Chapter 21
Araw araw na kaming magkasama ni Alei. Madalas sa bahay kami tumatambay pag uwian. Ayaw niya daw kasi umuwi nang 5:30 sa bahay nila.
Iba talaga siya kumpara kay Eran. Si Eran kasi masyadong mabait. Siya naman. Basta, iba!
Wednesday night nakatambay kami sa labas ng bahay, paghatid niya sakin direcho tambay. Ayun, nakauniform kami pareho.
"Alam mo gusto ko na magpalit ng damit."
"Edi magpalit ka, samahan pa kita."
"Tara. Pasok tayo."
"Di. Balik ka nalang dito."
"Sige na. Tara na."
Hinila ko siya. Di siya nakapalag eh. Hehe
Pumunta kami sa kwarto ko.
"Diyan ka lang."
Kumuha ako ng damit sa cabinet tapos pumasok sa Cr ng room ko.
"Baka kelangan mo ng kasama."
"Kaya ko na to mag-isa"
Biglang tumahimik. Ano kayang ginagawa nun?
After 5 mins. lumabas ako.
Nakita ko siya nakahiga sa kama ko. Tulog.
'Tulog agad to?'
Yakap yakap niya si Baby Eps. Napangiti ako. Ang cute niya.
Kinuha ko yung laptop tapos dumapa ako sa kama ko. Nagnet ako. Tinulugan kasi ako ng magaling kong boyfriend.
After 1 hour. Niyakap niya ko. Tiningnan ko siya.
"Oh? Tinulugan mo ko ah."
"Sorry Mamabear."
"Mamabear?"
"Oo, ako si Papabear, ikaw si Mamabear si Eps si Babybear. 1 big happy family."
"Nyek, ang korni. Ayoko ng Mama/Papa."
Badtrip to. Alam naman niyang yun yung tawagan namin ni Eran dati -___-
"Uhm eh ano?"
umupo na siya tapos tinitingnan yung ginagawa ko sa pc.
"Ano ginagawa mo?"
"Wala lang, fb."
"Ang boring naman ng ginagawa mo."
kinuha niya yung laptop tapos nilagay niya dun sa cam.
Ayun nagpicture kaming dalawa. Wacky, meron din yung nakakiss siya sakin sa cheeks tapos nakapose ako ng V-sign.
After nung baliw baliwan namin, sinara na niya yung laptop, then tinabi niya.
Umupo ako. Tapos dumapa naman siya.
Kinuha ko si Eps tapos niyakap ko.
Nag usap kami ng kung anu ano lang. Reminiscing nung Elem days. Kesho, muka daw akong tibo, kesho ang sakit ko daw manipa tsaka manuntok. Wala, masaya lang.
Tapos maya-maya.
"Pano kayo ni Eran dati?"
"Ha? Bakit mo natanong?"
"Wala lang, kasi dati nakikita ko kung gano mo siya kamahal."
Tiningnan ko siya.
"Ano ka ba? Ang drama mo naman eh."
"Gusto ko lang naman malaman."
"Okay sige, Si Eran, sobrang sweet nun, ni hindi nga ako maasar nun eh."