A/N:
Ito pong story na ito ay naisulat ko nung panahong ako’y badtrip na badtrip sa pagkainip.
April pa nun, at naisipan kong i-upload ngayong May na.
Tingnan ko lang kung may matutuwa sa storyang ito na puno ng pagkayamot.
HAHAHA =))
________________________________
Nagigising ako tuwing umaga hindi dahil sa tilaok ng manok. Hindi rin dahil sa bwisit kong alarm clock o sa bungangera kong nanay.
Alam mo yung feeling na gusto mo pang makapiling ang malambot mong kama, pero may epal na sinag ng araw na tumatagos sa malaki mong bintana at magandang kurtina na gumagambala sa masarap mong pagkakahiga?
Yan. Yan ang dahilan kung bakit lagging kulang ang oras ng tulog ko. 12AM-3AM kasi ako natutulog, pano, babad sa internet. Tapos alas syete pa lang, ganyan na katindi ang sikat pesteng araw na yan! Punyemas. :/
Nakakabanas. Di na ‘ko makabalik sa pagtulog. Sobrang liwanag na kase. Ang init pa sa pakiramdam. The eff lang. :@
“Oh Petra, bumangon ka na jan, tanghali na! Hiwain mo ang sibuyas, bawang at kamatis at mag-gisa ka.” Nanay ko.
Wow ha. Napakagandang pambungad sa umaga.
Ang saya saya ng bakasyon. >////////<
Bumangon na nga ako. Wooh. Dang inet talaga, Mother Earth! n_n
Agad agad, sumunod ako sa utos ni ina. Wag ka, inuna ko pa yun sa paghihilamos! Haha. Mabait naman kasi akong bata.
Naitapat ko pa nga ang mukha ko sa kawaling pinaglulutuan ko. AAAAAH! Shunga shunga ko. Anong pakiramdam? Maineeeet! -____-
“Iprito mo yung isda jan!” Utos pa eh.
“Opo!” Haaynakoooo.
Sa kasamaang palad, natilamsikan pa nga ako ng kumukulong mantika. Kamatay. =_=
“ARAY!” Napasigaw ako. Putris na yan. Pinatuluan ko agad yung kamay ko sa gripo. Nakanang. Maligamgam ang tubig. Spell BU-WI-SIT. Tinapalan ko kaagad ng toothpaste ang napasong part ng kamay ko.
Maya-maya, naghain na ko.
Luto na ang agahan. Tinawag ko na ang mag-asawang Luzviminda at Pacifico Protacio. HAHA. Parents ko yan. =)))
Habang kumakain,
“Pagkatapos mong magligpit ng kinainan natin, maglinis ka ng bahay ha, Petra? Sabay kami ng nanay mo ngayon aalis kaya ikaw ang bahal sa bahay.” Bilin sa akin ni ama.
“Opo.” HAAAY. Whatever.
“Naglinis nga naman ako ng bahay. Di nagtagal, umalis na sina ama’t ina, pumunta sa lakad nila. Ako? Housekeeper of the day. How exciting. :x
Ang init talaga. Punyemas na long hair ‘to. Sagabal sa paglilinis ko ng bahay. Ipapaputol ko na ‘to ehh.
Pagkatapos, nafeel ko na ang baho-baho ko na. Dalawa lang ang gusto kong gawin. Ang maligo at magbabad sa bath tub. Kung may swimming pool lang kami, edi nakapagdive na agad ako pagkagising na pagkagising ko pa lang. Hahaha!
Nagpahinga ako saglit. Pumasok na ako sa banyo.
“Ayy, wala pala akong twalya.”
Potek. Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang twalya.
Pagpasok ko ulit sa banyo, hubad agad ako. Makita ko, wala ng shampoo. ‘Taragis na yan, inubusan ako. Humanap ako kung may stock pa ng shampoo sa bahay pero wala na nga. Isa lang ang nasabi ko. Sheet!
BINABASA MO ANG
Summer Heat.. Nakakabadtrip!
HumorPagkainet-inet. PUTEEEEEK! Nakakainis di 'ba, ang init ng panahon, nakakainit din ng ulo. Tunghayan natin ang pangyayari sa buhay ni Petra at ang kanyang pagka-badtrip sa mainit na summer heat. HAHAHA. Basahin mo, baka makarelate ka. Kung gusto mo l...