Chapter 31
Aleister's POV
Nakipagbreak ako sa kanya kahit sobrang sakit. I chose my family over her.
Nabankrupt yung company namin, at isa lang yung paraan para masalba yun. I need to marry the daughter of their business partner.
Nawala lang ako sa sarili ko kaya ko nasabi sa kanya na makikipagbreak na ko. Mahirap din yun para sakin kasi halos 1 month ko siyang di nakita, and i missed her so.
<Flashback>
January 3, start na ulit ng class nun, late siya nun eh. Tumawag si Jeeno nung araw na yun.
"Bro, si Dad nasa ospital."
Di ako agad umalis nun, di ko alam gagawin ko.
Wala pa kasi si Gabie nun, mag aalala kasi siya.
2nd subject, nagditch na ko ng class para puntahan si Daddy.
Nakita ko siya nakahiga tsaka andami nanamang nakatusok sa kanya, nandun din si Mama tsaka si Jeeno.
"Ano pong nangyari?"
"Inatake ang Dad mo, nabankrupt kasi ang company natin."
"Po? Bakit?"
"Complikado anak."
"Ano pong pwedeng gawin natin?"
Tumingin si Mama kay Jeeno tas matagal tumahimik.
"Anak, kilala mo si Cindy Forbes diba?"
nagnod ako.
"You need to marry her."
Nagulat ako sa sinabi ni Mama.
"Ako?"
nagnod siya.
"Bakit ako?"
Pagtingin ko kay Jeeno, napayuko siya.
"Anak, di na pwede si Jeeno."
"Bakit po?"
Tiningnan ko ulit siya. Then bigla siyang tumayo. Nilapitan niya ko tapos hinawakan niya balikat ko.
"Alei, nabuntis ko si Mimi."
Punung puno ng revelation ang araw na yun. Di ko alam sasabihin ko.
"Ma....."
Sobrang lungkot ng muka ni Mama, alam kong ayaw niyang gawin yun.
"Sorry Son."
"Pano po si Gabie, you like her right?"
nagnod siya.
"Mas mahalaga sakin ang company, samin ng Dad mo."
IKR! Sobrang hirap ng ganito. Di ko namalayan tumulo yung luha ko. Tapos niyakap ako ni Mama. That was the hardest part of my f*ckin life.
<End of Flashback>
1 month din akong di pumasok nun, nag iisip, umiiyak na din. Gay kung gay, eh mahal ko si Gabie eh.
Nung dumating yung araw na yun. Di ako sure kung sasabihin ko pa sa kanya.
Pero nasabi ko. Nabigla kasi ako eh. Nagkainitan kami agad. Pinaiyak ko siya. Sinaktan ko. Kaya ngayon, tingin niya sakin stranger, di ako kinakausap, turing niya sakin di kilala. Unti unti akong namamatay. Parang nawalan ako ng hangin.
Araw araw kong tinitingnan yung pictures niya sa phone ko tapos bigla nalang akong naluluha. Ganon ko siya kamahal pre!
Tuwing nasa classroom naman, di parin niya ko pinapansin, kahit minsan naging groupmates kami sa isang activity, madalas niya nga ko awayin eh.