Chapter 6 : Meet his Buddies

130 8 2
                                    

Alex's POV]

*Sa Cafeteria*

"Alex! Pare? Ang tagal mo ha! Akala namin na gang rape ka na ng mga babae dun eh." Michael

"Pshh... Nakabunggo ko lang naman ang anak ng may-ari nitong university." ako

"Aba! Hanep! Big Time ka dun!" Michael

"Si Princess?" Julian

"Oo, kilala mo yun?" ako

"Oo, nakita ko na siya sa personal." Julian

"Wow ah! Nakita na sa personal, artista ba!?" Michael

"Maganda lang talaga siya!" Julian

"Anyway, Naka-bungguan ko talaga siya. Habang ang bilis ng lakad niya sa corridor, nakayuko pa siya habang naglalakad, and instead of apologizing to me. May gana pang magalit. Ako pa tuloy ang nag-sorry." ako

"Baka may dalaw lang yun." Julian

"Dalaw? Ako at Michael

"Oo! Baka may PMS" Julian

"Ahh!" Michael

"Well even so, hindi yun acceptable." ako

"Sabi ng mga estudyante dito at mga professors, nag-iisang anak lang siya. Matapang at matalino. Laging siya ang topnotcher sa klase. May pagka-cassanova din daw siya, pero sadyang walang chance ang mga boys dun." Julian

"Wow Julian! Ang daming alam! Stalker ka ba?" Michael

"Hindi ah! Naririnig rinig ko lang sa mga usapan nila." Julian

"Back to the topic nga!" Michael

"Come to think of it. I'm interested on her. Kakaiba kasi siya eh. Hindi siya yung babaeng agad agad nai-inlove sa lalaki. At hindi siya nahulog sa kagwapuhan ko." ako

"In other words... She's hard-to-get! Eh pa-paano! Cassanova din pala yun eh! Wag mong sabihing naiinlove ka na dun, ano nga ba pangalan niya?" Michael

"It's Leigh, and hinding hindi ako maiinlove sa kanya. Mataas ang standards ko pagdating sa mga babae. Hindi katulad mong playboy. Ni-isa nga sa mga naging girlfriend mo wala kang sineryoso eh."

"Hoy ano ka! Meron din noh!" Michael

"Wait, anong tawag mo sa kanya Alex?" Julian

"I call her Leigh." ako

"Sa pagkaka-alam ko, ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Leigh. How did you managed calling her Leigh?" Julian

"Well, actually, kaya siguro mas uminit yung dugo sa'kin nun kasi, tinawag ko siyang Leigh instead of Princess.." ako

"Kaya naman pala eh! Iniinis mo eh. Paano mo na mapapa-amo yan ngayon kung interesado ka sa kanya." Michael

"I have my ways. Sa gwapo kong 'to?" ako

"Hahahahahaha!" Michael and Julian

**BELL RINGS**

"Oy! Magsilayas na kayo!" ako

"Bakit ikaw? Di ka papasok?" Julian

"Hindi, ang boring ng subject eh. Magpapahangin lang ako." ako

"Ang sabihin mo, mag-iisip ng plano kung paano mapa-amo ang isang tao. Hahaha!" Michael

"Gago! Hindi! Boring lang talaga at ngayon pupunta ako sa rooftop at magpapahangin okay!?" ako

"Whatever Dude." 

One-Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon