk

Who means nothing?

I bear so much pain

And im tired

But my heart

It never stop

Can’t run,

Can’t hide

It keeps haunting me

I am repressed

in this darkness

Afraid and alone,

still waiting for the light

to guide my way out.

(Natalia’s POV)

Tumingin ako sa bintana, at pinagmasdan ang mga maiitim na ulap na nagbabadya ng isang malakas na buhos ng ulan. Narinig ko kasi kagabi sa TV na may paparating na bagyo. Panigurado kasi pag umuulan, malala ang traffic kaya nagmadali na ako sa pagbibihis at baka ma-late pa ako sa trabaho. Sa sobrang pagmamadali ko muntik ko na malimutan yung waterproof jacket ko, syempre dapat laging handa.

Nagpahatid na ako sa isa sa family driver namin, si Mang Erni. Hindi pa naman ganun katanda si manong pero hindi rin ganun kabata. Sakto lang pero may pagka-sungit din siya minsan kasi matandang binata kaya medyo ilag din ako sa kanya. Hahaha.. Chinismis ko pa talaga no? (^_^)

Bago ang lahat, ako nga pala si Natalia Ross, kalimitan “Alia” ang tawag nila sa akin pero mas gusto ko parin tawagin ako sa buong pangalan ko. Ang ganda kaya! Haha.. 22 yrs old palang ako, maaga din ako gumraduate dahil nappromote ako sa pagaaral. May katangkaran naman ako kahit papano, 5’6 at sa kabutihang palad, nung ngsabog ang Diyos ng kagandahan, eh gising ako at nakasalo ako ng biyaya, magbonus kapa ng isang magandang katawan. (^^///)  Ayun pic ko sa gilid --> ^^,

Oh sya tama na ang kahanginan ko dahil wala ako maipapagyabang pagdating sa lovelife ko. Pero proud naman ako sa pagiging NBSB ko. (~~,) Alam ko naman na maganda ako, sexy, mayaman, matalino pero bakit kaya walang nanliligaw sa akin?! (ay naku, sabi ko na nga tama na kayabangan ehh) (“^^)v 

Pero seryoso na to, hindi ko talaga magawang ipagyabang ang trabaho at mga magulang ko. Malalaman nyu rin mamaya kung bakit.

Naramdaman ko na bigla tumigil ang kotse kasabay na pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi na ako nakapag-almusal kaya naisipan ko nalang na dito nalang sa sasakyan kumain. Napasilip ako sa labas ng bintana para pagmasdan ang mga taong dali dali nglalakad para hindi gaanong mabasa ng ulan.

Hanggang sa mapunta ang akin tingin sa isang matandang lalaking gusgusin na may suot lamang na sumbrerong abaca at may maliit na bag na nakasabit lang sa kanyang payat na balikat habang nakaupo lang sa gilid at hindi alintana na siya ay nababasa na ng ulan. Bigla naman ako nakaramdam ng awa para sa matanda.

“Manong, mahaba pa ho ba yung traffic?”

“Opo Ma’am” sagot ni Manong Erni

“Sige po, intay nyu lang po ako saglit”

“San po kayo pupunta? Eh ang lakas ng ulan?”

Sa pagkakataong ito, hindi ko na sinagot si manong at walang pag-aalinlangan na lumabas ng sasakyan. Tinakbo ko kung saan naroon ung matandang pulubi at dali dali ay ibinigay ko sa kanya ang jacket na suot ko kasama ng sandwich at kapeng baon ko sana para sa aking almusal. Medyo nabigla naman ako nung nakita ko yung matanda kasi foreigner pala siya.

My Unforgettable Deal with Mr.Devil |On-going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon