The hardest Thing Chapter 11-20

45 0 0
                                    

Chapter 11

Tumambay sila sa bahay. 10am sila nandun. 7pm na. Tsk! Di sila masyadong nagtagal.

Kung di lang kasama si Pola eh. Pero bakit kaya magkasama sila? Baka may something na. Psh! Ang sakit naman ng iniisip ko.

Ayun at si Ate yung nag entertain kay Lei. Tapos si Pola sakin.

<Flashback>

"Alei"

Lumapit si A. 'A' nalang tawag ko sa kanya ah.

"Ate Jani. :)" -magkakilala talaga sila. So ibig sabihin, siya si ALEI? Si ex crush na bigla nalang akong iniwan.

"Anlaki mo na ah."

Lumapit ako kay Pola, tapos niyaya ko siya sa loob. Hinayaan ko si Ate kay A.

Nakaupo na kami sa sofa nung pumasok sila.

"Bey, doon nalang kayo sa garden."

Lumabas kami, that time kasama na namin si Lei.

Di ko parin siya pinapansin.

"Bakit ba kayo nandito? Bat magkasama kayo?"

ngumiti sila.

"Wala lang. Absent ka kasi." si Pola yun.

"Namiss ka niya kasi." Si A naman, with a smile.

'eh ikaw? Di mo ko namiss?' Haha!

"Kayo ah!"

Tumingin sila sakin.

"Bakit?"

Biglang dumating si Ate. May dalang food

"Salamat Sexy." si A yung nagsalita. Tsk! Nakakaselos tong 2 to! Psh!

"Baliw! Sige diyan na kayo."

Pumasok na ulit si Ate tapos ayun..

End of Flashback

Ito na nga. 7pm na and wala ata silang balak umuwi. Nakwento din nila na nagditch sila para puntahan ako.

Ngayon naman, balak pa atang mag overnight dito. -___-

"Di ba kayo uuwi ha?"

"Pinapaalis mo na kami?"

Si Pola talaga.! Kung siya lang okay lang eh, kaso may kasama.

"Tinatanong ko lang Atey!"

"Haha! Maya maya uwi na kami."

nagnod ako. So far, wala akong napansin na ginawa nila na typically ginagawa ng magjowa. Bakit naman kaya sumama yung mokong na yun dito?

Quarter to 8 nung nagdecide sila na umuwi na. At last! Pahinga na.

Di na nga ko pumasok eh, napagod parin.

Humiga ako sa couch sa sala. Tapos nakatulog ako.

After 30 mins, ginising ako ni Ate.

"Si Alei, bumalik, gusto ka daw niya makausap."

o.O bakit naman kaya? Gusto niya ko ulit i-kiss? Hmp!

"Sabihin mo ayoko."

"Puntahan mo na, or gusto mong papasukin ko."

Haay! Si Ate talaga. Ewan ko ba kahit noon gustung gusto niya si Alei.

Bumangon ako tapos lumabas.

"Bakit? Inaantok na ko eh." sabay hikab.

"I'm sorry. Pwede ka bang sumama sa bahay?"

The hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon