Pauwi na ako ngayon..tiyak na matutuwa nito sila mama pagnakita nila ang score ko sa test namin.....
Teka? bat may mga tao sa bahay? may bisita ba kami?...
Tutuloy na sana ako ng biglang nakita ko si papa...kinagat sya nung nakaitim sa leeg...tatakbo na sana ako papunta sa kanila ng sumigaw si mama...
"Wag kang lalapit dothy!!!" agad akong napatago sa isang mayabong na halaman sa bandang gilid ng puno ng mangga..kitang kita ko kung anong hitsura ng mga taong yun.
Mapupulang mata...
Pangil..pangil na napaka tulis..
Dugo..dugo na nasa bunganga nila na wari ko'y dugo ni papa..Lalo pa akong napatago ng biglang lumingon sa direksyon ko ang nakaitim na iyon....
Natatakot ako...
Natatakot....Ng makaalis na ang mga nakaitim na iton ay agad akong nagtungo sa kinalalagyan nila mama....
Halos diko na sila mamukhaan..
Ang putla na ng mga kutis nila mama....
May kagat din sila pareho ni papa sa leeg....
Dugo...maraming dugo ang kumalat sa aming sala...
"M...ma..ma..*sob* ma!!" sabi ko habang niyuyog-yog ang katawan ni mama...
"P..pa a..ano ba?!! gum..mising na kayo!!*sob*" di ko na mapigilan pa...
Wala na wala na ang mga magulang ko...
"Maa!!" halos ubusan na ako ng hangin......
"Iha..ok ka lang ba?" tanong sakin ni aleng martha
"O-opo.." napansin ko ding umiiyak na pala ako kanina.
"Oh ito tubig" sabay abot sakin ni aleng martha ng isang baso ng tubig..
"Panaginip nanaman ba?" wala sa sariling napatango ako..ano pa nga ba panaginip..panaginip na nais ko ng kalimutan pero pilit akong binabalikan...
"Maniwala po kayo aleng martha totoo po ang sinasabi ko...totoo ang mga b-bampira" pagkukumbinsi ko sa kanya
"Hay..sa halos tatlong taon nating magkasama walang araw na hindi mo sinasabing totoo ang mga bampira.." sabi nya habang inililigpit ang mga sapin sa higaan..
"Ngunit totoo po ang sinasabi ko aleng martha maniwala po kayo" pagpipilit ko pa sa kanya
"Oo na oo na hala sige bumangon ka na dyan at maaga pa tayo sa palengke
*******"Ohh bili bili na kayo karne ng baboy mura lang at nakakasiguro pa kayong ligtas at fresh na freshhh!!!!" pagtawag ko sa mga customer namin..4:00 palang kaya medyo konti palang ang mga tao ngunit may mangilan ngilan namang iba na pinapakyaw talaga ang mga karne namin dahil nga ligtas ito at mura...
"Oohh!! mga suki hali na dito sa amin..karne karne kayo dyan mura na masarap pa!!"
Ako nga pala si dorothy " dothy" bernabe..ako ay nasa 19 taong gulang dapat nasa third year nako ngayon kong di lang ako huminto dahil namatay ang mga magulang ko dahil sa mga pesteng bampira nayun..laking pasasalamat ko kay aling martha dahil sya lang ang kumupkop sakin simula ng mamatay sila mama..nais nya sana akong pag-aralin pero mas gusto ko na pag-ipunan na lang yun...ayaw ko ding maging pabigat sa kanya lalo nat may kaedadan nadin si aleng martha..
"Ms..mag kano dito sa tapa?" tanong ni kuyang naka cap na itim..tapos may nakasulat na "walang forever" ayy pft..bitter si kuya
"Para po sainyo 120 nalang po ang isang kilo" sabi sabay pakita ng aking mga dimples...hehehe pang akit din to ng mamimili noh...
"ah sige iha bigyan mo ako ng dalawang kilo.."
Agad naman akong nagtadtad ng pang dalawahang kilo ng tapa
"Ito po oh" sabay abot ng karne
Mayamaya pa may lalaking nakaitim ang bumili sa akin
"Ms. Magkano sa dugo?" sanay na kami sa mga araw-araw na naghahanap ng dugo ewan ko ba sa kanila trip na trip magdinuguan
"Ahmm..sariwa po ba oh yung buo na?"
"Yung sariwa sana"
"ahh.. 80 pesos po"
"Pakibigyan naman ako ng lima" nagulat naman ako lima? grabe baman sila mag dinuguan
"Ah.ito po kuya oh" sabay abot ng dugo..pagkatapos ay iniabot nya din sakin ang pera..
************
kasalukuyan kami ngayong nanananghalian ni aleng martha sa karinderya ni aling tetay"Dothy..." pagtaag sakin ni aleng martha
"Po?" sabi ko sabay subo ng kanina na may ulam na giniling
"Baka di nakita masasamahan dito..." mahinahon nyang sabi sabay inom ng tubig
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Babalik na ko sa probinsya sa susunod na linggo..."
"p-po bakit po?" wala na kong kasama pag pati si leng martha iiwan ako..lagi nalang akong mag-isa ni walang gustong makipagkaibigan sakin kahit na ayos naman ako maganda..matalino..mabait..at higit sa lahat busilak ang kalooban dahil ayaw nila sa baliw inaakala nilang baliw ako dahil sinasabi kong totoo ang mga bampira...
"Iha mahina na ang katawan ko....hindi ko na kaya pang makipagsapalaran dito.."
"Pero po pano ako?" sabi ko..
"Nais mo bang mag-aral nalang muli?" gustuhin ko man ayaw kong hihingi ng pera sa iba para lang makapag-aral ako..kaya ko..pagiipunan ko...
"Gusto po ngunit kapag nakapag-ipon napo ako"
"Hindi ko alam kong sankita ihahabilin kapag umalis na ako...hindi kita pwedeng dalhin saamin sapagkat itataboy kalamang nila..kagay ng ginawa nila sa mga kinopkop ko" sabi ni aleng martha na nakayuko..batid kong malungkot din sya..ngunit wala syang magagawa
"Uuwi nalang din po ako saamin..aleng martha" pahayag ko na syang ikinataas ng kanyang ulo
"Pero wala kanang natitirang kapamilya hindi ba?"
"opo..pero maari po akong maghanap buhay roon sa pamamagitan ng pagtatanim.."
"Oh sya sige tutal na kapagpasya ka nanaman sa susunod na linggo tayo aalis"
"opo"
*********"Mmaaa...maaa..." wala akong makita puro itim....pula....ayaw ko na pagod na ko gusto ko ng magpahinga..
"Ma....pa.. asan na kayo??!!" tawag ako ng tawag sa kanila ngunit walang sunasagot..
Takbo..
Takbo...
Takbo...."Maa..paa...*sob* magpakita na kayo" diko na kaya at sumalampak nalamang ako sa sahig na wari ay isang dagat walang katapusan....naisin ko mang mapuntahan ang hangganan ngunit hindi ko alam ang paraan
"maa!!!" napabalikwas na ako ng higa dahil sa panaghinip ko nanamang hindi ko alam ang nais ipahiwatig...
"Dorothy...halikana at maaga pa tayo sa palengke...
"Opo susunod na"
YOU ARE READING
FINDING NEMO
Random(FINDING MY VAMPIRE HUSBAND) Sa lugar kung saan ang pagmamahal ay walang puwang... Dugo at buhay ng isang nilalang Ganid at paghihiganti ang nais makamtan.... Pano kung ang taong mahal mo ang sya palang isa sa mga kinamumuhian mo? matagal na sanang...