Last day ko na ngayon dito sa pasig kasi naman aalis na kami este ako pauwi sa amin siguradong bulong-bulungan nanaman kapag umuwi na ko...hayysstt...sana naman paniwalaan na nila ako..kitang kita ng dalawa kong mga mata totoo ang mga bampira..di ako nagh-hallucinate ng mga panahong iyon....
Ma..pa..miss na miss ko na kayo..sobra..
Bago pa tumulo ang mga luhang namunuo sa gilid ng aking mga mata eh pinagpatuloy ko na ang pag-iimpake ng mga damit ko
*****
"Dothy..iha magiingat ka roon ha?" Habilin sa akin ni aleng martha habang paakyat ako sa bus papuntang palawan.."Opo...mam-miss ko po kayo" malungkot kong sabi sa kanya habang nakatanaw sa kanya dahil malapit sa bitana ang kinauupuan ko
"Basta wag katangahan ang isipin ha? naku may pagkatanga ka pa nanam" biro nya pa sa akin na sya namang ikina ngiti ko...im gonna miss this woman
"Makakasa po kayo..maraming salamat po aleng martha sa lahat lahat"
"Walang anuman hanggang sa muli nating pagkikita" huling katagang narinig ko mula kay aleng martha dahil nagsimula ng umandar ang bus kaya naman itinuon ko na ng atensyon ko sa mga nadadaanan naming mga tanawin..
Nag stop over kami sa pantalan kaya kinuha ko na ang pagkakataon para magbanyo at naiihi narin ako
Palabas na sana ako ng cubicle ng may mabangga akong matanda agad ko naman syang tinulungan na pulutin ang mga kagamitan nyang nahulog mula sa pagkakabangga ko sa kanya
"Naku sorry po lola" hingi ko ng paumanhin sa kanya
"Naku ayos lang" sabi nya habang pinupulot din ang iba pang nahulog...
"Maari mo ba akong samahan sa tindahan ng gamot eneng?"
"ho? bakit ho? Napano ho kayo?" nag aalala kong tanong sa kanya dahil napapansin ko ding maputla ang mga labi nya
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko..maari mo ba akong samahan?"
"ay oh sige ho" pagkasabi ko nun ay agad ko syang sinamahan sa malapit na butika..siguro naman hindi pako maiiwan ng bus nito dahil wala pa naman ang barkong sasakyan ko para makauwi samin
Ng makarating kami sa butika ay bumili na ang matanda ng gamot ngunit parang wala syang pera kaya nilapitan ko na sya dahil halos 5 minuto na syang nakalkal ng bag nya
"La? Ayos lang po ba kayo?"
"Nawawala kasi ang kupita ko ineng nandoon ang pambayad ko ng gamot" nagulat naman ako ng tumingin ako sa mga mata nya..mapulang mapula..nakakahilo...wala sa wisyong ibinigay ko sa kanya ang natitirang pera na galing sa inipon ko...bahagya naman syang napangiti...ngiting nakakakilabot..diko maintindihan ang sarili ko..parang ang high ko diko alam kong anong nangyayari...
Maya-maya pa ay nagulat ako ng kalabitin ako ni manong driver
"Ms. Pasahero ka ba ng bus papuntang palawan?" parang dahil don nabalik ako sa katinuan
"O-opo"
"Naku buti nalang hindi ka naiwan halika na at aalis na" susunod na sanan ako ng maalala ko ang pera ko
"Teka po manong" habol ko sa kanya
"Bakit may problema ba?"
"Nawawala po ang pera ko" natatarantang wika ko sa kanya
"Huh? Wala namang naireport na nakitang may ninakawan ah..tsaka kanina pa kita nakikitang nakatayo lang diyan halos mag-iisang oras na" nabigla naman ako sa sinabi nya..ako isang oras ng nakatayo?
"Manong tulungan nyo naman po ako wala napo akong pera*sob* " pagkukumbinsi ko sa kanya
"Sige halika at icheck natin ang cctv dito" at gaya nga ng sinabi nya chibeck namin ang kuha sa cctv
Nagtaka naman ako ng makitang malinaw na malinaw na ibinigay ko ang pera ko sa matandang babae na nakabunggo ko kanina..the fuck ang tanga ko
"Pano na to wala na kong pera" maiiyak kong sabi
"Hay.. ms. Siguradong nabudol-budol ka"
"budol-budol? eh bat po kulay pula ang mata nya?"
"Pula? Pft..baka naman may sore eyes ahahahahah" tss... hindi na talaga matino kausap ang mga tao ngayon kaya naman bago pa ko mabaliw eh umakyat na ako ng bus at doon inisip kong gaano ako katanga na naibigay ko sa isang hindi ko kilala ang perang halos dugo at pawis kona ang ipinuhunan ko...
ang tanga mo dothy....
ang tanga-tanga mo....Hayysstt..bala na bukas maglalakad nalang ako paunta samin..
*********Yawn* hayyss....kakababa ko lang ng bus at sumalubong agad sakin ang malamig na simoy ng dagat ng palawan...how i miss this place...
Kasalukuyan akong naglalakad dahil mga ilang kilometro pa bago makarating sa bahay namin siguro mga kalahating kilo metro pa at mararating ko na ang bahay namin...
Nag-iisang bahay lang ang bahay namin dun pero masaya naman dahil marami kaming hayop na inaalagaan at the fact na malayo kami sa mga chismis at paninira ng mga bungangera naming mga kapitbahay nung nakatira pa kami dati sa bayan...inaakusahan nilang manggagamit ang tatay at nanay ko dahil hindi daw kami marunong magbalik ng mga pinautang nila sa amin....
Ng marating ko ang bahay namin ay nanumbalik lahat ng alala sa akin..masasaya..malulungkot.....mapapait na alaalang nabaon sa limot sa mga nakaraang taong pamamalagi ko sa pasig....
Ito padin ang bahay namin..pawang bahay kubo na gawa sa pawid ..medyo may kalumaan na ang pinto nito kaya naman nahirapan akong makapasok....
Pagkapasok ko ay alikabok mula sa mga kagamitang hindi na nagamit mula ng mamatay sila mama ang sumalubong sa akin...
Inilapag ko na muna ang mga bagahe ko sa bangkuan at sinimulan na ang paglilinis..buti na lamang at hindi naputulan ng kuryente ang bahay na ito kaya naman maayos pa at may ilaw ako mamayang gabi
Punas dito punas don...
Walis dito walis don...
Agiw dito agiw don...
Hayysst nakakapagod din pala ang maglinis ng buong bahay na inamag na sa loob ng tatlong taon...
Agad akong sumalampak sa may katigasan kong kama na magmula pa moong bata ako eh kama ko na...gawa ito sa mga tuyong bunga ng doldol (ilonggo word)
Ng makabawi na ako ng lakas ay agad akong nagtungo sa kusina at naghanda ng makakain ko para sa gabing ito
Simpleng sardinas at kanin lamang para maibsan ang nangangalam kong sikmura
Wala na akong pera para makabili ng masarap na pagkain dahil naibigay ko na iyon sa matandang manggagantso..nakakainis...hayysst
Isinaayos ko na ang mga damit at mga gamit ko sa kwarto ko tsaka naman ako nagtungo sa kusina at nagmuni-muni
Marami pa akong kakaining bigas....kailangan kong kumayod ng mag-isa....
YOU ARE READING
FINDING NEMO
Random(FINDING MY VAMPIRE HUSBAND) Sa lugar kung saan ang pagmamahal ay walang puwang... Dugo at buhay ng isang nilalang Ganid at paghihiganti ang nais makamtan.... Pano kung ang taong mahal mo ang sya palang isa sa mga kinamumuhian mo? matagal na sanang...